CHAPTER 44: KNOWS

0 0 0
                                    

Faye's POV:

Dumating ang araw ng university pageant at todo suporta ang buong block namin. May mga pa-bandera pa nga sina Mark na nakalagay ang mukha ko.

"Grabe ang ganda mo."

"Galingan mo Faye!"

"Oo nga. Alam naman namin ikaw ang mananalo eh."

"Sus siya paba? Good luck Faye!"

Ngumisi lang ako sa kanila at tinignan ang mukha ko sa salamin. Hindi manonood si mommy pero nag hire siya ng tao para ayusan ako. Alam din ni Tita Jessica (Yasher's mom) ang pageant ngayon kaya nagpadala ng magandang gown.

I'm actually waiting for Yasher pero wala parin siya ngayon. It's weird because he's never been late or absent without telling me.

I wonder where he is.

Natahimik ang buong klase ng pumasok si Christine kasama ang isang matandang babae. Literal na tumahimik ang lahat at napatingin sa ayos niya.

"Ay. Ayan na siya."

"Yan naba yung gown niya? Omg nakakahiya."

"Kaya nga eh. Sali sali pa kasi, ang kapal."

"Stage ba lalakaran niya o simbahan?"

Narinig kong bulungan ng mga kaklase namin. Simpleng puting bestida na bulaklakin lang kasi ang soot ni Christine. Light lang ang make up niya at naka sneakers pa imbes na sandals o kaya ay heels.

Nagtatawanan tuloy ang iba na akala mo ay mga perpekto na pinangungunahan ni Bianca.

Lumapit ako kay Christine na napanganga ng makita ako.

"Wow Faye. Sobrang ganda mo."

I know.

"Thanks. Ahm... you look kind too."

Napasimangot siya sa sinabi ko at napansin ko naman ang lola niya na payapang nakatingin sa akin.

"Where's the dress na binigay ko sayo? Bakit hindi yun ang sinoot mo?"

"Nandito. Gagamitin ko naman pero mamaya pa sa mismong pageant. Ito kasi napili ng lola ko eh."

Right.

Kaya pala pang matanda.

"Good morning po."

I politely greeted her grandmother. Maluwag na duster ang soot nito at puti na ang manipis na buhok. Ngumiti lang ito sa akin at tinitigan ako.

"How old is she?" Bulong ko kay Christine.

"Anu...87 na."

That old?

"Faye!"

Napatingin kaming dalawa kay Raven na kakarating lang ng room. Todo ngiti ito habang tumatakbo papalapit.

"Wow Faye, You look..."

Napangisi ako dahil para siyang tanga na nakatulala sa mukha ko.

"What? Amazing?"

"Stunning."

Napangisi ako lalo at pabirong pinahiran ang gilid ng labi niya.

"Tsk. Laway mo tumutulo."

Umiling siya at tumawa sa sinabi ko. Napatingin ako kay Christine na nakatulala kay Raven.

Crush nya 'to diba?

"Anyway this is my friend, she's Christine. You know her right?"

"Oo naman. Hi. Good luck mamaya."

"S-Salamat."

Namula ang buong mukha ni Christine dahil nakangiti sa kanya si Raven. Napataas naman ang kilay ko sa reaksyon niya.

She looks so shy and thrilled.

"Nga pala Faye salamat sa pinadala mo. Dapat hindi kana nag abala, nakakahiya tuloy."

Oh. The groceries?

Nag utos kasi ako ng tao para padalhan siya ng mga pagkain, dahil nga walang laman ang ref niya.

"It's nothing. Don't mention it. Naki-kain naman ako sainyo kaya ayos na yon."

"Ahm...nakapunta kana sa kanila?"

Napatingin ako kay Christine na nagtanong at napangisi ng maalala ang pagpunta noon kina Raven.

"Yeah and even in his apartment. I've met his sister and father too in Baguio. Nung nag field trip."

"Hinahanap kana nga ni papa eh."

Nagkamot ng ulo si Raven at natawa naman ako sa hitsura niya. I quickly excused myself when my phone rang.

Tita Jessica is calling.

"Hello?"

"{Faye, Is Yasher's there?}"

"Uhm, I don't know. I haven't seen him yet, Tita. Why?"

"{We have a problem, Faye.}"

Kinabahan agad ako at napahawak ng mahigpit sa cellphone.

"W-What is it?"

"{Yasher already knows our deal.}"

What?!

"How did he know that, Tita? What happened?!"

Naramdaman ko ang titig ni Raven at ng ibang kaklase namin dahil sa naging tensyon sa boses ko.

"{He overheard my phone call earlier, Faye. He confronted me about it. He lash out in anger and leave.}"

Fuck.

"I'll find him."

I quickly end the call and get my bag. Nagulat ang lahat sa pagmamadali kong pag alis at agad akong pinigilan ni Raven sa pintuan.

"Saan ka pupunta?"

"Somewhere."

Nainis ako lalo ng makitang mahigpit ang kapit niya sa kamay ko.

"Hindi pwede. Isang minuto nalang start na ng-"

"I don't fucking care. Now, will you please let go of me?"

Napabitaw agad siya ng makita ang seryosong titig ko. Mabilis akong lumabas at narinig ko pa ang pagtawag nila sakin.

Wala na akong pakialam kung anong mangyayari sa university pageant nayan dahil iba ang iniisip ko ngayon.

I need to find Yasher first!

INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now