-REINA-
NAKANGITI kaming naglalakad ni Laurence patungo sa pool area kung saan nagkumpol ang maraming tao, karamihan ay mga kaibigan at miyembro ng aming pamilya.
"If anyone objects this union, speak now or forever hold your peace." Narinig kong sabi ng pari sa dulo ng aisle.
How did Laurence manage to do all of these? Kaya ba siya palaging wala at pagod? O, baka naman may iba pang gumugulo sa isip niya, tulad na lang niyong 'she' sa phone call?
Tama na, Reina! Hindi ito ang oras para isipin mo pa ang lahat ng iyan.
Mayamaya pa ay parang may narinig akong ingay, mukhang tunog ng helicopter at parang malapit lang ang pinaglandingan niyon.
"What is the meaning of this?" sabay-sabay naming nilingon ang pinanggalingan ng boses, sa may gate ng pool area ay nakatayo ang isang middle-aged woman who looks sophisticated. Napaka-high class ng hitsura at postura nito. Sino naman kaya ito? Hindi ko pa nakikita ang babaeng ito sa tanang buhay ko.
"Shit!" narinig kong bulong ni Laurence, ito ang unang beses na nagcuss siya pagkatapos ng ilang taon.
"Rence? Who is she?" nagtataka kong tanong. But Rence only stood frozen with an icy expression.
"What on earth is happening here?" the woman said, scanning the whole place. Bigla akong nakaramdam ng kaba, I felt my spine stiffened. Ano'ng nangyayari? Sino ba ang babaeng iyon? Ano'ng balak niyang gawin?
She continued roaming her eyes until she found someone.
"Lorenzo!" itinaas nito ang isa nitong kilay. "Ano ba'ng kalokohan ito?" matapos noon ay humarap naman siya sa amin ni Laurence. Naramdaman ko na hinawakan ni Laurence nang mahigpit ang kamay ko, narinig ko ring nagbubulungan ang mga tao sa paligid. "Hindi ba't nag-usap na tayo, King Laurence, I told you to call your engagement off, bakit may kasalang nagaganap ngayon?"
Mabilis ang sumunod na nangyari, may mga lalaking lumapit sa amin ni Laurence, hinatak nila si Laurence palayo sa akin at ang isa ay ikinulong ako sa mga bisig, nagpapanic na ang mga tao. Ano ba'ng nangyayari? Bakit nila inilalayo sa akin si Laurence? Ano ba'ng kasalanan ko sa kanila?
Kinaladkad nila si Laurence. Pinilit akong kumawala, pinagsusuntok ko ang mga lalaking nakahawak sa akin. Sinubukan kong humabol pero noong makalabas na ako ng pool area ay nasa ere na ang chopper.
Napahinuhod na lang ako sa buhanginan habang patuloy ang pagbagsak ng luha ko.
"LAURENCE!" sigaw ako nang sigaw. Pilit kong tinatawag ang kanyang pangalan.
"Anak." Narinig ko ang boses ni Daddy pero wala akong lakas na tumayo. "Dad, ano'ng nangyayari? Bakit nila kinuha si Rence? Sino ang mga iyon?" sunod-sunod kong tanong habang patuloy ang pag-agos ng luha ko, nakatingin pa rin ako sa langit at kitang kita ko kung paano naglaho sa ere ang chopper.
"Dad, please, explain mo naman sa akin, ano ba'ng nangyayari?"
"Wala akong alam, anak, sorry." Malungkot na sagot ni Daddy. Dinaluhan niya ako. Lumuhod siya sa harap ko at niyakap ako nang mahigpit. Napahagulhol na lamang ako.
"I'm sorry about what happened." Narinig kong sabi ni Tita Marianne.
"Sorry? You just left my daughter hanging, ni hindi ninyo man lang naipagtanggol and now you are saying sorry?" narinig kong sigaw naman ni Mommy. Ngayon ko lang siya narinig na magtaas ng boses.
"Pero, Roxanne." Bakas sa boses ni Tita Marriane na hindi niya gusto ang mga nangyari pero isang malutong na sampal lang ang ibinigay sa kanya ni Mommy, ngayon ko lang siya nakitang nagalit.
"You knew it from the start, right? Alam ninyo na magulo na ang sitwasyon, bakit hindi ninyo man lang sinabi sa amin? Ano ito? Parang bomba na lang na sa gitna ng kasal nila ay may dumating para kunin si Rence at ipakasal sa iba?"
"Hindi namin sinabi because we are trying to control the situation." Matigas na sagot naman ni Tito Enzo na nakayakap na kay Tita Marianne who was still in the state of shock.
"Control? Nagkakagulo na pala pero hindi namin alam because you were trying to control it. Kung sinabi ninyo sa amin, eh, 'di sana hindi ganito ang sitwasyon ngayon." Mataas pa rin ang boses ni Mama, galit na galit siya. "Ano na? hindi ninyo man lang ba naisip na masasaktan ang anak ko?"
"Roxanne..."
"Puwede ba, tama na! Hindi kayo nakakatulong, eh." Pinilit kong tumayo at bumalik na sa loob ng cottage, kailangan kong makabalik sa Maynila, kailangan kong maabutan si Laurence.
• ♥•♥•♥•
-Rondell-
"KUNG hindi ka niya nasalo, puwede namang ako na lang ang sumalo sa iyo," nasabi ko na lang nang mapansin kong nakatulog na si Reina sa balikat ko, napagod na siguro ang katawan niya sa kakaiyak. Halos isang buwan na siyang ganito matapos ang ang nangyaring iyon sa resort. I was there, it was supposed to be her happiest day. But it didn't turn out that way.
"Kung ako ang pinili mo, hindi ka masasaktan nang ganito." Binuhat ko na si Reina papasok sa kuwarto niya, even in her sleep she looks so troubled and wounded.
"Pero sino ba ako para piliin mo?"
'Alam ko naman na mahal na mahal mo si Laurence, alam kong mahal na mahal ka rin niya, pero siguro nga ay may mga pagkakataon na hindi natin inasahan na mangyayari.'
"Pakatatag ka lang, Rei, nandito lang ako para sa iyo, handa akong saluhin ka para hindi ka na madapa, para hindi ka na masaktan."
'Kung puwede lang na ako ang maghilom diyan sa puso mo ay nagawa ko na. Pero alam ko na kahit ano pang gawin ko, ang tanging makagagamot sa puso mo ay iyon mismong dahilan kung bakit ka nasugatan.'
"Rence..." narinig kong sabi ni Reina sa pagitan ng mga hikbi. 'Hanggang sa panaginip mo ba ay umiiyak ka pa rin? I miss you, Reina, comeback soon.'
Sana ay bumalik na iyong Reina na una kong nakilala, iyong nakangiti.
• ♥•♥•♥•
BINABASA MO ANG
My Miss Blue Rose (Royal Astra #01 and #1.5)
Teen Fiction"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng permanenteng tirahan ngunit higit pa pala roon ang makukuha niya. First, she met Laurence, ang taong k...