-Fifth Star-
REINA
TAKIP-SILIM NA noong makauwi ako. Buong araw ko ring naisip ang mga nangyari sa greenhouse. Hindi ko rin namamalayan pero napapangiti ako. Ang weird!
Kinapa ko ang bulsa ng aking backpack kung saan ko nilalagay ang mga susi pero wala doon ang susi ng gate! Imposible! Paanong nangyari? Nilagay ko iyon bago ako umalis kaninang umaga. Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko, nagbabaka-sakali na baka doon ko nalagay pero wala rin. Hinalungkat ko na rin ang buong backpack, lahat ng bulsa ay tiningnan ko pero wala!
Nasaan na iyon?
Unti-unti ko nang nararamdaman ang panic! Paano ako papasok sa loob ng bahay? Mataas pa naman ang gate— hindi ko ito kayang akyatin. Anak ng patis! Anong gagawin ko ngayon?
Umupo na lang ako sa sidewalk dahil suko na ako sa paghahanap. Hindi ko talaga makita! Maghihintay na lamang ba ako ng himala? Madilim na ang paligid at natatakot na ako! Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na ito dahil kalilipat lang namin. Baka mamaya niyan ay may masasamang tao pala dito, kahit naman mayayaman ang mga tao dito ay siguradong hindi pa rin ganoon ka-safe. Nakakainis! Gutom na rin ako at gusto ko nang magpahinga! Hindi ko na alam ang gagawin ko!
Nakatulala lang ako sa kawalan at naghihintay sa wala nang masilaw ako sa liwanag. Lumingon ako at nakita ang papalapit na sasakyan. Huminto ito sa tapat ko. Binuksan ng driver ang bintana. Isang masamang pangitain! Himala ang hinihintay ko! Hindi kamalasan!
"Anong ginagawa mo diyan?" Malamig niyang tanong sa akin na hindi man lang tumitingin.
"Naghihintay ng snow," sarkastikong sagot ko. Hindi ba obvious na hindi ako makapasok? Hindi niya ako sinagot. Sinara lang niya ang bintana at muling pina-andar ang sasakyan.
"Ang sama talaga ng ugali ng yelong iyon! Bato talaga siya! Nakaka-inis! Sinasabi ko na nga ba't hindi niya ako tutulungan. Ano pa nga bang maasahan ko sa kanya?!"
LAURENCE
SINO'NG baliw ang maghihintay ng snow sa Pilipinas? Hindi na lang niya aminin na hindi siya makapasok. Ipinarada ko ang sasakyan saka muling lumabas. Nakaupo siya sa sidewalk na parang naliligaw na pusa. Saglit ko siyang pinagmasdan. Napapangiti ako sa hitsura niya. Para siyang ewan na nakabusangot ang mukha kaya kinuhanan ko siya ng litrato gamit ang aking camera na kanina pa nakasabit sa leeg ko.
I cleared my throat to supress my smile. She's oblivious that I'm watching her. I walked towards her with the cold face that I have mastered long ago.
"Teka! Saan mo ako dadalhin?" reklamo niya nang bigla ko siyang kaladlarin. Hindi ko siya sinagot. Ayoko siyang sagutin? Why am I holding her hand, anyway?
"Ano ba? Masakit na 'yong kamay ko! Puwede bang bitiwan mo ako? Sisigaw ako ng rape kapag hindi mo ako binitiwan." Talak siya nang talak. Ang sakit sa tainga. Nakalunok yata siya ng megaphone.
"Sisigaw talaga ako!" pagbabanta pa niya. Inignore ko na lang at nagpatuloy sa pagkaladkad sa kanya.
"Rapist! Rapist!" Binitiwan ko na! Nakalagpas na rin kami sa gate. Natahimik siya nang mapansin kung nasaan kami.
"Dito ka na matulog."
"Seryoso?"
"Hindi. Doon ka na lang sa sidewalk matulog."
"Sabi ko nga, wala akong choice," nakalabi niyang sabi. Muli kong hinawakan ang kamay niya. Hindi na kasing higpit ng kanina. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Bakit ko nga ba hinawakan ito?
"Halika na. Baka makatakas ka pa."
Pagbukas ko ng pinto ay nakasalubong ko si Mommy.
"Reina, hija... nandito ka pala," bumagsak ang kanyang mga mata sa magkahugpong naming kamay ni Reina. Mariin niya iyong tinitigan. Kaagad nagbitiw si Reina.
"Uhm..." Nahihiyang tumingin siya kay Mommy. "Nagkaproblema lang po kasi. Hindi ako makapasok ng bahay. Hindi ko makita ang susi, ang alam ko ay nasa loob lang 'yon ng bag ko."
"Sige, dumito ka muna," ani Mommy.
"Daddy?" lumingon ako. Tumatakbo pababa sa hagdan si Laurein. "Mommy Reina?" Binilisan pa ni Laurein ang pagtakbo. Excited siyang dumalo sa amin at niyakap si Reina.
"Mommy, dito ka po ba matutulog?" Tumango si Reina at nginitian ang bata.
"Doon na lang po ikaw sa room ko."
"Okay,"
"Yehey!" tuwang tuwang sabi ni Laurein at hinatak na si Reina paakyat sa second floor. Ni hindi man lang ako pinansin ni Laurein.
"What's with the holding hands, Rence?" tanong ni Mommy nang maka-alis ang dalawa.
"Nothing, Mom." I gave her a cold look at dumeretso na ako sa kuwarto.
*
BINABASA MO ANG
My Miss Blue Rose (Royal Astra #01 and #1.5)
Fiksi Remaja"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng permanenteng tirahan ngunit higit pa pala roon ang makukuha niya. First, she met Laurence, ang taong k...