-Rondell-
"I COULD also be your light only if you would let me."
I watched her as she strode out of the room. Tinulak lang niya ako matapos ko iyong sabihin sa kanya. It took me all of my confidence to tell her that I would be willing to be her light yet I only got a cold glare as a response.
It wasn't supposed to be this way. Her life was already perfect with her prince. She was already living her own fairytale but the witch snatched her happiness.
I wanted Reina to be happy. I wanted to make her happy. I wanted her to smile again.
For years, I have watched her as she was held by Laurence. I was happy for her yet there's a part of me that still wished to be on my best friend's shoes. Alam kong mali pero hindi ko mapigilan. Nakuntento na lang ako sa kung ano ako para sa kanya. Ang importante ay masaya siya.
I knew this was hopeless. Siguro ay ganito na talaga ako. Kuntento na ako na masaya ang mga taong mahal ko. I was like this with Raya, I was contented that she's happy when she chose her career over me, kung sabagay, hindi naman ako parte ng options niya.
Pero hindi ko alam na mas higit pa iyong mararamdaman ko para kay Reina. I thought it was just mere admiration but then I realized I am slowly falling.
Sa pagdaan ng panahon, mas lalo akong nahulog sa kanya. I am falling like a star that was waiting to be caught. I am falling for someone who already has her own star.
Royal Astra ako— I'm one of its star. I could be someone else's light. But why do I still want to be Reina's?
-Reina-
"I COULD also be your light only if you would let me."
Dali-dali akong lumabas ng kuwarto ni Rondell pagkatulak ko sa kanya. Ang gulo-gulo na nga ng utak ko pero mas lalo pa niyang ginugulo! Anak ng patis naman, oh!
Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko maiwasan na maghinala. Nararamdaman kong may alam siya tungkol sa nangyari kay Laurence. Bakit niya nililihim sa akin? Bakit hindi niya sinasabi iyong mga alam niya?
Ugh! Napahawak ako sa ulo kong sumasakit na naman. Sumasakit na ang utak ko sa kaiisip at kaka-analyze ng mga bagay-bagay pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong makuhang sagot. Nakakainis! Anak ng patis! Parang pumipitik ang sentido ko sa sobrang sakit.
"Ate Reina, ano'ng ginagawa mo d'yan? Okay ka lang ba?" lumingon ako at nakita ko ang isang babae na parang kakababa lang ng taxi. Hila-hila niya ang isang maleta. Nanliliit ang matang tinitigan ko siya. Pilit kong inaalala ang mukha niya. Nanlalabo pa rin ang paningin ko dahil sa kakaiyak at hanggang ngayon, umiiyak pa rin ako.
"Si Crislyn ito, ate. Bakit ka nandito sa labas? Saka, bakit ka umiiyak? Nag-away ba kayo ni Kuya Ronron? Naku! Naku! Pepektusan ko iyon!"
Pagkabanggit niya sa pangalan ng kuya niya ay mas lalong bumagsak ang luha ko. Ewan ko ba! Gulong-gulo na ako lalo. Naiinis ako sa nangyayari! Pinaglalaruan na naman ba ako? Puro kasinungalingan na naman ba ang umiikot sa mundo ko?
Bakit ganoon? Okay na naman ako. Okay na naman kami. Bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ito?
"Ano ba iyan, Ate! Kauuwi ko lang tapos ganito ang madadatnan ko? Nasaan ba si Kuya? Hahampasin ko siya ng maleta ko!"
Hindi ko sinagot si Crislyn. Tinalikuran ko siya at pinara ko agad ang dumaan na taxi. Wala na akong paki-alam kung mukhang sinabunutan ng sampung kamay ang buhok ko sa sobrang gulo o kung para na akong baliw na umiiyak. Dahil sa totoo lang, pakiramdam ko ay masisiraan na ako ng ulo.
"Ate! Teka lang!" narinig ko pang sigaw ni Crislyn pero hindi ko na binigyan pa ng pansin. Bagkus ay sinabihan ko ang driver na ihatid na lamang ako sa bahay ko.
Pagkababa ko ng taxi ay bumungad sa akin ang malaking bahay sa tapat ng bahay namin. Isa-isa na namang naglaglagan ang mga luha ko.
"You belong with me, Laurence, but why do you have to go away?"
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko si Mommy at si Daddy na naka-upo sa sofa. Tahimik lang sila pareho at taimtim na nakikinig sa matandang lalaking nasa harap nila.
Lumingon sila sa akin. Nanlaki ang mata ni Mommy nang makita niya ako. Sino ba naman ang hindi magugulat kung makita ang hitsura ko? Mukha akong bruha.
"Good heavens! Reina! Ano'ng nangyari sa iyo, anak?" Dali-daling tumayo si Mommy at nilapitan ako. Hinawakan pa niya ang pisngi ko at para ba'ng ineexamine ako. Sumunod naman si Daddy na seryosong nakatingin sa akin. Concern and questions were written all over their faces.
"Princess."
Umiling lang ako at inalis ang kamay ni Mommy na nasa pisngi ko. "Pagod ako, Ma, magpapahinga na lang muna ako."
"Anak..."
"Ma, puwede po ba na huwag ngayon. Magulo pa ang utak ko."
Tinanguan lang ako ni Daddy at hinawakan niya ang balikat ni Mommy at nilayo siya sa akin. Humakbang na ako papalayo papunta sana sa hagdan nang may maalala ako. Muli akong lumingon sa kanila.
Naguguluhan namang tumingin sa akin ang matandang lalaki na kausap nina Mommy.
"I'm sorry, Lolo, kung naabutan mo man akong ganito. Babawi ako, promise. Welcome home." Nginitian ko siya nang tipid dahil sobrang bastos ko na siguro kung hindi ko pa siya papansinin.
"It's okay, Empress. Lolo understands. Talk to you later." At ngumiti naman si Lolo sa akin. For once, I saw a smile today.
Pero kahit ganoon ay hindi mapapawi ang sakit sa dibdib ko. Tinalikuran ko na silang lahat at umakyat na ako papunta sa kuwarto ko.
BINABASA MO ANG
My Miss Blue Rose (Royal Astra #01 and #1.5)
Dla nastolatków"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng permanenteng tirahan ngunit higit pa pala roon ang makukuha niya. First, she met Laurence, ang taong k...