The Man Hunt

1K 43 9
                                    

The Man Hunt

Umalis ulit sila. Kumalampag na ang kadena sa labas. "Yeppeeeeei" Nagtatatalon ako at napapalakpak sa tuwa. Pwede ulit akong magpunta sa gubat. Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng makatabi kong matulog si Nine at sana maulit iyon, sana.

Binuksan ko ang pintuan ng silid ni Aimee at nagtatakbo ako pakusina. Sabi ni Aimee dapat na lagi akong malinis kaya huwag ko daw kakalimutan ang pag-susuot ng tsinelas sa paa, pero sagabal kasi iyon madalas natitisod ako pag suot ko iyon kaya iniwan ko na lang sa ilalim ng papag. Maghihinaw na lang ako sa ilog mamaya. Medyo malamig ang hangin, medyo mahamog din. Ang agap naman umalis nina Aimee at Nine? Mamimili ulit sila sa sentro, at sana may sugpo ulit.

"Waaah! Paro-paro" Hinabol ko ang malaki at makulay na lumilipad. Nakakainis na sa bawat pagkakataon na mahahawakan ko na ay biglang lilipad papalayo. "Ang daming tutubi" hindi ko mapigilang mamangha kasi ang daming lumilipad sa ere, may bubuyog din.

"Hanapin natin sa paligid, paniguradong nasa paligid lamang iyon"

"Tol masyadong malayo na tayo sa pinagbagsakan ng helicopter, baka naman patay ng iyon o nalapa na ng baboy ramo"

"Sabi ni Boss, masamang damo raw iyong si Nueve kaya siguradong buhay pa iyon."

"Huwag kayong makwentuhan diyan, maghanap kayo. Nine ang pangalan at hindi Nueve"

"Eh, tol isang linggo na tayong naghahanap, wala pa rin tayong makita, gusto ko nang bumalik ng Sta. Catarina, dapat sumama na lang ako kina Kite sa sentro nitong bayan"

Kasulukuyang nagtatago ako sa isang malaking bato at ilang dipa lamang ang layo nung apat na aswang sa pwesto ko. Panay makikintab ang ulo nila na pwedeng bolang Kristal. Bakit kaya wala silang buhok eh hindi naman na sila baby? Pinigilan kong humagikhik sa naisip ko. Dapat tahimik lamang ako dahil may hawig sila sa mga bakulaw na lalaki sa kuta. Malalaki ang pangangatawan nila at pakiramdam kung mga hindi gagawa ng mabuti ang mga itsura nila. Kailangan kong mag-ingat. Ay, nabanggit nila ang pangalang Nine, bakit nila hinahanap si Nine? Kamag-anak ba ni Nine ang mga ito eh ang papangit nila. Ay, baka ampon si Nine, kawawa naman si Nine.

Ay kung ampunin ko na lang kaya si Nine para habang buhay na akong may kalaro, sabi ni Aimee ay hindi na daw ako menor de edad. Ano ba iyong menor de edad? Napangiti ako sa tumatakbo sa matalas kong isipan.

"Pahinga muna tayo Tol kagabi pa tayong paikot-ikot ni wala ngang bahay tayong makita" sabi nung isang aswang na may nunal sa baba. Umupo ito sa batong pinagtataguan ko. Naku patay! Nakatalikod lang siya sa kinatataguan ko. Pakiusap huwag kang lilingon, Huwaaag!

Lilingon na dapat iyong aswang nang bigla itong higitin ng isa niyang kasama. Naibuga ko ang kanina ko pang pinipigilang pag-hinga. PEWH! Kinabahan ako doon, pero magaling pa rin ako kasi hindi nila ako nakita. Bleh! Dahan-dahan akong umurong habang nakayuko. Babalik na ako sa bahay.

"Aahhhhh! White lady!" Napatingala ako sa lakas ng sigaw nung isang aswang na may malaking pilat sa noo. Kaya pala amoy mapalot. Bastos iyong aswang umiihi at may nakita akong talagang nakakasuka. Anla ang pangit nung nakalawit sa zipper ng pantalon nung aswang.

"Huwag kang lala...pit hi..hindi ako takot sayo....Aaaaaah—" Aba't tinakbuhan ako. Napamaywang tuloy ako, hahaha natakot sa akin iyong lalaki. Napahagikhik ako sa tuwa. Lalapit kasi sana ako para itanong kung ano yung pangit na maitim na naka-usli sa zipper, pero biglang nagtatakbo.

"Hindi naman ako nangangain ah!" Ano ba itong buhok ko at nakatabon sa mukha ko dahil sa pagkaka-yuko. Inayos ko muna bago ako tumalikod para maka-uwi na.

Natanaw ko sila sa may parteng ilog, parang nagtatalo.

"Tol hindi ako nag-bibiro may umaaligid na white lady dito, uuwi na talaga ako"

"Hindi kaya na-eengkato na tayo sa lugar na ito?"

"Magsitigil kayo kalalaki ng katawan niyo pero panay duwag kayo, mga walang silbi"

Paano ako maghihinaw ng paa eh nandoon sila. Hay sa poso na nga lang sa likod bahay ako mag-hihinaw. Nilampasan ko na sila. "Ayon, yung white lady!" hindi na ako nag-abalang lumingon. Kasi sa masukal na parte o matataas na talahib na ang dinadaanan ko.

"Oo nga biglang naglaho....Ahhhhhh!" narinig ko pa ang ilang mga yabag papalayo. Nagtatakbo na naman sila. Bakit ba ang hilig nilang sumigaw masyadong masakit sa pandinig ang boses nila.

****

Hindi ko matanggihan si Aimee na sumama pa-sentro. Mamimili ulit kami ng stocks sa buong linggo. Hayzt, isang linggo na ako dito sa unknown place at two days ko na ring hinanap ang babaeng iyon, inuuna ko pa nga iyon kaysa ang paghahanap ng pendant ng kwintas ko. Damn it. Sunod lang ako ng sunod kay Aimee na ngayon ay kinikilatis ang ampalaya.

Bakit ba niya pinakatititigan iyon? Hindi naman mawawala ang kulubot nun kahit maghapon niyang suriin. "Nakain ka ba ng margoso, Ross?" nakangiti siya sa akin.

"Hindi" seryoso ako doon ayaw ko sa lahat ay mapait na lasa ng pagkain. Kahit na bitter akong tao hindi ko gusto ang mga ka-uri ko. Mabilis na binalik ni Aimee ang ampalaya sa bilao. Dinampot ko ang kalabasa at iniabot kay Aimee. "Iyan na lang iluto mo, gusto ko iyong may gata" ngumiti siya kahit akala ko'y magagalit siya sa pag-uutos ko. Magaang kasama at kausap si Aimee hindi ko alam kung bakit siguro dahil lagi siyang nakangiti. To some extent parang may nakakahawig siya na hindi ko alam kung sino.

"Ross pwedeng makisuyo"

"Sure"

"Diba may pinakayod tayong niyog doon sa kabilang stall pwede mo bang kunin, bayad na iyon sabihin mo lang na sa akin iyon"

"Sige" Tumalikod na ako sa kanya at pumunta sa stall na sinabi niya. Hindi pa ako nakakalapit masyado sa stall ng mapahinto ako. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko. Anong ginagawa ng lalaking iyon? Pamilyar siya sa akin dahil isang sa mga bata ni Jack ang lalaking nakatayo sa isang tindahan ng itlog. Kite, anong ginagawa niya sa lugar na ito?

Umurong ako at nagtago sa mga patong-patung na gallon. "Ale napansin mo ba ang taong ito?" may inabot si Kite na isang litrato sa Ale. Shit! That's my Oh so hot picture. Bigla akong napasiksik sa pinagtataguan ko ng may nagtakbuhang ilang mga lalaki.

"Ay ka-gwapa naman nito, artista ba ito iho?" napangiti ako sa tanong nung ale kay Kite. My charisma is really unresistable, picture pa lang iyon ha, paano pa kaya pag personal na.

"Ale hindi yan artista, pusakal ho iyan na ipinaghahanap namin" napakunot ang noo ko sa narinig. How dare he address me like that. Isa lang siyang tau-tauhan ng kapatid kong si Jack. FUCKSHIT JACK!

Now everything is clear. From the very beginning I loathe him to death. How could he try to kill me again. Pina-man-hunt pa talaga ako sa mga walang kwenta niyang tauhan. Pang-anim na beses na niya itong ginagawa tuwing nauulusan ko siya. Inggetero talaga ang loko. Nakita kong naglakad si Aimee palapit sa stall na dapat kukuhanan ko ng niyog-gata.

Palinga-linga, darn I can't show myself to her, nasa likod lamang nito sina Kite. Kinausap pa ni Kite si Aimee at inabot ang litrato ko. Napakunot ang noo ko ng itanggi ni Aimee ang pagkakakilala niya sa akin. Hindi naman ako kinabahan na ibuking niya ako. I can take them all dahil medyo magaling na ang balikat ko. I'm not Nine Felier if I can't protect myself for 20 people. Lumaki akong sanay sa bangasan, bugbugan at kung ano-anung brutalan.

Lumayo na ang nakausap ni Aimee. Saka nito kinuha ang isang supot ng gata. Dumaan si Aimee sa pinagtataguan ko. "Uwi na tayo Ross o Nine" ramdam ko ang lamig ng boses ni Aimee. Shit this guilt. Alam pala niyang kanina pa akong nagtatago dito sa may mga patas ng gallon.

"Hindi ko tatanungin kung bakit, pero gusto ko lang malaman kung Nine ba talaga ang totoo mong pangalan" Ngayon lang nagsalita si Aimee after naming makasakay ng tricycle.

"Yes Aimee, I'm Nine, Nine Felier. Thanks Aimee" she deserve my explanation and gratitude.

"Wala iyon, hindi ka naman mukhang pusakal eh. Sa isang linggong nasa pangangalaga kita ay hindi ka gumawa ng kahit anong masama sa akin kaya bakit ako maniniwala sa kanila eh mas mukhang masasamang tao sila kaysa sayo" nakangiti na siya ngayon. Sorry Aimee the thruth is I'm more evil than them, but I can't tell you right now.

Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon