Thirty second Star

3K 62 5
                                    

LAURENCE

NANDITO ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Reina, hinihintay ko siyang lumabas. Nag-eempake para siya ng mga gamit niya.

Hindi ako makapaniwala na nasabi ko iyon sa kanya kagabi. Mahal na mahal ko siya at hindi ko talaga siya pakakawalan.

"Laurence Madrigal, panindigan mo sana iyong sinabi mo kagabi dahil kapag nagawa mo iyon ay hindi talaga ako mawawala sa iyo. Paano ba iyan, Iceberg, mahal din kita."

Kakatok na sana ako sa pinto nang bigla akong napatigil. Teka, tama ba iyong narinig ko? Ang lakas talaga ng boses niya, kahit dito sa labas ay dinig ko. Ibig sabihin ay hindi talaga siya tulog kagabi? Ibig sabihin ay narinig niya lahat ng sinabi ko? Ibig sabihin ay mahal niya rin ako?

Napangiti na lang ako. Now that I heard it from her, I have more reasons to pursue her. At bubuo kami ng pamilya na hindi tulad ng kinalakihan namin.

"Blue Rose, matagal ka pa ba d'yan? Tatanghaliin na tayo sa byahe."

"Oo na, nandyan na."

I can't wait to see her again and hold her hand, hold my rose's hand.


REINA

BACK to normal na ang lahat, ngayong araw na ito ang launching ng exhibit ng mga estudiyante mula sa Visual Arts Society, isa sa mga organizations dito sa school pero ang pinaka pinipilahan ay ang gallery kung nasaan ang exhibit ni Laurence. Siguradong lahat sila ay curious kung ano ang laman ng gallery na iyon.

February ngayon and it is considered the love month. Romance ang theme ng exhibit at sigurado akong excited ang lahat na makita ang ipepresent ng isang King Laurence Madrigal, the man made of ice. This was something that was really out of the character that he let other other people see. Ngayon ay makikita nila ang isang bahagi ni Laurence, the romantic side of him.

Nang mag-break time ay nagpasiya muna akong dumaan sa gallery. Maraming babae ang nandoon. May iba pa na tumitili at tila naiihi sa kilig. Napa-iling na lang ako.

Nang pagkapasok ko pa lamang ay kaagad na akong napahinto. One photo caught my attention, nasa bandang entrance ito at kung ikukumpara sa lahat ng larawan na nandito ay iyon ang pinakamalaki. It is a photo of a blue rose na nasa pampang.

Kung paano niya nakuhanan iyong ng litrato ay hindi ko alam. Buong linggo kaming magkasama pero hindi ko iyon napansin. Nilapitan ko na lang iyon at binasa ang nakasulat.

I don't what love is or how it feels

I don't know what love does or how it goes

I don't know how to love and I thought I will never learn

But I did, I did learn to love

Because my rose has taught me how.

-My Rose by Ice

Para akong nayanig sa aking nabasa. Mabilis ang pintig ng dibdib ko. Binasa ko pa ng ilang beses ang caption na iyon at bawat salita ay tumatagos sa aking sistema. Katulad ito ng linyang sinulat ko noon. Paanong nangyari na ito ang caption ng photo na ito?

"Well, well, well, look who's here..." sabi ng isang pamilyar ng boses, si Roxette Garcia, iyong tinatawag ni Bessy na babaeng kawayan.

"You know what, miss low-life, hindi ka na dapat nagpunta pa rito, dapat ina-asikaso mo na lang iyong project mo. You are just wasting your time here dahil kung inaakala mo na iyong presence mo rito ang magiging daan para magustuhan ka ni Laurence, nagkakamali ka."

"Waste of time? Hindi rin." I laughed sardonically. "Hindi kawalan sa akin ang pagpunta rito, malay mo baka may makuha pa akong idea para sa project ko. And one more thingabout Laurence, huwag kang mag-alala, girl, hindi naman talaga ang presence ko ang kailangan para magustuhan niya ako, parang ikaw lang, hindi mahalaga ang presence mo palagi para mapansin ka niya," I flipped my hair and smirked at her.

Simula noong makilala ko si Laurence, mas naging vocal ako. Naging mas madali para sa akin ang ipahayag ang laman ng isip ko.

"You know what, I'm glad that you are here." Biglang sumulpot si Laurence sa likod ni kawayan kasama sina Valerie at iba pang Royal Astra.

"Talaga, Laurence!" humarap si Roxette kay Laurence at nagpacute. Kumikinang pa ang kanyang mga mata. Napapailing na lang ako.

"Hindi ikaw, assuming ka naman masiyado," sabi ng bessy ko. Inirapan pa niya si Roxette na gumanti rin ng irap. Pinagtaasan pa ako nito ng kilay.

"Tara na, itotour ko kayo rito sa gallery," ani Laurence at nagsimula na kaming maglakad at maglibot. Napangisi na lang ako nang maramdaman ko ang masamang titig sa akin ni Roxette. Akala niya, ha!

Lahat ng pictures dito ay pamilyar, alam ko noong kinuhanan niya ang mga ito pero iyong nasa may entrance talaga ang hindi pamilyar sa akin.

"Pati pala ito ay isinama mo," sabi ko habang nakaturo sa picture ng dalawang bata na naggagawa ng sand castle. Nakahinto kaming lahat sa parteng ito ng gallery.

"Bakit? Pangit ba? Tatanggalin ko iyan kung ayaw mo."

"Sira ulo ka talaga, ang cute kaya. Pero mayroon pang isa, iyong dalawang batang kumakain ng ice cream na magkaholding hands."

"Ah. iyon ba? Nandoon iyon sa kabilang part ng gallery. Puntahan natin kung gusto mong nakita."

"Huwag na, nakita ko na naman iyon, sinisigurado ko lang na nakadisplay, ang cute kasi noon."

Para kasing tayo lang dalawa, kumakain ng ice cream habang magkaholding hands.

"Ano'ng nangyayari?" narinig kong bulong ni bessy. Dama ko rin ang titig niya sa akin.

And looking at everyone who came to tour with us, halatang nagtataka sila kasi nagkakaintindihan kami ni Laurence tungkol sa mga picture. Tinapunan ako ni Bessy ng mapag-akusang tingin. Mukhang marami akong ipapaliwanag kay Valerie pero saka na iyon.

Matapos maglibot sa gallery, "After lunch ay speech ko na, bumalik kayo ulit dito para manood," ani Laurence. Tumango ang lahat at nagsimula ng magsipag-alisan. Naiwan kaming dalawa.

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya.

"Oo naman."

"Lahat ng ito nangyari nang dahil sa iyo." Kinikilig na naman ako.

"Ano ka ba? Hindi kaya. You have the talent, Iceberg. Remember, you are you with your camera?" nakangiting sagot ko.

"Pero salamat na rin dahil ikaw ang nasa tabi ko noong ginagawa ko ito."

"Ice, naman, ikaw nga itong dahilan kaya natapos ko itong novella na ito," Sabi ko at pinakita ko sa kanya iyong novella. It is a paperback mini book at ang cover ay isang babae na inaabot ang star. "Kung hindi dahil sa iyo ay baka wala pa akong nasusulat hanggang ngayon. Hindi ko na nga alam kung paano ka pa pasasalamatan sa dami na ng nagawa mo para sa akin."

"Ano ka ba, Blue Rose? Ikaw nga itong maraming nagawa para sa akin." Nakangiting sabi niya. pinagmasdan ko lang ang mukha niya. I could see a lot of emotions in his face and his sincerity. Napansin ko rin ang pagtulo ng kanyang luha. Mas nilapitan ko pa siya at gamit ang mga daliri ko ay pinawi ko ang mga luhang iyon.

"O, iyan tuloy, umiiyak ka na naman, kapag nakita iyan ng ibang estudyante, sige ka."

"Wala nang kaso sa akin iyon ngayon, hindi mahalaga ang tingin nila sa akin, mas mahalaga ang tingin mo sa akin kaysa sa kanila...kung ano ako para sa iyo."

"Ikaw talaga," humalakhak ako at hinampas siya sa braso para itago ang kilig na nararamdaman ko. Pero bigla niya akong niyakap at tuluyan nang bumigay ang puso ko.

"Thank you, Reina. Huwag kang mawawala mamaya, pakinggan mong mabuti ang speech ko."

"Oo naman, hindi ko talaga palalagpasin iyon. Pero, Rence, alas-dose na, gutom na ako."

Tumawa na naman siya. His voice is so good to hear. "You never fail to make me laugh, megaphone."

Megaphone, ha? Binatukan ko nga.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon