Sixth Star

4.4K 106 26
                                    

REINA


"HELLO, Daddy," bati ni Laurein pagkapasok ni Laurence sa kuwarto. Katatapos lang naming magsagot ng mga assignments.

"Time to sleep na, baby," malambing na wika ni Laurence at naglakad siya papalapit sa amin. Pinagmasdan ko siya, ibang iba ang kilos niya ngayon kaysa kanina. Lahat ng inis na nararamdaman ko kanina ay bigla na lamang nawala. Hindi naman pala siya kasing lamig at kasing tigas gaya ng inaakala ko. Nagawa pa niya akong patuluyin dito. He is having a different version of him right now.

"Nakasanayan na ni Laurein ang bedtime stories bago matulog." Umupo siya sa gilid ng kama at binuklat ang librong dala niya.

"Yehey! Beauty and The Beast ang dala ni daddy." Masiglang sabi ni Laurein.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Mommy..." lumipat ang tingin niya kay Laurence. "Daddy, Tara na po humiga."

Awtomatikong lumipad ang tingin ko kay Laurence. Tinanguan lamang niya ako at humiga na siya. Sumunod naman si Laurein at hinatak ako dahilan upang lumapat ang likod ko sa kama.

Tumagilid ako para panoorin si Laurein habang nakikinig ng kuwento pero tumagilid din si Laurence dahilan upang magkaharap kami. Saglit kaming nagkatitigan. Umiling lamang siya at nagpatuloy sa pagkukuwento. Nakangiti lang si Laurein habang nakikinig, mukhang nag-eenjoy din si Laurence sa ginagawa niya. Ang saya nilang tingnan.

Ako kaya? Kung buhay pa kaya si Daddy, magbabasa rin kaya siya ng bed time stories noong maliit pa ako? Masuwerte pa rin si Laurein kahit wala na ang tunay na mga magulang niya dahil mukhang hindi naman siya pinababayaan ni Laurence.

Hindi ko na namalayan ang pagdaan ng oras, nalaman ko lang na tapos na ang kuwento nang banggitin niya ang 'The End'.

"Time for bed na, baby ko, sige na, sleep na," ani Laurence at kinintalan niya ng halik sa noo si Laurein bago tumayo paalis ng kama.

"Wait lang po, Daddy." Tiningnan ako ni Laurein bago muling humarap kay Laurence. Bakit pakiramdam ko ay may—

"Puwede po bang i-kiss mo rin si Mommy?"

– binabalak ang batang ito.

Napabalikwas ako sa sinabi ni Laurein! Para akong binuhusan ng yelo. Dama ko ang pagbagsak ng tingin sa akin ni Laurence. Inis na lumingon ako sa kanya. Nagkatitigan kami— his glacial eyes bore onto mine. I flinched when I felt shivers run down my spine at hindi ko maitatanggi ang mabilis na mabilis na pagtibok ng puso ko.

Unti-unting naglakad si Laurence. Bawat hakbang ng kanyang paa ay kumakalabog ang dibdib ko. Nakakatitig pa rin siya sa akin at hindi ko mahinuha kung ano ang susunod niyang gagawin. Natutop ko na lamang ang aking labi, ano bang dapat kong gawin?

Tumingin siya sa gilid— sa direksiyon ng pinto. Lalabas na ba siya? Makakahinga na ba ako ng maluwag? Pero umiling lamang siya at nagpatuloy sa paghakbang.

Napasinghap ako nang magkalapit ang aming mukha. Naamoy ko ang mint sa kanyang hininga.

Kasunod noon ay ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung gaano katagal. Napapikit ako nang maramdaman ang kakaibang kuryenteng kumikiliti sa aking tiyan.

"Pagbigyan na lang natin ang bata, sakyan na lang natin ang kagustuhan niya, wala akong hindi gagawin para kay Laurein," bulong niya sa gilid ng tainga ko at nakiliti ako noong dumampi ang hininga niya sa balat ko.

But wait? Pagbigyan? Sakyan ang kagustuhan ng bata? Hindi ganoon kasimple iyon! Anak ng patis!

•♥•♥•♥•

MAAGA AKONG NAGISING. Umalis rin ako kaagad sa bahay ng mga Madrigal. Nagpaalam lang ako kay Tita Marianne, hindi ko na hinintay pa na lumabas ng kuwarto niya si Laurence. Nakakainis! Hindi ko pa rin makalimutan kung anong nangyari kagabi! Anak ng patis! First kiss ko iyon!

Tinitigan ko ang gate sa harap ko. Pilit kong inaalis sa isip ko kung paano nakuha ng isang taong yelong mukhang bangkay ang first kiss ko. Hindi ko pa rin matanggap! I have always dreamed that my first kiss will be magical and perfect pero nang dahil sa Iceberg na iyon ay gumuho na lang lahat!

Nang dahil sa nawawalang susi, nang dahil sa locked na gate ay napilitan akong makitulog. Nang dahil sa locked na gate ay nahalikan ako. I mentally shook my head, kailangang mawala sa isip ko ang mga nangyari.

Paano ko ba bubuksan ang gate na ito? Kanina pa ako rito pero wala akong ginawa kundi ang titigan ang padlock at alalahanin ang mga nangyari kagabi! Mataas ang gate maging ang bakod, hindi ko talaga kayang akyatin. May pasok pa ako ngayon, kahit naman college fest at walang klase ay importante ang attendance.

"Hindi ka makapapasok at aabutin ka nang magpakailanman kung tutunganga ka lang diyan." Wika ng lalaking nasa likuran ko. Kung kailan siya sumulpot dito ay hindi ko alam. Hindi na rin ako nagulat kung sino, pamilyar ang boses niya. Sino pa ba? Eh, 'di ang lalaking ayokong isipin pero pabalik-balik sa isipan ko. Ang lalaking naging una kong halik. Ang taong bangkay.

Kunot noong hinarap ko siya! I was about to spit fire, to ask him why he kissed me nang mapansin ko ang malaking batong hawak niya.

Saan niya nakuha iyon? Malamig ang mukhang lumapit siya sa gate. Ni hindi niya ako tiningan man lang. Mabuti naman dahil nag-iinit pa rin ang pisngi ko sa tuwing naaalala kong hinalikan niya ako!

Pinukpok niya ang padlock ng gate at nahulog ang sirang padlock sa sahig. Bibili na lang ako ng bago mamaya.

"Bilisan mo, male-late ka na," aniya at tumakbo ako papasok sa bahay.

Nasa front door na ako nang lingunin ko ang gate. Naroon pa rin siya.

"Thank you," mahina kong sabi pagkatapos ay tumalikod na siya at humakbang pabalik sa bahay nila.

For the second time around, he rescued me, my knight in a freezing cold face! Ano raw?

Yeah, he rescued me, may natuluyan ako kagabi at sinagot niya ang problema ko kung paano ako makakapasok sa bahay. But he still owed me much, something he could never pay back... my first kiss. 

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon