Seventh Star

4.3K 101 11
                                    



REINA

PAGKA-ALIS niya ay mabilis kong tinapos ang mga dapat kong gawin. Isinantabi ko na lamang din ang mga nangyari kagabi. Hindi ko dapat hayaan na masira ang araw ko nang ganoon na lang.

Naglalakad ako patungo sa sakayan ng jeep nang marindi ako sa lakas ng busina. Paglingon ko kung sino man ang salarin ay isang pamilyar na sasakyan ang tumambad sa akin. Kaagad akong nakaramdam ng inis. Binuksan ng driver ang bintana. Inis na ibinalik ko ang aking tingin sa kalsada at nagmartsa ako palayo sa kotse. Narinig ko pa ang pag-bukas-sara ng pinto niyon.

"Sumabay ka na, malayo rin ang school," malamig niyang sabi. Dinig ko pa ang mga yabag ng kanyang paang papalapit sa akin.

"Salamat, pero 'wag na lang," pagtanggi ko. Gustong gusto ko talagang iwasan ang lalaking 'to, kapag nakikita ko 'to, sumasama ang ihip ng hangin.

Sinusubukan kong alisin sa isipan ko ang mga nangyari pero paano ko gagawin iyon kung palagi ko siyang nakikita?

"Sumabay ka na sabi, tatamaan ako kay Mommy kapag pinabayaan kita." Naramdaman ko na lang ang kamay niyang nakakapit sa braso ko. Bago pa ako makapag-react ay kinaladkad na niya ako papunta sa kotse. Ano naman ang kinalaman ng Mommy niya sa hindi ko pagsama sa kanya. Malaki na ako at kahit pabayaan niya ako ay okay lang.

"Bitiwan mo nga ako," inis kong sabi pero hindi niya ako sinagot. Binuksan lang niya ang pinto ng kotse at tinulak ako papasok. Ang sama ng ugali! Anak ng patis!

Habang biyahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Hindi ko pinapansin ang nagmamaneho. Naiinis pa rin ako sa kanya. Sa passenger's seat pa niya ako pinaupo! Puwede namang sa back seat!

Binabagtas namin ngayon ang daan papunta sa Ayala University. Nakatipid ako ng pamasahe ngayon. At least, may magandang benefit ang makasama ang nilalang na ito. Pero sa totoo lang, mas gugustuhin ko pa na gumastos ng malaki kaysa makasama siya. Kating-kati na akong umalis dito. Di ba, allergic ako kay Iceberg?

At last, after what seemed like forever pero thirty minutes lang sa totoong buhay ay narating na namin ang parking lot ng A. U. Pero hindi ito basta-basta parking lot, nasa harap kami ngayon ng Royal Astra Building.

Nang ihinto ni Laurence ang kotse ay agad kong binuksan ang pinto, "Salamat, ha," kumaripas din ako ng takbo matapos kong sabihin iyon. Hindi ko na hinintay pa ang reaksiyon niya. Siguradong nagyeyelo pa rin ang mukha niya.

Dumeretso ako sa green house. Mabuti na lang at malapit lang ito sa Royal Astra Building.

Binalikan ko ang puwesto ko kahapon, ang ilalim ng puno ng caballero. Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari dito kahapon. Tama! Iyon na lamang ang iisipin ko.

Muli akong naupo sa damuhan. Kinuha ko ang aking notebook at nagsimula nang magsulat. Sabi ni Rondell ay nagustuhan niya ang sinulat ko kahapon. Nakakatuwang isipin na may nakaka-apreciate ng bagay na hilig kong gawin. Magsusulat na lang ako ng lyrics para sa kanya.

"Pagbigyan na lang natin ang kahilingan ng bata."

Pero paano ko iyon gagawin kung pabalik balik sa isipan ko si Laurence?

"Mukhang napa-aga ka yata saka ang aga-aga ay hindi maipinta ni Da Vinci ang mukha mo. Hindi bagay sa iyo ang nakasimangot, papangit ka niyan. Ngumiti ka naman." Napatunghay ako nang marinig ko iyon. Nakangiti lang siya na nakatingin sa akin. May usapan nga pala kaming magkikita ngayon.

Umupo siya sa tabi ko. Tiningnan pa ang sinusulat ko.

"Matutunaw ka rin, Mr. Iceberg, mapapanot ka rin. Makakalbo ka rin taong yelo, ice monster!"

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon