REINA
SA GITNA ng aking paghakbang palayo sa kanya ay bigla akong napahinto nang marinig ko iyon. Muli ko siyang nilingon. Wala na ang kanyang cold demeanor. Nakabagsak ang kanyang mga balikat at mabigat ang kanyang paghinga. Pero nakatingin pa rin siya sa langit. Ang tanging nakikita ko lang ay ang lungkot na pilit niyang itinago noon. Lungkot na minsan ay nakita ko sa kanyang mga mata. Lungkot na naramdaman ko sa mga larawang kuha niya. Pain, no matter what you do, you can never make yourself numb from it. It never ceases.It never leaves. It's just there.
Napako ako sa kinatatayuan ko. Siya ang Laurence na hindi kilala ng iba. Siya ang Laurence na nakatago.
Pero... pinakikilala niya sa akin ngayon. Pinakikilala niya si Laurence. Ang totoong Laurence. Ang Laurence na nalulungkot... na nasasaktan.
Napasinghap ako nang mamataan ko ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. Ni hindi man lang niya iyon pinunasan. Mariin siyang pumikit. Hinayaan niya lang iyon na dumaloy. Gusto ko siyang lapitan at punasan ang mga luhang iyon. Pero hindi ko magawa. Nakapako pa rin ako sa kinatatayuan ko, parang nanigas ang aking mga paa.
"Puwede ba na dito ka muna? Ngayon lang ako nakatagpo ng tulad mo na naiintindihan ako. Ngayon lamang may totoong nakakilala sa akin dahil sa mga larawang kuha ko, hindi dahil sa ganda ng mga iyon kundi dahil sa damdamin na naroon. Art does not need to be beautiful... it must be felt. You were the first to see my soul, Reina."
Literal na nalaglag ang aking panga dahil sa sinabi niya. Puwede naman siyang umiling at tingnan lamang ako sa malamig na ekspresiyon matapos marinig ang mga pinagsasabi ko katulad nang lagi niyang ginagawa. Pero hindi niya iyon ginawa. Hindi ko inasahan na aamin niya ang bagay na iyon.
Tila nagkaroon ng buhay ang aking mga paa. Lumakad ako palapit sa kanya at muling umupo. Mabibigat at malalalim ang aking paghinga lalo na noong humarap sa akin si Laurence at nakita ko ang kanyang buong mukha. Gone is the Iceberg that I used to see.
"Mahalaga sa akin si Laurein kaya lahat ay gagawin ko para sa kanya dahil ayokong mangyari sa kanya ang nangyari sa akin noon. Ang gusto ko ay maranasan niya ang ibig-sabihin ng salitang pamilya. Kahit na alam kong hindi magandang ideya na ituring ka niyang mommy dahil hindi ka naman namin lubusang kilala ay hinayaan ko siya. That night when you visited with Tita Roxanne, I saw how happy Laurein was and that was the only thing that mattered... her hapiness, something that I don't have." Pinunasan niya ang kanyang mga luha at umiling-iling. Bahagya rin siyang ngumiti as if he was lost in the memory lane.
"Alam mo ba na noong dumating si Laurein sa buhay namin, ang buong akala ko'y matutulad lang siya sa akin? Pero..." He looked at me, straight in the eyes. His gray eyes bore onto mine at parang tinatangay niyon ang kaluluwa ko but at the same time, I am also seeing his soul. "Hindi ko hahayaan na mangyari iyon."
Hindi ko na nagawang sumagot. Staring at him got me tongue-tied. Gusto kong itanong kung bakit niya sinasabi ang lahat ng ito sa akin ngayon but I can't find my voice. Kumakalabog ang dibdib ko sa 'di ko malamang dahilan.
"Reina..."
"Why are you suddenly telling me this?" I finally managed to ask.
"Dahil alam kong naiintindihan mo ako. You didn't just see me, you understood." Makahulugan niyang sabi.
"Nagtatago ang totoong ako sa malamig na mukhang nakikita mo nang madalas. Nadudurog ako sa loob pero tanging ang mukha na wari'y isang yelo ang ihinaharap ko sa mga tao. Tulad ng iba ay nakadarama rin ako ng saya lalo na kapag nakikita ko si Laurein. Importante siya sa akin, mahal na mahal ko siya. Siya lang ang tanging ala-ala ni kuya..." he looked away and tightly closed his eyes. Mabibigat ang kanyang paghinga. Tila masakit na alala ang muling bumalik sa kanya. "Mabuti na lang at nakaligtas siya sa malagim na aksidenteng iyon."
"Aksidente?" Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Mahal na mahal ko si Kuya kaya sobrang iniingatan ko si Laurein. Ako ang dahilan kung bakit siya namatay. Pinatay ko si Kuya."
Nakatitig lang ako sa kanya at hinihintay ang sunod niyang sasabihin. I still don't know what to reply. Sobrang dami ko nang nalaman. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang malaman ang susunod.
"Ako ang dahilan. I killed him. Ako ang dahilan." Naramdaman ko na lamang ang mga braso niyang pumulupot sa likuran ko. Mahigpit niya akong niyakap. Nangangatal ang kanyang mga bisig. Nababasa ng mga luha niya ang damit ko.
Hinayaan ko lang siya na ganoon. Kahit na naguguluhan ako ay hinayaan ko na lamang siyang umiyak. Hinagod ko na lamang ang kanyang likod gamit ang mga kamay ko. Iyon lang ang kaya kong gawin para sa kanya.Nanatili kaming tahimik.
Sinong mag-aakala na si King Laurence Madrigal ay posibleng maging ganito kahina? He's so vulnerable. Nakakatakot na saktan siya.
Mayamaya pa ay kumalas siya mula sa pagkakayakap at muling tumingin sa langit. Bakit ang hilig niyang pagmasdan ang mga bituin? Was that why they were called Royal Astra?
"Kasalanan ko kung bakit namatay ang kuya ko. Four years ago, I went home late dahil nakipaglaro pa ako kina Charles at Earl at hindi ko na namalayan ang oras. Napagalitan ako ni Daddy. Bata pa lang ako ay takot na ako sa kanya. Kapag nagagalit siya sa akin ay umaalis ako. That night, it was raining really hard but I still went out. Pumunta ako sa ilog na palagi naming pinupuntahan ni Kuya , halos malapit na iyon sa gubat. Ibinalita raw sa T.V. na signal number three. Lumalim ang gabi at lumakas ang bagyo. Nag-alala si Mommy kaya tinawagan niya sa kuya. Kuya was on his way with his family pabalik sa mansion pero dahil sa tawag ni Mommy, he drove their way papunta sa kung nasaan ako. He knew where to find me. Dahil sa sobrang lakas ng hangin, nagbagsakan ang mga puno at isa sa nabagsakan ang kotseng sinasakyan ni kuya. He and his wife were dead on the spot. Laurein was miraculously safe and sound," aniya sa pagitan ng mga hikbi.
My heart melted at the sight of him. His tears were pouring. He was in pain... so much pain. What can I do to ease the pain?
Did he suddenly trust me this much to tell me all these things?
"Hanggang ngayon, Daddy is blaming me. At maging ako, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari." Puno ng pait at sakit niyang wika.
"I understand," I cleared my throat dahil pakiramdam ko ay may bumabara doon. "May mga bagay na hindi mo magawang sabihin, mga bagay na nagtatago diyan sa loob mo na mas pinili mong maging yelo kaysa ilabas ang totoo. Naiintindihan kita, Laurence. Pareho lang tayo, takot ipaalam ang nadarama natin."
He looked at me and smiled and for the first time, I know it was a real one.
"Salamat sa iyo pero ang hiling ko lang sana ay walang ibang makakaalam"
"Syempre naman." And I smiled back. For the first time in history, we smiled at each other.
"But when the time comes that you are ready to show the world who you are, I will be here."
We stayed there in silence hanggang sa tuluyang lumalim ang gabi.
"It's growing late, pupunta na ako sa kuwarto ni Laurein." Wika ko saka tumayo.
"Tara na, sabay na tayo," aniya at tumayo na rin.
We walked in silence pabalik sa silid ni Laurein. She's soundly sleeping in her bed.
"Good night, Reina," ani Laurence at humiga na ako sa tabi ni Laurein.
"Good night, Laurence." I closed my eyes. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Humiga na rin si Laurence, sa kaliwa naman ni Laurein.
And before I drifted to a peaceful sleep, I heard him say. "Thank you so much, Reina."
'You are more than welcome, Laurence."
BINABASA MO ANG
My Miss Blue Rose (Royal Astra #01 and #1.5)
Teen Fiction"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng permanenteng tirahan ngunit higit pa pala roon ang makukuha niya. First, she met Laurence, ang taong k...