REINA
I'VE BEEN sighing like crazy at hindi ko rin makontrol ang mabilis na tibok ng puso ko. Parang maraming daga ang ngayo'y naghahabulan dito. Hindi pa sila nakuntento, lalo pa nila akong pina-kaba!
I wiped my sweaty palms on the back of my pants and breathe as deep as I could. Today is the day at hindi ko alam kung magagawa ko ito. Parang gusto ko na lamang mag-back-out. Bumalik na lang kaya ako sa bahay at magmukmok. Ikulong ang sarili ko sa kuwarto. Mas gusto ko pa sigurong tumakas na lamang. Yayain ko na lang kaya si Laurence na bumalik sa Batangas?
I have to face a lot of people today. At hindi ako sanay na binibigyan ng atensiyon ng ibang tao. Ayoko na maraming mata ang nakamasid sa akin at siguro'y hinihintay akong magkamali... isa lang ang gusto ko na palagi akong tinititigan— ang pares ng abong mga mata ni Laurence.
"Ready?" nilingon ko ang kadarating lang na si Laurence. Nakangiti siya na lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "You are tensed," aniya na marahil ay dama ang panginginig ng aking kalamnan. Umiling lang ako. Nagbuntong hininga lamang siya at pinapasok na ako sa kanyang kotse.
"What's eating you up? You're not yourself today. Ang tahimik mo," concern niyang tanong. Saglit siyang lumingon sa akin bago binalik ang tingin sa kalsada.
"I don't know. I mean, kinakabahan ako."
"Don't be. You will do well."
"Come on, Rence. Launch na ng novella ko mamaya and I have no idea about what to expect," asik ko. I heaved a frustrated sigh. I don't think I could do this.
Hinawakan niya ang kamay ko samantalang ang isa niyang kamay ay nasa driver's wheel. It always feels good to have his hand in mine. Pinaglaruan niya ang mga daliri ko, it somehow calmed me.
"Will you be there? Gigilitan talaga kita ng leeg kapag hindi ka nagpakita roon,"
"Ako? Mawawala r'on? That's impossible to happen, pakitandaan iyan, My Rose."
"Alam ko naman iyon, eh."
"Don't be scared. Trust me and of course, you don't have to ask me to go there, I will never miss it for the world." The car stopped. Nasa Ayala University na pala kami.
"My girl's gonna nail something and it will be stupid of me not to see it," his hand reached for my waist at kinabig ako palapit sa kanya. I could hear my heart palpitating, and this time, hindi na iyon dahil sa kaba para sa event mamaya. It was about a different case altogether. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Naamoy ko ang mint sa kanyang hininga.
And when his lips crushed mine, I totally forgot all the worries that I have. Afterall, this book is for him.
"I love you, My Rose."
"I love you, too."
•♥•♥•♥•
NILOLOKO ko lang yata ang sarili ko nang sinabi ko kanina na nawala na lahat ng worries ko dahil ngayon ay kinakabahan na naman ako to the highest level. Any minute from now ay ipepresent na ng department namin ang mga nasulat naming novella. I was panting and was twitching my fingers like there's no tomorrow. Uuwi na lang ako.
"Miss Reina Reymundo." Dinig kong wika ng emcee. Sa totoo lang ay wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya at ng iba pang estudiyanteng nauna nang nagsalita kanina. Nakabalik lang ang naglalakbay kong diwa nang banggitin niya ang pangalan ko.
Bumaba ang kaklase kong si Sherrine. "Goodluck," aniya. Tinanguan ko lang siya. Dumeretso na ako sa stage. Wish me luck. Kailangan ba talagang dito pa sa auditorium ang launching?
BINABASA MO ANG
My Miss Blue Rose (Royal Astra #01 and #1.5)
Teen Fiction"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng permanenteng tirahan ngunit higit pa pala roon ang makukuha niya. First, she met Laurence, ang taong k...