The Hide and Seek
Isang hindi matatawarang babae si Aimee. Linis dito linis doon. Nakatayo ako sa bukana ng pituan sa labas, hawak ko ang isang tasa na umuusok. Humahalimuyak ang matapang na amoy ng kapeng barako. Pinapanuod ko ang nagwawalis na si Aimee. Iniipon nito sa isang bahagi ang mga nawalis at saka yata paa-apuyan. Kahapon ay iyon din ang ginawa nito bago mag-hapunan. Pang-apat na araw ko na dito sa Sitio Felipe. Isang araw na wala akong malay at tatlong araw na rin akong namamalagi after I woke up. Sariwa pa rin ang sugat ko sa balikat, sanhi ng tama ng bala noong nakaraang araw. Matatagalan pa bago ako makabalik. Ayos lang iniisip kong isang bakasyon lamang ang paglalagi ko dito. Mukhang matagal pa bago matapos si Aimee kaya minabuti ko nang pumasok sa loob.
Naupo ako sa kawayang upuan sa sala. Kailangan kong malaman kung saan ako natagpuan ni Aimee, maaring naandun ang hinahanap ko. Napahawak ako sa aking dibdib at wala na sa dating pwesto ang pinakamahalagang bagay sa pagkatao ko. Hindi iyon pwedeng mawala at hindi rin maaaring hindi ko mahanap iyon. Nangangalhati na ang kape ko pero hindi pa rin pumapasok si Aimee.
Napalingon ako sa pag-aakalang dumaan na sa likuran ko si Aimee pero wala akong nakita na kahit sino. Napa-kibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pag-simsim ng kape. "Ross!!" sigaw iyon ni Aimee. Mabilis kong nailapag ang hindi ko pa nauubos na kape, tumayo ako sa prente kong pag-kaka-upo at saka madaling nagtungo sa labas.
****
Kanina pa akong nakaka-amoy ng matapang na aroma. Hindi ko mapigilang sundan. Tahimik sa kabilang silid at wala akong naririnig na yabag o kahit anong boses. Pumuslit ulit ako sa lungga ko. Bumaba ako ng hagdan dahil sa baba nagmumula ang matapang na aroma. Napahinto ako sa huling baytang ng kawayan na hagdan. Nakatayo sa bukana ng pintuan si Ross at nakatalikod ito sa gawi ko. Umuusok ang tasang hawak-hawak niya. Iyon yung matapang na aroma. Muntikan na akong mapatalon-talon sa sabik at kagalakan. Itinuloy ko ang paghakbang pababa at saka ako tumago sa kusina. Sumilip ako ulit sa gawi ni Ross na nakatalikod pa rin. "Ang galing ko talaga makipaglaro hindi pa rin niya ako nakikita" napahagikhik ako ng mahina.
Nang animoy papasok na si Ross paloob ay nagtago ulit ako. Ang saya talagang makipag-taguan sa kanya. Tumigil ang yabag. Sumilip ulit ako kay Ross at nakita ko siyang komportableng nakaupo habang iniinom iyong umuusok. "Masarap kaya iyon? Gusto ko din ng ganun" Patikdi akong tumakbo palapit at nagtago sa likod ng kawayan na kina-uupuan niya. Hindi niya ako nahuli, ang galing galing ko. Napapalakpak ako ng walang tunog. Nalulunod na ako sa matapang na aroma dahil malapit lang ako.
****
"Aimee!" Humahangos akong lumapit sa kinatatayuan niya. Bigla nitong itinuro ang kamay sa isang sanga. Sinundan ko ang kamay niya at nakita ko ang isang malaking ahas na nakapulupot sa sanga. Sa una ay hindi ito mapapansin dahil kakulay ng sanga ang balat nito. Tumingin ako sa paligid ng pwedeng magamit laban sa ahas. Ginamit ko ang malaking pamalo saka ko ginapi ang ahas. Chicken lang hindi man lang ako pinagpawisan. Inaya ko na si Aimee na pumasok sa bahay at nang makapag-hapunan na rin. Madadagdagan yata ang timbang ko sa pamamalagi ko dito. Sayang ang 8 firm muscles ko sa tiyan pag nagkataon. Napailing ako.
Binalikan ko ang sinisimsim kong kape pero nasaid na ang laman ng tasa ko at may likido ng kape sa sahig.
"May uminom ng kape ko?" Nabitawan ko ang pag-iisip sa untag sa akin ni Aimee.
"May problema ba Ross" concern ang anyo ni Aimee. Umiling ako bilang tugon. Pareho kaming nasa labas ni Aimee at sigurado akong madami pang laman ang tasa ko bago ako lumabas. May ibang tao dito. Hinawakan ko ang kamay ni Aimee at hinigit na siya sa kusina para kumain. Makikila rin kita.
****
"Ang pait" napa-asim tuloy ang mukha ko sa lasa ng nasa tasa. Naibuga ko pa sa sahig ang unang tikim ko. Tinitigan ko ang laman ng tasang nasa harapan ko saka inamoy ulit. "Ang bango" Siguro ito iyong uso sa kabihasnan kaya iniinom ni Ross. Inihanda ko ang aking lalamunan sa kasunod na paglagok hanggang sa nasanay ako at nasaid ko pa.
BINABASA MO ANG
Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)
RomanceSabihin mo, sino ka bang talaga?-Nine Felier, isang Loan Shark, isang mapanganib na tao.