Where the hell is she?

1K 43 14
                                    

Where the hell is she?

Everything seems fast. This unknown place. Awakening in a simple house. Knowing Aimee. Living differently from what I used to be. And then I met her. Kiss and hug her, wait— were sleeping in the same bed. Kinapa ko siya sa tabi ko pero wala akong makapa. What the hell? Where did she go?

Nagising ang diwa ko at mabilis na napabangon. Nine, theres no one night stand wala pang nangyayari sa inyong dalawa, first base ka pa lang. Napasabunot ako sa ulo dahil sa frustration. I should see her face when I wake up. Why she have to leave, while I'm still asleep. Wait, I smell strong scent of coffee. Napatingin ako sa may pintuan, doon nanggagaling iyong amoy. Nakalapag sa sahig sa may pintuan yung kape at na-usok pa. Agad ko iyong kinuha sa sahig.

"Perfectly brewed. Perfect taste. She made it—" biglang bumukas ang pintuan.

"O gising ka na Ross, ow! Ah..ahmmm masarap ba ang pagkaka-timpla ko sa kape mo?"

What the? Aimee's back. I thought her, the girl made it for me. Fuck she's gone. Where the hell is she? Even her dress is not in the place where I fold it. She's sick baka mabinat pa iyon.

"Ross kanina pa kitang tinatawag"

"W-what?" shit nakalimutan kong nasa harapan nga pala si Aimee.

"Sabi ko tara na sa baba at nakahain na ang agahan"

"Ah! Sige sunod na lang ako maya"

"Ikaw ang bahala" Where can I find her. Teka bakit naandito na agad si Aimee? Bago ko pa siya matanong ay sumara na ang pintuan.

****

Ang sarap matulog, medyo mabanas nga lang at saka parang may mabigat na naka-dagan sa akin. Hindi ko ko rin maigalaw ang mga kamay at binti ko. Bakit ang sikip? Hmmm. Anla kaya pala nakabalot ang mabigat na kamay ni Nine sa katawan ko tapos ang hita pa niya ay nakasampa sa hita ko.

Ang himbing nang pagtulog niya at masarap ding panuorin ang mahina niyang pag-hilik.

Isang dampi, pangalawang dampi at pangatlong dampi sa labi niya. Gusto ko pa sana siyang pagmasdan ng matagal pero nauuhaw na ako kaya ma-ingat kong iniangat ang kamay at binti niya para makababa ako. "Ang galing hindi siya nagising" napangiti ako. Madililim pa pala sa labas. "Ay magtitimpla ako nito, dadalhan ko si Nine ng kanya"

Kasalukuyang nag-iinit ako ng tubig at tinatakal ang kapeng barako, sabi ni Nine iyon daw ang tawag dito. Ang bango na matapang. Masaya din siguro si Nine na kasama ako kaya lagi niyang idinadampi yung labi niya sa akin, pero minsan nahihirapan na akong huminga pag hindi niya tinitigilan ang labi ko. Sabi niya matamis daw, nakakatuwa yung kanya din matamis na kakaiba.

Napa-iktad ako ng bumukas ang pintuan sa may sala. Gising na kaya si Nine? Sinilip ko at si Aimee ang nandoon nakatayo at kumaway sa akin. Nandito na siya.

"Dalawa ang tinimpla mo, para ba sa akin ang isa niyan?" Lagot dapat hindi malaman ni Aimee na nagpakita na ako kay Nine este Ross, ay bakit ba mag-ka-ibang pangalan ang binigay niya sa amin ni Aimee? Tumango na lang ako kay Aimee. Hindi naman alam ni Ross kung ano pangalan ko pati kung saan ako natira kaya ligtas pa ako sa parusa. Hindi pa ako sumuway kay Aimee. Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. "Akala ko sa isang araw pa ang uwi mo Aimee?"

"Hmmm oo nga, pero noong makita nila ang paintings mo ay hindi na sila nagpa-ligoy-ligoy pa sa pagbili ng lahat" napatingala ako sa kanyang sinabi. "alam mo bang binili pa nila sa mahal na halaga iyong limang obra na dinala ko. Pwede na iyong panggastos natin sa loob ng isang taon" dugtong pa ni Aimee.

"Talaga, nagustuhan nila yung mga drawing ko?" tumango si Aimee habang nakangiti sa akin.

"Hindi drawing iyong ginawa mo kundi painting, bunso"

"Ganoon ba iyon? Aimee mag-paint ulet ako ng madami para madami tayong ipon tapos hindi pa tayo magugutom, diba, diba?" Ginulo ni Aimee ang buhok ko bago ako niyakap ng mahigpit.

"Punta ka na sa silid mo at baka magising na si Ross, hindi ba at natatakot ka sa ibang tao lalo na't lalaki?" Mabilis akong bumitaw kay Aimee saka ko kinuha ang isang tasang kape at dinala sa silid ni Ross bago ako bumalik sa lungga ko. Mahimbing pa rin ang tulog niya ng buksan ko dahan-dahan ang pintuan ng silid niya. Hindi na ako nag-abalang pumasok baka magising pa siya kaya iniwan ko na lang yung kape sa may pintuan. Sayang gusto ko pang makipag-laro sa kanya, masaya kasi.

Di bale na nga doon na lang ako dadaan sa tunay na pintuan ng silid ko, sa may may silid ni Aimee.

****

"Ang bilis mong nakabalik, Aimee" Pinanatili kong natural lang ang aking katanungan ayokong mag-isip siya na may dinala lang naman ako na ibang tao sa bahay niya ng hindi man lang ako nag-paalam. Well wala naman siya dito kahapon. Damn, where the hell did she go?

Ngumiti siya sa tanong ko. Oh maybe the reason is good "Binili kasi nila ng walang angal ang presyo nung lahat ng paingtings ni—ay aking painting ahem"

"That's good news, kahit ako bibilhin ko rin sa mahal na halaga, masterpiece ang lahat, just so you know" Hindi niya pinansin ang pamumuri ko at inabala niya ang sarili na magsandok ng ulam at kanin.

"Aimee"

"hmm"

"Kilala mo ba—I mean may malapit bang bahay dito sa lugar natin, puro kasi kakahuyan at damuhan ang nakikita ko sa paligid, baka lang may kilala ka na tagarito lang sa malapit?" Darn, I hope she will say na meron. Walang tsinelas iyong babae baka napaano na iyon sa paglalakad sa gubat and she's still sick.

"Ano ka ba Ross walang malapit na bahay dito kundi itong bahay na tinitirhan natin. Kung tatlong oras ang byahe sa tricycle bago makarating sa sentro, dalawang oras naman sa tricycle kung kasunod na bahay"

Napasabunot ako sa ulo. But how, how I met her? The girl? Wala siyang sout na pang-paa ano iyon? Fragmets of my imagination. Naglakad siyang ng sobrang layo para lang mamasyal, that is bullshit.

"Uy Ross masakit ba ulit ang ulo mo saglit kunin ko lang yung gamot meron ako dito eh hanapin ko lang" hindi ko na siya napigilan ng tumayo siya paakyat sa kanyang silid.

Nang magdesisyon si Aimee na mag-laba ay nag-paalam akong pupunta sa kakahuyan at may hahanapin lang ako. Bumalik ako kung saan niya ako tinulungan nung isang araw. Pumunta din ako sa ilog, sa burol pero wala siya doon. Ilang oras akong naglagi dun, nagbabaka-sakaling lumitaw siya o biglang sumulpot sa paligid pero wala. Namuti lang ang mata ko ka-aantay.

Bumalik ako sa bahay ni Aimee at bago pa ulit ako makapasok sa pintuan ay lumingon ulit ako sa gubat na di kalayuan. Shit baby where the hell you are?

Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon