-First Star-
-REINA-
"NAKAPAG-IMPAKE ka na ba, Ina? Mamaya lang ay darating na ang elf truck na kukuha ng mga gamit natin."
Napatigil ako sa pagbabasa ng libro nang pumasok si Mommy. Iginala niya ang kanyang paningin at natuon ang pansin sa mga maleta na naka-ayos sa may gilid ng kuwarto. Bahagya siyang ngumiti sa akin. Malamang ay natuwa siya dahil natapos ko na ang mga dapat gawin.
"Satisfied? Kanina ko pa natapos iyan, Ma. Heto nga't nagbabasa muna ako habang naghihintay." Nginitian ko siya. Si Mommy lang ang kasama ko simula pagkabata. Hindi ko na nagawa pang makilala si Daddy dahil iniwan niya kami noong maliit pa lang ako. Pero okay lang iyon, minsan ay naghahanap ako ng tatay, lalo na noong bata pa ako pero kay Mommy pa lang ay sapat na. Napupunan niya ang lahat ng pagkukulang ni Daddy kaya mahal na mahal ko siya. Hirap man kami sa buhay, at least nakakaraos kami sa pang-araw araw kahit pa NPA kami, no permanent address.
"Sige na," ngumiti si Mommy. "Hihintayin na lang kita sa baba. Gusto ko nang makita ang bagong bahay natin."
Bahagya akong napasimangot sa tinuran niya. Palagi naman kaming may bagong bahay. Sanay na akong palipat-lipat. Dahil nga dalawa na lang kami ni Mommy ay hindi na kami naghihiwalay tuwing madedestino siya sa ibang lugar. Kung saan ang bago niyang trabaho ay doon din kami umuupa ng bahay.
"Hay naku, Ma! Heto na naman tayo, oh. Lilipat na naman tayo ng bahay. Sana nga lang ay last na ito. Nakakapagod din namang magpalipat-lipat at isa pa ay hindi man lang ako nagtatagal sa mga schools na pinapasukan ko. Kada isang semester, lumilipat ako. Ayoko naman na kapapasok ko pa lamang ay aalis na ako agad," request ko. Hindi sa nagrereklamo ako pero gusto ko rin naman na magkaroon ng sariling bahay. Iyong masasabing pag-mamay-ari talaga namin. Buong buhay ko ay wala kaming permanenteng address. Hindi iyon madali. Palagi na lamang kailangan naming umalis. Nakakapagod.
"Don't worry, Ina, hindi na mauulit ito. We will be living in our own house starting today. Naasikaso ko na ang mga papeles at naisapangalan na sa atin ang titulo," malapad na ngiting sabi ni Mommy na ikinabigla ko naman. Napayakap ako sa kanya. Finally!
"I love you, Mama. Salamat naman at natupad na iyong gusto ko."
•♥•♥•♥•
IGINALA ko ang aking paningin nang huminto ang sinasakyan naming elf truck sa loob ng isang subdivision.
Hindi pa rin ako makapaniwala! Nasa loob pa lang ako ng elf truck pero mula rito ay nakikita na kung gaano kalaki ang bahay na nasa tapat namin. Kaagad kong tiningnan si Mommy na nakangiti ng malapad. Tinanguan lamang niya ako. Marahil ay nauunawaan niya ang tanong sa aking mga mata. 'Ito ba ang bahay natin?'
Dahil sa excitement ay mabilis akong bumaba mula sa sasakyan. Hindi ko inaasahan na sa ganitong klase ng lugar kami titira. Nag-eexpect ako ng maliit lamang na bahay tulad noong mga dati naming inuupahan. Pero ngayon ay sa isang elite subdivision! Kahit na alam kong ito talaga ang magiging permanenteng bahay ko kasama si Mommy ay hindi pa rin ako makapaniwala.
"Ma, seriously? We will live here?"
"Yes, Ina. It's ours," nakangiti pa ring tugon ni Mommy na nakababa na rin mula sa sasakyan. Dumukot siya sa bulsa at naglabas ng mga susi.
Habang binubuksan ni Mommy ang nakasaradong asul na gate ay tinulungan ko naman ang mga lalaki mula sa isang tracking company na ibaba ang mga gamit namin.
May dalawang palapag ang bago naming bahay. Sa unang palapag pa lamang ay namangha na ako. Asul at cream ang kombinasiyon sa loob— cream na dingding, asul na kurtina at tiles ng sahig.
BINABASA MO ANG
My Miss Blue Rose (Royal Astra #01 and #1.5)
Fiksi Remaja"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng permanenteng tirahan ngunit higit pa pala roon ang makukuha niya. First, she met Laurence, ang taong k...