Catching A Falling Star 10

1.9K 44 14
                                    

-Reina-

GABI na nang magising ako. Ang sakit ng ulo ko, parang pinupukpok ng martilyo. Anak ng patis! Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko si Rondell na natutulog sa isang silya. Nakasandal ang ulo niya sa dingding, halatang nahihirapan siya pero bahala siya. Choice niya iyon.

Aish! Ang sakit talaga ng ulo ko! Hinilot ko muna ang sentido ko para mawala ang sakit pero ang fail lang! Ang sakit pa rin! Anak ng patis naman!

Bumangon ako at lumabas ng silid para magpahangin. Nagugutom na rin ako. Sinipat ko ang aking relos. Alas –nuebe na ayon dito. Ganoon katagal ang tulog ko?

Nilakbay ko ang mahabang pasilyo at ang mga pasikot-sikot nito. Naliligaw na naman ako. Naalala ko tuloy ang pagkaligaw ko kanina dahil hinahabol ko si Laurence. Bakit ganoon? Bakit hindi na lang panaginip ang nangyari kanina tulad noong nakaraang gabi? Sana ay nagising na lamang ako.

Pero hindi, e! Totoo ang nangyari kanina, totoong hinahabol ko si Laurence at hindi ako nililinlang ng paningin ko. Nandito siya, bumalik siya pero para ba'ng wala na siyang paki-alam sa akin. Kahit ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya ay hindi man lang siya lumingon. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

Ilang buwan pa lang ang dumaan pero bakit ang bilis naman niya akong nakalimutan? Ang bilis naman niyang binalewala ang halos apat na taon naming relasyon.

Gulong gulo ang isip ko. Patuloy lang ako sa paglalakad pero hindi ko na alam kung nasaan na ako. Tuloy-tuloy lang ako, kasabay noon ay ang pag-agos ng luha ko, ang unti-unting pagkadurog ng wasak ko ng puso.

Panay lang ang hakbang ng aking mga paa hanggang sa wala na akong matatapakan at narinig ko na lamang ang malakas na lagaslas ng tubig kasabay ng isang malakas na sigaw.

"REINA! FUCK!"

• ♥•♥•♥•

"SHIT, REINA! Wake up!" Nananaginip ba ako? O nasa langit na ako? Bakit naririnig ko ang boses niya? Bakit parang ang lapit-lapit lang niya sa akin? Niloloko lang ba ako ng pandinig ko?

"Damn it, Reina!" Naramdaman ko na lamang ang malamig na labing lumapat sa labi ko.

Sunod-sunod na ubo ang aking pinakawalan. Habol ko ang aking hininga. Napamulat ako at bigla na lamang napayakap sa kanya. Hindi magkamayaw sa pag-uunahan ang mga luha ko. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Nandito siya! Kasama ko siya!

"Laurence! Ikaw nga!" pero tinampal lamang niya ang kamay ko at umiling. Nandoon ang blanko niyang ekspresyon at wala akong mabasa na kahit na ano'ng emosyon sa mukha niya. Ang kakaunting pag-asang nabuo ko ay agad-agad ding nawasak!

Binitiwan niya ako saka siya tumayo at nagsimula nang maglakad. Mabilis rin akong bumangon para sundan siya.

"Laurence! Wait!" pero hindi siya lumingon.

"Laurence... please!"

"Kausapin mo naman ako, Rence! Paki-usap." Panay ang paghabol ko sa kanya pero para siyang bingi na walang naririnig at pipi na hindi marunong magsalita. Bilisan ko ang paghabol sa kanya at hinigit ang manggas ng kanyang t-shirt.

"Rence..." halos nagmamaka-awa na ako sa kanya. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Ang pagbagsak ng pag-asa. "Laurence.."

Sa wakas ay hinarap niya ako pero isang malamig na mukha lamang ang pinakita niya sa akin. Parang umihip ang nagyeyelong hangin. Nanlalamig ang aking pakiramdam.

"Fine. We will talk. Meet me here tomorrow night, same time." Iyon lang ang huling narinig ko sa kanya bago niya ako tuluyang tinalikuran.

• ♥•♥•♥•

KINAKABAHAN ako, parang dinadaga ang aking dibdib. Nanlalamig ang aking mga palad. Mamayang gabi ay mag-uusap kami ni Laurence. Masasagot na rin ang mga katanungan ko. Kinakabahan ako pero hindi ko itatangging excited ako. Ang tagal tagal matapos ng conference na ito, morning session pa lang. Ang tagal namang gumabi.

Nang nag-lunch break ay lumabas akong sandali. Hinahanda ko ang sarili ko sa nalalapit naming pag-uusap. Nasa may veranda ako nang may marinig akong yabag ng mga paa na tila sa de-takong na sapatos. Lumingon akong sandali at nakita ko ang isang sopistikadang babae. Nakataas ang kanyang kilay at deretsong nakatingin sa akin.

The evil witch! The one who ruined my dream fairytale.

"Ano'ng ginagawa ng isang Reymundo sa event na ito? I saw what you did yesterday. You are too embarrassing! Parang wala kang pinag-aralan." Parang isang malakas na sampal ang sinabi niyang iyon. Hindi pa ba siya nakuntento sa pagsira niya sa relasyon namin ni Laurence? Hindi ba mauubos ang kasamaan niya sa katawan?

"Kung sabagay, you are a Reymundo. And once a Reymundo, always a Reymundo." Ngumisi pa siya sa akin habang umiiling. Ang sarap lang hilahin ng labi niya. Takte lang! Bakit naman pati pamilya ko ay gusto na rin niyang idamay? Ano ba talagang problema ng matandang ito?

"Ano ba'ng kailangan mo?"

"See? Ni wala kang paggalang. How can Laurence choose someone as low-classed as you, Reymundo?"

"Hindi ka naman kagalang-galang."

Pero humalakhak lamang siya. Ilang sandali pa ay sumeryoso siya at nawala na ang mga halakhak. Kumunot ang kanyang noo at seryosong tumitig sa akin.

"I'm just here to remind you, Reina, A Madrigal can never marry a Reymundo, you need to remember that." Pagkasabing pagkasabi niya noon ay tumalikod na siya at lumakad papalayo.

Parang kidlat naman na tumama sa akin ang mga binitawan niyang salita.

'A Madrigal can never marry a Reymundo, you need to remember that.'

• ♥•♥•♥•

GULONG gulo man ang utak ko ay pumunta pa rin ako sa pool area para i-meet si Laurence. Kung ano man ang ibig sabihin ng kanyang lola sa sinabi niyang iyon ay hindi ako magpapa-apekto. Ako ang may hawak ng buhay ko, ako ang masusunod.

Tatlumpung minuto na akong naghihintay pero walang Laurence na dumarating. Panay ang sipat ko sa aking relos, maging sa pintuan ng pool area. Thirty minutes pa lang naman, nagawa kong maghintay ng ilang buwan, madali lang ito.

Pero sa totoo lang ay kinakabahan na ako. Bakit pakiramdam ko ay hindi siya darating.

Lumipas ang isang oras, dalawa , tatlo. Lumalalim na ang gabi pero walang Rence na dumating. Nag-uunahan na ang mga luha ko sa pagbagsak. Ang kakarampot na pag-asa ay tuluyan nang nawala .

Ang sakit lang! Siya ang maysabi na magkikita kami ngayon! Pero wala! Wala siya! Hindi siya dumating! Binigo niya ako. Tuluyan na niya akong binitiwan.

Nagdesisyon na akong lumabas ng pool area at bumalik sa aking silid. Wala sa sariling tinahak ko ang daan, pero nahinto ako noong marinig ko ang boses niya... sa sobrang tagal naming magkasama ay nakabaon sa aking memorya ang boses niyang iyon.

"I am yours, Sea, isn't our wedding enough to prove it to you?"

Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko iyon. Si Laurence ang mundo ko at winasak na niya ito. Para saan ang matagal na panahon na paghihintay ko sa kanya? Nasaan ang pangako niyang siya ang brightest star ko? Nasaan ang liwanag?

Hilam ang mata ko sa luha nang tumakbo ako paalis doon, pagod na ako. Pagod na ang puso kong maghintay. Pagod na akong umasa. If a Madrigal can never marry a Reymundo then so be it!

I can no longer wait for you because waiting for you is like waiting to catch a falling star in the middle of a stormy night-- Impossible, disappointing and useless.

You made me fall for you, Laurence! But damn it! Why don't you catch me again?

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon