-Second Star-
REINA
LUNCHBREAK na at nagugutom na rin ako. Dumeretso ako sa cafeteria. Mabuti na lamang at madali lang itong hanapin. Nakaupo ako sa isang mesa. Teka! Parang may lumalapit sa akin. Pamilyar ang mukha niya.
"Puwede bang maki-upo? Wala na kasing vacant," nakangiti pang tanong niya sa akin.Tumango lamang ako at saka ngumiti. Medyo naiilang ako dahil hindi ako sanay na nilalapitan ng mga tao. Dahil nga palipat-lipat kami ng tirahan ay hindi ko na nagawa pang makipagkaibigan.
"Ako nga pala si Valerie. Interior design ang major ko. Magkaklase tayo sa literature."
"Ah," nginitian ko na lamang siya. Yumuko ako at itinuloy ang pagkain. Hindi kasi talaga ako sanay na may lumalapit sa akin. Muli kong sinilip si Valerie at nakita kong nakatingin pa rin pala siya sa akin. Nginitian niya ulit ako at parang hinihintay akong magsalita ulit. "Reina, Creative Writing," tipid kong dagdag. Nakakahiya! Nakalimutan ko pala na magpakilala.
"Kyaaaahhh!" Narindi ako sa nakabibinging tilian na bigla na lamang umusbong sa loob ng cafeteria. Kaagad kong tinakpan ang aking tainga para isalba ang aking eardrums. Maraming mga babaeng estudyante ang bigla na lamang tumayo mula sa kinauupuan nila. Iginala ko ang aking paningin at nagtataka pa rin sa nangyayari. Napadako ang aking mga mata sa pintuan ng cafeteria.
There, at the doorway walk five men in. They form like five corners of the star. Napatitig ako sa mga ito. Noon lamang ako nakakita ng ganoong klase ng mga lalaki, maging si Adonis ay siguradong isusuko ang trono nito sa greek mythology dahil sa kaguwapuhan ng limang lalaking iyon.
"Show off," bulong ni Valerie.
"Ha?" tiningnan ko siya ng may halong pagtataka pero hindi siya nagsalita kaya tiningnan ko ulit ang limang kalalakihan na umagaw sa atens'yon ng lahat.
"They are Royal Astra." Pag-agaw ni Valerie sa atensiyon ko. "At araw-araw ay ganito ang scenario kapag dumarating sila. For the students of Ayala University, they are the most powerful so you have to be careful, Reina," iyon lamang ang sinabi ni Valerie at saka niya ipinagpatuloy ang pagkain na para bang walang paki-alam sa pagdating ng Royal Astra hindi katulad ng ibang estudyante na tila kumikinang ang mga mata dahil sa presensiya ng mga ito.
But my curiousity is killing me kaya't nagtanong na rin ako. "Royal Astra? Sino sila? Bakit sila powerful? Bakit nagtitilian ang mga estudyante?"
"Sila ang Royal Astra. They always form a star lalo na kapag naglalakad sila dito sa campus. Ang nasa unahan ay sina Earl Madrigal na Fine Arts Student at Charles Angeles na Culinary Arts—" Bahagyang umirap si Valerie nang tingnan niya ang isa sa mga miyembro ng grupo. Iyon marahil si Charles. Bakit kaya? "Ang nasa gitna naman ay sina Rodge Fontanilla, Theatre Arts at Rondell Ayala, Music Major at ang nasa dulo ay si Laurence Madrigal, Film and Photography Major. At kaya sila ang pinakamakapangyarihan dito ay dahil isang Ayala lang naman ang isa sa kanila."
"Laurence. Laurence Madrigal pala ang pangalan niya." Bulong ko matapos isa-isahin ni Valerie ang pangalan ng mga miyembro ng Royal Astra. So, sikat pala ang yelo, sabi ko na lamang sa isip patungkol kay Mr. Iceberg.
Hindi naman talaga ako interesadong malaman ang tungkol sa kanila. Ano ba namang pakialam ng isang commoner sa mundo ng mga elites?
"Yeah. Laurence Madrigal. Classmate natin siya sa literature kasama ni Rondell." Pagtukoy ni Valerie sa isa pang miyembro ng Royal Astra.
"You mean Laurence and Rondell are powerful in our school?"
"Oo," kibit balikat na sagot niya. Muli kong tiningnan ang mga lalaking iyon. Kung sila ang pinakamakapangyarihan, para saan pa ang school admin? Ang student council? Ang student hand book? Okay! Ang O. A. ko na.
BINABASA MO ANG
My Miss Blue Rose (Royal Astra #01 and #1.5)
Teen Fiction"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng permanenteng tirahan ngunit higit pa pala roon ang makukuha niya. First, she met Laurence, ang taong k...