Catching a Falling Star 5

2.4K 43 16
                                    

-Reina-

"REINA, tama na lasing ka na," pilit na inaagaw ni Bessy ang baso ng alak mula sa kamay ko. Lasing na lasing na raw ako. Hindi pa naman! Kaunti pa nga lang ang naiinom ko. Mula noong bigla na lang nawala si Laurence ay palagi na lamang akong malungkot, hindi ko na sila maka-usap, tanging kay Rondell lang ako nakikinig, nagseselos na raw si Valerie kaya nga't niyaya ko siya para magkasama naman kami. Pero, heto, sinesermonan naman niya ako.

"Ano ba? Ibalik mo sa akin iyan! Sino ka ba para paki-alaman ako?" wala sa sariling sigaw ko habang pilit na inaabot ang basong inagaw ni Valerie pero bago ko pa tuluyang makuha iyon ay ininom na niya na ang laman noon. Tss. Paki-alamera!

"Ako? You were asking me who I am? Ako lang naman si Valerie, in case you have forgotten, I am your best friend," she answered with sarcasm. She even rolled her eyes.

"So?" tamad kong sagot. Siguradong galit na siya sa akin. Eh, 'di magalit siya. Magalit na silang lahat sa akin. Iwan na rin niya ako. Sanay naman ako na palaging iniiwan. Lintik na buhay!

"Bessy, you are drunk. Tara na, uuwi na tayo." Tumayo siya para maalalayan ako sa pagtayo pero nagmamatigas pa rin ako. Ayokong umuwi. Ayokong makita ang bahay ni Laurence. Ayoko!

Shit naman, Rondell. Nasaan ka ba? Ikaw na lang yata ang matino sa lahat.

"Ano ba, ayoko pang umuwi. Hindi pa ako lashing!" Reklamo ko nang bigla niya akong hatakin. Gumewang gewang pa kami. Sinabi na'ng ayokong umalis!

Last week, I was crying a lot like hell and tonight I would like to change that. I promised myself that I am not going to cry again... never again.

"Reina! We. Have. To. Go!" binigyan pa niya ng diin ang bawat salita. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko kaya lalo akong nagpumiglas. Hindi ba siya marunong makaintindi? Ayokong umuwi.

Hinatak niya ako o mas tamang sabihin na kinaladkad palayo sa bar counter. Kinaladkad niya ako. Isang tao lamang ang kumakaladkad sa akin. Natigilan ako. Lumingon siya sa akin. Muli akong bumalik sa pagpupumiglas pero hindi niya ako binitiwan.

Nabubunggo na namin halos lahat ng mga nakakasalubong namin, malapit na kami sa may dance floor area nang may humarang sa amin na lalaki.

"Miss, would you mind if I ask you on a dance?" Tiningnan ko ang lalaking mula ulo mukhang paa.

"Sure..." wala sa sariling sagot ko sa lalaki at ipinulupot ang aking braso sa leeg nito. Sinasapian na nga yata ako ng espiritu ng alak. Pero wala akong balak na labanan iyon. For just one night, gust kong kalimutan ang lahat. Pero bago pa ako tuluyang maka-alis kasama niyong lalaki ay mas hinigpitan ni Valerie ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko at kinaladkad akong muli. Shit!

"Sorry, Bessy, wala akong ibang choice, ikaw naman kasi, e."

"Ano ba!" pagmamaktol ko pa pero inignore lang niya ako. Desidido talaga siyang makauwi ako. Anak ng patis!

"Uuwi na tayo," Mariin niyang sabi at derederetso lang na naglakad, carrying me with her.

"Who are you to order me around, ba?"

Hindi pa rin niya ako pinansin.

"I'll do what I want to do and you have no right na paki-alaman ako." Sigaw ko sa kanya.

Now that caught her attention.

"Wala akong karapatan? Siguro nga, hindi ako ang nanay mo para paki-alam ka pero Reina, best friend mo ako, at bilang best friend mo, I care for you. Bessy, mali itong ginagawa mo, sa tingin mo ba ay malulutas ng alak ang problema at pangungulila mo." Sermon na naman niya. Daig pa niya ang pari na puro sermon.

"Siguro nga ay hindi mapupunan ng alak ang pangungulila ko kay Laurence pero kasi, Valerie, hindi mo alam." This time, nagsimula nang bumagsak ang mga luhang ilang araw ko ring kinimkim sa dibdib ko.

"Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko, hindi mo alam kung gaano kasakit, kung gaano kahirap na mawala sa iyo ang taong mahal mo, ang taong pinangarap mo na makasama habang- buhay. Hindi mo alam kung gaano kabigat sa dibdib na hindi mo kasama ang taong alam mong mahal na mahal ka rin. Alam mo ba kung bakit ,Valerie? Kasi manhid ka! Kasi hindi mo alam ang pakiramdam na nagmamahal."

Nagulat ako sa sinabi ko pero huli na ang lahat para bawiin ko pa. Nakita ko ang pagrehistro ng gulat sa kanyang mukha. Pero hindi niyon matatabunan ang lahat ng sakit at galit na dumadagan sa dibdib ko. Pakiramdam ko'y hindi na ako makakahinga.

"Hindi mo alam ang pakiramdam na maiwan. Hindi mo alam kung gaano kasakit na malayo sa iyo ang mahal mo, na hindi mo alam kung saang lupalop siya naroon. Valerie, hindi mo alam kasi hindi ka pa nagmamahal at hindi mo rin hinayaan na mahalin ka. Wala kang alam sa nararamdaman sa ko dahil manhid ka! Wala kang alam."

Nasapo ko ang aking pisngi nang bigla niya akong sampalin. Tinapunan ko siya ng masamang tingin, iyon lang din ang ibinato niya sa akin. Pero kita ko pa rin ang pagkislap ng ilalim ng kanyang mga mata.

"Mali ka, Bessy, alam ko kung ano ang nararamdaman mo dahil pareho lang tayo, pareho lang tayong nawalan. "

This time ay bumagsak na rin ang mga luha niya. "Huwag kang umasta na parang ikaw lang ang may problema sa mundo, na parang ikaw lang ang naiwan dahil pareho lang tayo. Kung tutuusin nga ay mas masuwerte ka dahil nabigyan ka ng chance na makasama si Laurence nang mas matagal at masabi mo sa kanya na mahal mo sya. E, ako? Ni isang beses, hindi ko nasabi kay Charles kung gaano ko siya kamahal." Sigaw niya sa akin. Patuloy din ang kanyang pag-iyak.

"Ang sakit, eh! Ang sakit na maiwan pero pinili kong magpakatatag. Dapat ganoon ka rin, Reina. Magpakatatag ka, hindi magpakatanga. Huwag mong baguhin ang sarili mo nang dahil lang dito."

Dahil lang dito? Maliit na bagay lang ba ito? Hindi ko na napigilan ang paglipad ng palad ko sa kanyang pisngi. Oo, sinampal ko rin siya.

"People change, and so do I and it's not my fault kung hindi mo nasabi kay Charles na mahal mo siya, nagpakatanga ka rin kasi."

"Oh My God!" dinig kong singhap ng isang babae. Lumingon ako para tapunan ng masamang tingin ang bagong dating. Pamilyar siya sa akin.

"Ate Stacy! Ate Valerie, Ate Reina!" tumatakbo namang lumapit ang isa pang babae. Si Athena, iyong kaibigan ni Rodge. Sumunod lang si Stacy na mukhang hindi pa rin makapaniwala sa nakita. Ano'ng ginagawa ng mga iyon dito?

"What the hell happened here?" tanong ni Stacy, pero walang sumagot, lumingon ako kay Valerie. Nanatiling kaming nagsusukatan ng tingin.

"Wow! That's quite a show, huh."

"Shut up, Nicholette."

Nagkibit-balikat na lang si Valerie at saka inalis ang tingin sa akin. Naitaas ko ang aking kilay. Suko na ba siya? Sinasabi niyang matatag siya pero ang dali naman niyang sumuko. Humarap naman siya kay Stacy. "Kayo na muna ang bahala sa kanya." And with that, she left.

Damn this freaking life! Anak ng patis! Nakakainis!

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon