Later baby
Kailangan ko ng mahanap ang sing-sing na iyon. Fuckshit! Where the hell is it. Akala ko ba matibay na klase ang kwintas na iyon pero bakit natanggal sa leeg ko. Nandito na naman ako sa gubat at naghahanap. Hindi ako pwedeng bumalik ng Sta. Catarina ng hindi sout iyon dahil paniguradong magagalit si Kabo. Lagot talaga sa akin ang alaherang nagbenta sa akin nung kwintas.
Alam kong very very slight na delikado ang paglabas ko ng bahay. Kanina nga lang ay nakita ko ang ilang tauhan ni Jack sa hindi kalayuan. Pero dahil henyo ako at masyadong mahina ang pandama nila ay nagawa kong makalampas sa kanila ng hindi nila napapansin. Nakakatawang napakarami nila pero lahat ay mga walang silbi. Saan ba pinagkukuha ni Jack ang mga pipitsugin niyang galamay.
****
Lumabas na naman si Nine. Papunta ulit siyang gubat. Napakagat ako sa aking kuko dahil may mga taong umaaligid sa gubat na hinahanap si Nine. "Hindi pwede" Mawawalan ako ng kalaro. Nasa kusina si Aimee. Patay! Ay sa harapang pintuan na lang ako dadaan para sundan si Nine. Nagtatakbo ako kahit naka-apak lang ako e sanay naman na ako ng walang tsinelas. "Asan na siya? Bakit bigla siyang nawala? Ang bilis naman niyang maglakad" Napahinto ako ng makarinig ng pamilyar na boses.
"Tol gutom na ako bakit ba kasi tanghaling tapat tayo nag-hahanap?"
"Puro ka pag-kain ang iniisip, maghanap ka mamaya pupunta na dito si Kite"
Nasa malapit lang sila dahil malinaw kong naririnig ang boses nila. Asan ba si Nine? Ay baka nakuha na siya ng mga pangit na aswang. Hindi pwede. Sinundan ko sila palihim. Napapangiti ako tuwing lilingon sila tapos bigla akong magtatago. "Ang galing galing ko"
Buti nga sa kanila hindi nila ako mahuhuli. Kailangan kong malaman kung saan nila dinala si Nine. May sinalubong iyong dalwang aswang na isang lalaking naka-jacket at medyo panget din. Humalikipkip ako sa isang puno, medyo medyo malayo sa kanila. "Anla isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu" Nabilang ko na lahat ng daliri ko sa kamay pero mas madami sila. Isama ko kaya iyong daliri ko sa paa para magkasya. Napakatalino ko talaga. "Ano bang kasunod ng sampu?" Napakusot ako ng mata kasi hindi ko maalala.
Tutungo na sana ako para isama sa bilang ang daliri ko sa paa ng biglang dumilim ang paningin ko. Ay mali may nagtakip ng bibig ko. "hmmm" hindi ako makahinga.
****
Nakarinig ako ng kaluskos sa hindi kalayuan. Napatunghay ako sa kinatatayuan ko. Istorbo sa paghahanap ng singsing. Bwiset! Lumingon ako at natatanaw ko ang malayong bulto ng dalawang kulugo na kanina ko lang natakasan. Dahil tinatamad akong makipagsapakan ay naglakad ako paiwas sa kanila. I'm calm. Sumisipol ako habang naglalakad ng makarinig naman ako ng ilang boses.
15 in north, 2 in the south, total 17 idiots. Napangisi ako hindi lugi ang bilang nila kung susugurin nila ako ng sabay-sabay pero talagang tinatamad ako, I'm not in the mood all I want now is to find my honor ring. Therefore umiwas din ako sa mga makakasalubong ko, hindi iyon mahirap sa part ko. May pagka-hito nga daw ako sabi ni Kabo, madulas mahirap mahawakan at mala-pusa na may siyam na buhay.
Umakyat ako sa puno. Malago ang dahon kaya paniguradong walang makakapansin kahit na tumingala sila. Mga boplaks nga pala sila. Naka-dekwatro ako sa isang sanga at pinakikinggan ko lang sila. Pinitas ko rin ang Indian mango na manibalang. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakatikim nito. Kakagat na sana ako ng maramdaman kong may paparating. Another 1? Tumigil ang yabag sa punong inakyatan ko. Hmm.. maybe 1 of them is smart. I look below and gasp. "What the hell?" I whisper.
Anong ginagawa niya at pinapanood ang mga kaaway ko. Dahan-dahan akong bumaba sa sanga. Napangiti ako sa mga inosente niyang pagbibilang ng daliri. Hindi niya alam ang kasunod ng sampu? Hindi man lang ba siya nakapag-aral?
She's still the same, fresh, young, alluring and sweet innocent in her own way. She wears a white dress na umabot lang hanggang ibabaw ng tuhod. Damn! apat na araw ng huli ko siyang makita. Bakit naka-paa nanaman siya? Mag-kakasugat ang maputi niyang paa. Accident prone talaga ang babaeng ito. Napa-iling ako habang patuloy na bumababa ng marahan. I have to move without making any sound. I might scare her.
Ginawa kong magaan ang katawan ko para kahit lumukso ako pababa ay hindi pa rin niya ako mararamdaman. Pewh! Great ngayon nasa likuran na niya ako. Tumungo siya at parang bibilangin din ang daliri niya sa paa. Kakaiba talaga siya. Nakakatawa.
****
Nagpapapalag ako. Hindi ako makahinga e tsaka wala din akong makita. Pero hindi ako nakakaramdam ng kahit anong kaba o takot. Gulat iyon lang.
Amoy sariwang dahon, isa lang ang kilala kong may ganung amoy. Si Nine. Lilingon sana ako sa nagtatakip ng bibig ko at mata ng bigla kong maramdaman na lumutang ang katawan ko. Maliwanag na at nakakahinga na rin ako. Napatitig ako sa magandang mukha ni Nine. Napangiti ako, karga niya ako at mabilis kaming tumatakbo habang karga ako na parang bagong kasal na nakikita ko sa T.V. ni Aimee.
Hindi ko mapigilang sumiksik sa leeg niya at samyuin ang mabangong hatid ng amoy niya. Apat na araw, apat na araw akong nakamasid lang sa kanya. Bakit kaya tumatakbo si Nine? Mamaya ko na lang siya tatanungin dahil inaantok na ako. Ilang araw ko ring hinahanap ang amoy niya. Ang kinis din ng leeg niya ang sarap kagatin.
"Aray" napahinto ako sa pagtakbo. Shit bakit niya ako kinagat? Pinanggigilan pa ako. Wrong timing ka naman baby may humahabol sa atin.
Napatingin ako sa kanya na nakalabi habang parang iiyak na. Shit Nine wag mo kasing tapunan ng masamang tingin. Arrgh, hindi ba niya alam na muntikan ko na siyang mabitawan sa pinaggagawa niya. Pero napangiti din ako ng kagatin ng magandang babaeng ito ang ibaba niyang labi. Inaakit ba niya ako, fuck! May mga humahabol sa amin ngayon.
Chup
Hinalikan ko siya ng mabilis bago ipanagpatuloy ang pagtakbo. Hindi ko siya pwedeng dalhin sa bahay ni Aimee, baka makatunog sila at madamay pa si Aimee. "Later baby, kapit ka ng mahigpit" napangiti ulit ako ng humigpit ang kapit niya sa leeg ko. "mahaba-habang takbuhan ito"
"Bilisan niyo nakakalayo na sila" mabagsik na sigaw ni Kite.
Napangisi ako sa narinig kahit sobrang layo na naming sa kanila. You can't match my speed kahit pa may buhat ako.
BINABASA MO ANG
Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)
RomanceSabihin mo, sino ka bang talaga?-Nine Felier, isang Loan Shark, isang mapanganib na tao.