Benjamin

844 38 13
                                    

Benjamin

Ang init, mabanas tapos mabigat, masikip. Nang idilat ko ang aking mga mata ay sumalubong sa akin ang mukha ni Nine. Napangiti agad ako. Ang sarap kasing titigan ang maamong mukha niya. Ilang dangkal lang layo ng mukha niya sa mukha ko.

Pikit, mulat, pikit, mulat. Ilang beses akong kumurap-kurap.

Ikinilos ko dahan-dahan ang kamay ko palapit sa mukha niya. Hinipo ko ang pilik niyang malantik. "Mahaba din ang pilik mo gaya ng akin" idinampi ko diretso sa ilong niya. "Matilos din ang ilong mo gaya ng akin" ibinababa ko ang daliri ko sa labi niya. "Ang lambot" napahagikhik ako ng bigla niyang ibuka ang bibig niya at kagatin ng hindi gaanong madiin ang daliri ko. Dahan-dahan siyang nagmulat sa ginawa ko. "You're too loud woman" maliwanag ang mukha niya at sumingaw ang isang ngiti.

Napangiti na rin ako. "Gutom na ako Nine, bitawan mo ang bewang ko. Babangon na ako" Nakakainis, hindi niya ako pinakinggan, bagkus ay hinigit pa niya ako palapit sa kanya.

"Tell me your name first"

Napalunok ako sa kondisyon niya. Sabi ni Aimee hindi pwede na may makaalam. Umiling ako sa kanya. "Then I wont let you go"

"Ha?" hindi ko na naman siya maintindihan. Kanina iyong 'name' lang ang naintindihan ko. Gusto na naman niyang malaman ang pangalan ko. Ay! alam ko na.

"Be..benjamin" mahina kong sabi.

"You're name is Benjamin? Heck you're a woman! Supposedly you should have a woman name" nakatitig siya ng seryoso sa akin. Ano ba kasing pinagsasabi niya?

"Benjamin yung pangalan nang bagong dating, diba tinanong mo kanina" iyon lang pwede kong masabi sa ngayon. Umasim ang mukha niya sa sinabi ko. Mali ba ang ginawa ko?

Napakagat na ako sa labi. "Ka..kasintahan siya ni Aimee. Kanya ang silid na tinutulugan mo."

****

Napataas ang kilay ko sa huling sinabi niya. "You mean he's staying here? Argg.. dito siya nakatira?" naiinip ako sa mga sagot na gusto ko nang malaman. Tumango-tango lamang siya. What the heck! Pareho silang babae dito tapos dito natuloy ang lalaking iyon? Ay Nine your also staying in their house. Napakisot ako ng mata.

"Dito siya natuloy pag bakasyon niya sa sundalo" dugtong pa ng babaeng kaharap ko. Hmm a soldier huh!

"Hindi tayo pwedeng lumabas Nine, baka gawin din niya sayo iyong ginawa niya sa akin. Masakit iyon" napakunot ng labis ang noo ko.

"Wha-Anong ibig mong sabihin?" I should stop speaking in english.

Nagulat ako sa kanyang ginawa. Kumawala siya sa yakap ko at saka siya bumangon at naupo sa papag. Itinaas niya dahan-dahan ang laylayan ng kanyang bestida. Shit! Napaupo din ako sa ikinilos niya. Bakit niya itataas ang damit niya? Pinigilan ko agad ang kamay niya. Nagtataka ang mga mata niya. "Ehh bitawan mo ako Nine, ipapakita ko nga eh"

"Ano ba iyon?"

"M..may pilat ako sa likod at bewang" tumalikod siya sa akin. Tuluyan niyang itinaas ang bestida.

Fuck who the heck made this?

Ilang linya ng pilat ang nakaguhit sa likod niya. Sampu lahat. Mahahaba at malalim. Natatakot akong idampi ang daliri ko sa pakiwaring baka masaktan ko siya. "Pinalo niya ako ng mahaba, iyong parang lubid, kasi hindi daw ako sumusunod sa kanya. Huwag mo itong sasabihin kay Aimee, magagalit siya baka saktan niya si Aimee"umiiyak niyang wika.

This is bullshit! I don't know what to think. Pinagmamalupitan ang babaeng ito ng kasintahan ni Aimee? FUCK! How dare he! "Sabi niya s..sa akin na..na hindi dapat malaman ni Aimee dahil iiwan ako ni Aimee" humarap siya sa'kin. Umiiyak nanaman siya.

"Hi..hinawakan niya ako dito,dito,dito at dito" isa-isa niyang itinuro ang bahagi ng katawan niya. I'LL KILL HIM! "Pero umaayaw ako kaya nagkaroon ako ng pilat" hindi ko na gustong maalala ang mga bahagi ng katawan niyang itinuro dahil baka sumabog ako sa galit sa taong iyon. Lahat ng itinuro niya ay censored part.

Marahan ko lamang siyang hinawakan sa balikat ayokong matakot siya sa akin ngayon. Hindi niya iyon kailangan. "Did he—" hindi ko maituloy ang tanong ko. Natatakot akong baka, Hindi pwede! Shit naiiyak akong maaring huli na ako. Nakuha na ba ng lalaking iyon ang pagkakababae ng baby ko.

Sumiksik ulit siya sa leeg ko at yumakap sa akin. Naitikom ko ng mariin ang mga palad ko. "Ayoko sa kanya Nine. Dito lang tayo sa lungga ko. Hindi niya tayo dito makikita. Hindi niya ito alam" mahinang mahina na ang boses niya kasabay ang impit na iyak.

"Nine gutom na talaga ako, masakit na ang tiyan ko" Hinahaplos ko lang ang buhok niya habang nakasandal siya sa balikat ko. Pinangko ko siya pababa ng papag.

"Eat" napatingin ako sa kanya ng makirinig ako ng pagsinghot. "You're cying again"

"Ayaw mo na akong kalaro dahil may pilat ako ano?" napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Bakit naman naisip niya ang bagay na iyon? "Hindi mo ako kayang tingnan dahil nandidiri ka sa pilat ko!" napataas ang boses niya kahit na malungkot ang tono. "Hindi ko alam kung paano tatanggalin iyon, sayo ko lang iyon pinakita, huwag mong sasabihin kay Aimee kundi magagalit ako sayo tapos hindi na tayo bati"

Lumapit ako sa kanya. "Makinig ka sa akin" ipinaling ko ang mukha niya sa mukha ko. Gusto kung tigilan na niya ang pag-iisip ng mali sa sarili niya. "Wala akong dapat pandirihan, Hindi ko lang gusto at hindi ko mapapatawad ang ginawa niya sayo" humugot ako ng pwede pang sabihin. "Huwag ka ng lalapit sa lalaking iyon. Nandito lang ako po-protektahan kita sa kanya"

At makakatikim sa akin ang Benjamin na iyon. Walanghiya siya, kinanti niya ang akin.

Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon