Another night with HER
"Bakit ka laging nagpupunta dito sa gubat?" napatigil sa pagnguya si Nine.
"May hinahanap ako, naalala mo iyong kwintas na nabanggit ko sayo. Importante sa akin ang singsing na nasa kwintas"
"Anong itsura nun, may makinang ba iyong bato?" parang kagaya doon sa T.v. ni Aimee. Umiling siya sa sinabi ko. Kaya napakiling ang ulo ko. "Eh kung walang bato iyon hindi iyon mabebenta sa tindahan"
Ngumiti siya. "Kakaibang singsing iyon may mata sa gitnang bahagi, isang regalo iyon mula sa bunso kung kapatid" napatakip ako sa aking labi. Paano kasi parang nakita ko na iyon ay mali nasa akin ang singsing na hinahanap niya. Nakuha ko iyon noong araw na binuhat siya namin ni Aimee pabahay. Napakunot ang noo niya sa naging kilos ko. Ngumisi ako sa kanya. Hihihi.
"Anyway mahahanap ko rin iyon"
Hay salamat hindi niya napansing alam ko kung nasaan. "Madilim na ihahatid na kita sa inyo" Napamulagat ako. Saan naman niya ako ihahatid? Umiling-iling ako sa kanya habang nakayuko. Naiiyak na ako hindi kasi ako makakatulog sa papag ko ngayon panigurado at baka nag-aalala na si Aimee kung nasaan ako. Napasinghot ako. Nilalamig na rin ako.
"Dahil ayaw mong sabihin kung saan ka nakatira dadalhin ulit kita sa bahay ng tinutuluyan ko" napalayo ako sa sinabi niya. Makikita ako ni Aimee doon eh.
****
May sinabi ba akong mali? Bakit siya biglang lumayo sa akin? Lumapit ako sa kanya dahil parang nag-papanic na siya. "Hey, kalma lang mabait si Aimee. Siguradong papayag iyong patuluyin ka. Tapos ihahatid kita bukas" umiling ulit siya sa sinabi ko. Takot ba ito sa tao?
"Okay ganito na lang pupunta tayo sa bahay na tinutuluyan ko. Ako muna ang papasok sa loob tapos kapag tulog na si Aimee ay papapasukin kita sa loob. Doon ka ulit sa silid ko. Payag ka na ba?" matagal siyang tumitig sa akin. Darn it, pumayag ka. Hindi kita pwedeng iwan sa lugar na ito.
Halos mapasigaw ako ng dahan-dahang tumango-tango si baby. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ang pangalan niya ay baby muna ang itatawag ko sa kanya, endearment na rin. Mabilis kung hinawakan ang kamay niya at hinigit siya palapit. I just wanna kiss her, again. Kaya hinagkan ko siya ng marahan. Still the same feeling, sweet sweet lips, soft and warm. I could kiss her all night.
"Let's go" kinarga ko uli siya na pang-kasal madilim na at ayokong masugatan ang paa niya. Baka may bubog pa sa daraan at ayokong makapilat siya. Sumiksik agad siya sa paborito niya spot—my neck. "No biting baby, ok" ngumiti siya sa sinabi ko.
"Nagsasalita ka nanaman ng hindi ko maintindihan" Napatawa ako sa sinabi niya akala ko kasi sa pagngiti niya ay nakuha niya ang ibig kung sabihin. Nagnakaw ulit ako ng isang mabilis na halik, bago ako nagsimulang maglakad pa-uwi.
****
Kanina pa akong kinakagat ng lamok dito sa pinag-iwanan sa akin ni Nine. Tanaw ko si Aimee kanina ng salubungin niya ng ngiti si Nine. Siguro hindi pa nahahalata ni Aimee na nawawala ako. Ang tagal ko nang nakaupo dito. Kanina pa akong nilalamig at tsaka nagugutom ulit ako. "Hindi pa ba ako susunduin ni Nine? Ay kung dumaan kaya ako sa harapan tapos bibilisan ko ang takbo para diretso na ako sa lungga ko. hmmm"
Tumayo ako at handa ng gawin ang maganda kong plano, pero naaninag ko ang pigura ni Nine.
"Yehey!" nagtatakbo ako dumamba ako payakap sa kanya. Tumawa siya sa ginawa ko. Umikot-ikot pa si Nine habang nakalambitin ako sa kanya at nakabalot ang isa niyang kamay sa bewang ko. "Hinto Nine, naduduling na ako" pewh, inalog-alog ko ang aking ulo. Narinig ko ulit ang musikang tawa ni Nine. Nakakainis siya pinagtatawan niya ako kaya pinukpok ko ang noo niya.
"Aray, why the hell did you do that?"
"Pinagtatawanan mo ako eh, bad ka" ngumisi siya sa sinabi ko kaya kinagat ko yung tenga niya.
"Fuck woman stop that, let my ear go" Natakot ako sa malakas niyang sigaw kaya napatigil ako sa pagkagat sa tenga niya. "That hurts, you arggh. I don't know what to do to you woman" napakagat ako sa ibabang labi. "There, there. That stunt. Oh come on... don't! shit... cry, stop that tears"
"Eh sinisigawan mo ako" napasinghot ako sabay pahid sa luha.
"Okay hindi na ako sisigaw, tahan na, I hate it when you're crying like that, like a lost puppy" Tinulungan niya akong punasan ang pisngi ko. Para mas madali ay sumubsub ako sa dibdib niya at ipinaling-paling ko ang aking mukha para matuyo ng tshirt niya ang luha ko. Tumingala ako sa kanya at mataman siyang nakatingin din sa mukha ko. Bakit ang sarap niyang titigan. Mas maganda ang itsura niya doon sa mga picture ni Aimee sa dingding.
"Bati na tayo, hindi ka na ako inis sayo, Nine" ngumiti siya sa sinabi ko. Tapos inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Medyo naduduling ulit ako.
"I'll kiss you again, baby" hindi ko man naunawaan ay naramdaman ko naman. Gumalaw ang labi niya at kinagat niya ang ibabang labi ko. Hindi ako nasaktan pero may hatid na kung anong sensasyon na lagi kong nararamdaman tuwing ginagawa ito ni Nine sa akin. Tama si Aimee ginagawa daw ito para iparamdam na masaya ka kasama ang taong iyon. Masaya din akong kasama si Nine, sobra. Ginaya ko ang ginawa niya at ramdam kong napangiti siya sa ginawa ko. Yehey napangiti ko ulit siya. Kailangang lagi siyang masaya pag kasama ako para hindi niya ako iwan. Para lagi kaming magkasama.
Lumalim ang pagkakahinang ng mga labi namin, bumagal ang lahat at naramdaman kong humigpit ang kapit ng kamay niya sa bewang ko. Ang isang kamay ni Nine ay nasa batok ko at mas idinidiin ako palapit sa kanya. Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko basta lumalakas ang dagundong sa dibdib ko, nanghihina ako kaya napahigpit ang kapit ko sa kanya. Sana laging ganito. Sana laging masaya.
Pareho kaming naghahabol ng hangin pagkatapos niyang pakawalan ang labi ko. Hinigit uli ako ni Nine ng marahan saka niyakap. Ang bango bango niya talaga, napasinghot ako para busugin ang ilong ko sa amoy niya. "Malamig na pasok na tayo tulog na si Aimee" tumango tango ako.
Dumaan kami sa may kusinang pintuan dahil kanina pa palang naka-kandado ang harapang pinto. Hawak ni Nine ang kanan kong kamay. Mainit at masarap sa pakiramdam na hawak niya ako. May platong nakataklob sa mesa. Pina-upo ako ni Nine sa isang bangko saka niya ako sinimulang subuan. "Malaki na ako Nine ako na lang marunong akong gumamit ng kutsara"
"I know, I'm just trying to be sweet, I guess it doesn't suit my personality"
"Ha?" bakit ba siya nag-sasalita ng ibang wika. Ang labo niya talaga.
"Kumain ka na" Kumuha siya ng isang silya at inilapit paharap sa kinauupuan ko. Nagde-kwatro siya bago ako pinanood sa bawat pag-subo at pag-nguya ko. Hindi naman ako naiilang sa ginagawa niya kasi naka-ngiti siya sa akin kaya lalo akong ginaganahan sa pag-kain. Nang matapos ako sa pagkain ay inabot k okay Nine ang makintab kong plato.
"Nice baby, parang hinugasan na ang plato ah, simot lahat" napayuko ako sa sinabi niya. Kasi sabi ni Aimee dapat laging ubos, said at malinis ang plato pag tapos ng kumain.
"Hey don't look down, everything you do is unique and cute" Hinawakan niya ang baba ko para magpantay ang tingin namin.
"Hindi kasi kita maintindihan ano ba kasing sinasabi mo? Niloloko mo yata ako eh" napalabi ako.
"No baby, I just adore you I mean, natutuwa lang ako sayo kasi masyado kang maganda" napangiti na ako sa sinabi niya.
"Pwede mo ba akong timplahan nung matapang na— iyong tinatawag mong kape?"
"Sige, diyan ka lang" lumayo siya ng hindi kalayuan sa kinauupuan ko. Kinuha niya ang botilyang may laman nung gagawin niyang kape. Pinagmamasdan ko lang siya. Bawat galaw ng kamay niya. Ang bilis niyang kumilos pero nakakamangha ang bawat anggulo niya. Bakit ang ganda niya sa paningin, napapangiti ako.
"hmm ang bango" humigop ako "medyo mapait pero masarap at medyo mainit"
"careful baby"
"Inaantok na ako Nine" kinuha niya sa akin ang tasa at inilapag sa lababo. Kinuha niyang muli ang kamay ko at naglakad kami paakyat sa silid niya. Tahimik ang paligid at yabag lang namin ang maririnig.
"Sleep baby, ipikit mo na ang mata mo" sinunod ko siya. Pumikit ako at naramdaman ko ang pagdampi ng isang halik sa aking noo.
"Goodnight baby" napangiti ako kahit nakapikit na. Alam kong magiging masarap ang tulog ko ngayon dahil katabi ko si Nine.
BINABASA MO ANG
Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)
RomanceSabihin mo, sino ka bang talaga?-Nine Felier, isang Loan Shark, isang mapanganib na tao.