Strange Place

1.6K 48 11
                                    

Strange Place

Masyadong mabigat ang pakiramdam ko. Nakakaramdam din ako ng kirot sa ilang bahagi ng aking katawan. Pakiramdam ko nakabaliktad ang mundo ko. Nang imulat ko ang aking mga mata ay napatanong ako. Nasira na ba ang gravity? Why my vision is now upside down? Ang liwanag ng kalangitan ay nasa paanan ko habang ang lupa ay nasa ulunan ko. Ipinilig ko ang kahibangan ko at naging malinaw sa akin ang dahilan kung bakit nasa ganito akong kalagayan. Nakabaliktad ang mga puno. Nakasabit ako sa isang malaking sanga. Napatanong tuloy ako, if how did I get here?

Natatawa talaga ako habang tinititigan ang kapirasong ticket. Kanina pa nakaalis si Kabo at nakalimutan ko pang alamin ang pakay nila dito sa Japan. Ang lugar kung saan nag-simula ang lahat. Napapilig ako "Why would I ride a public plane? When my helicopter is just few meters away from me" Gusto ko nang makauwi agad. I have so many things to deal with. Kinuyumos ko ang ticket at tinapon sa malapit na trash bin saka ako nagpatuloy sa runway kung saan nag-aantay ang helicopter ko.

May 15 minutes nang nasa himapapawid ang helicopter. Wala akong kasama kundi ang pilotong ito na hindi pa ako binabalingan ng tingin. Napansin kong nag-iiba ng airway itong helicopter at nasa maparteng kagubatan ang matatanaw sa baba. Something is not right. Napamulagat ako at mabilis na lumingon sa piloto. Hinigit ko ang kwelyo niya kaya nakita ko ang mukha niya. Hindi siya ang piloto ko kanina nung nagpahimpapawid kami ni Kabo.

Para akong binuhusan ng libo-libong yelo sa naging sigaw ng isipan ko. "Who the hell are you?" Malaking ngisi lang ang naging tugon nito sa tanong ko. May pinindot itong red button sa isa sa mga buttons ng command ng helicopter. Nagsimulang gumewang gewang sa ere ang sinasakyan namin. Nag-pambuno kami at hindi alintana ang pagbulusok ng sasakayan pababa.

"You have no way out here Nine Felier. We will both die" saka ito naglabas ng baril. Nakipag-agawan ako at natamaan ang balikat ko pero bumawi ako at tinarakan ko siya ng patalim. Hindi ako nag-papadaig. Sapul siya sa tiyan.

Pareho kaming nag-hahabol ng hangin. "Sinong nag-utos sayo? Sino ang sira-ulo mong boss ha?" Hawak-hawak ko pa rin ang kwelyo nito at pinipilit pakantahin sa kung sinong poncio pilatong nag-lakas loob na pag-tangkaan ang buhay ko. Umiwas ito ng tingin at saka tumawa na talagang nakaka-inis. Nagawa pa nitong itulak ako at buksan ang pintuan ng helicopter at saka nito ibinagsak ang sarili sa baba. Nag-patihulog ang gago.

Napapikit ulit ako dahil sa mainit na sikat ng araw. Tumalon nga pala ako sa umuusok na helicopter, kaya ako napadpad sa strange place na ito. Alam kong ang ibang masakit na parte ng katawan ko ay dahil sa pagtama ko sa ilang sanga ng puno. Ilang minuto ang lumipas at nakakaramdam ako na may tao sa paligid pero hindi ko pa rin maikilos ang aking katawan kahit ang aking mga mata ay hindi ko agad maimulat. Hindi ko na mabilang kong ilang beses ako napa-ungol sa kirot.

Nang maimulat ko ng bahagya ang aking mata ay malabong pigura ng isang babae ang nakita ko. Puti...puti ang kulay ng damit na parang bestida at sa baliktad kong posisyon ay hindi ko makita ang mukha niya. "G..get me down" pinilit kong mabigkas ang salitang iyon. Kumikirot din kasi ang mukha ko. Siguro naman ay narinig ako nung babae. Pakiusap alisin mo ako dito at ngalay na ako sa posisyon ko.

Naramdaman kong may katamtamang laki ng kamay na hinawakan ang aking braso at parang hinihigit ako pababa. Swerte ko talaga. Naka-ilang beses na pag-higit pero walang nangyari, nakabitin pa rin ako.

"Ang bigat mo naman eh!"

Alam kong sobrang lapit niya sa akin at naiinis akong hindi ko siya makita, dahil hindi ko na maimulat ang mata ko. Amoy bulaklak siya. Napa-ungol ulit ako dahil unti-unti na niya akong nahihigit at napatodo naman."Yehey!"

"OUCH!!!" Di ko napigilang isigaw. Ang sakit lang ng pag-kakabagsak ko sa lupa. Rinig ko ang parang natatarantang yabag ng paa sa gilid ko. Narinig ko ring parang mayroon itong sinasabi pero hindi malinaw sa aking pandinig.

Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon