Eighteenth Star

3.5K 71 7
                                    


REINA


MATAPOS kong ilagay ang mga gamit ko sa kuwarto ay lumabas na ako para magpahangin. Nilakbay ko ang napakahabang pasilyo at tiningnan ang paligid. Napakaganda ng hotel na ito, kulay monochromatic white ang pintura ng dingding at ng bawat pinto. Bumaba ako sa hagdan at pinagmasdan ang mga taong abala sa paligid. Nakita ko rin ang ilang estudiyante na nakatambay sa may lounge. Pinagpatuloy ko ang pag-iikot hanggang sa napadpad ako sa nakabukas na pinto.

May nakapaskil doon na arrow na nagsasabing patungo iyon sa pool area. Dumeretso ako roon. I never expected that I would be here, I would be in Singapore.

Iginala ko ang aking mga mata habang tinatahak ang pathway patungo sa pool. May mga nakahilerang maliliit na palm trees sa may dingding na nakapalibot sa buong lugar. Sa may pool ay nakalinya ang mga puting outdoor umbrellas at deck chairs. Simple ngunit elegante ang disenyo nito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarinig ako ng musika. Sinundan ko ang direksiyon ng tunog. Sa pinakadulong bahagi ng pool ay mayroong lalaking nakaupo roon at nakalublob ang binti sa tubig. Nakapikit siya habang tinutugtog ang gitara.

'Rondell.'

Pinagmasdan ko lamang siya hanggang sa tumigil siya sa pagtugtog at tumunghay. Nahagip ako ng kanyang mga mata at bahagya siyang ngumiti. Sineniyasan niya ako na lumapit.

"Nandito ka pala."

"Nagpapahangin lang." Pinagpag niya ang sahig sa kanyang tabi. Umupo ako doon.

"Mabuti naman at nakasama ka," aniya at ngumiti.

"Yeah, si Iceberg kasi. May sira yata utak niyon, sinama pa ako dito," muli na namang nanumbalik ang inis ko kay Laurence. May mga pagkakataon talaga na hindi ko mapigilang mainis sa lalaking iyon.

"Paano mo nasabi? What's wrong with him?" Rondell asked with a straight face. Kanina sa airport ay ganito rin siya. May problema ba siya? Hindi ko siya tatanungin dahil ayokong maki-alam. Hindi ko ugali na manghimasok ng buhay ng ibang tao. Pero bakit kay Iceberg? Anak ng patis! Iceberg na naman! Si Laurence na naman!

"Hindi pa ba naman kapraningan ang mga pinaggagagawa niya ngayon? Bigla ba naman akong isinama dito."

"Laurence is a nice person. He's just..." inilapag ni Rondell ang kanyang gitara at yumuko. Nagtampisaw din siya sa tubig. "lonely."

Nanahimik ako, hinintay ko na lamang ang sunod niyang sasabihin. Ayokong magtanong dahil alam ko naman ang dahilan... and for some reasons, gusto ko itong malaman mula sa kanilang point of view, ano nga bang iniisip ng Royal Astra sa kanya, lalo ni si Rondell dahil sa mag-best friend sila?

"Laurence... we used to have this, "you and me against all odds" kind of thing. We believed that we can conquer everything as long as we have each other. Sabay kaming lumaki, lahat kami sa Royal Astra. Best friends kami ni Rence pero habang lumalaki kami, things began to change. After what happened few years ago, he became distant. He's always with R. A. but there are times that he is there but he isn't there at all. He's somewhere else." Huminga siya ng malalim at umiling. Hindi na lamang ako nagsalita pa. Alam ko na ang mga bagay na iyon at sa tingin ko, dapat ay may gawin ako para sa kanila. Mula noong malaman ko ang lahat, kahit na hindi ako dapat maki-alam— pakiramdam ko ay kasali na rin ako dito. Ano ba ang dapat kong gawin para maibalik ang dati?

"Anyway, ang field trip ay school activity kaya dapat lahat ay nandito," pag-iiba niya ng topic. Tumango na lamang ako para sumang-ayon. Naglalakbay sa ibang planeta ang isip ko. "Rei, I was supposed to register you for it and then I found out he had already paid for it." Ano? Tinapunan ko siya ng tingin, para siyang alien sa mga mata ko.

"Naunahan na pala ako ni Laurence, sayang."

"Pati ba naman ikaw ay balak akong gulatin nang ganito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Siguro ito iyong isang bagay na magkapareho kayo niyong taong yelo, magkaibigan nga kayo."

"Magkaiba kami ni Laurence, magkaibang magkaiba pero siguro nga may mga bagay na masasabi kong magkaparehas kami."

"Ewan ko sa inyo!" umirap ako sa kawalan. Humalakhak lamang siya. Kainis!

"Here..." inabot niya sa akin ang gitara. Aanuhin ko iyan? "Try it."

"Eh, hindi ko pa naman gamay ang paggamit niyan, ah."

"Exactly, tumugtog ka na para makabisado mo, ganoon talaga sa simula, dahan-dahan lang, hinay-hinay lang."

"Sabi ko nga!" Kinuha ko na iyong gitara.

"Pasensiya na kung sintunado ang tugtog." Humalakhak lang siya sa sinabi ko.

"Okay lang 'yon, if you feel that the best result will come in the end, then everything is worth waiting. You should at least give it a try."

"Well, gaya nga ng nasabi ko dati, whatever it is, I am willing to learn."

Tama siya. Hindi puwedeng madaliin na lamang ang mga bagay bagay. Minsan ay kailangan talagang maghintay. And maybe I should give it a try. I will help Laurence find his way back.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon