-Fourth Star-
REINA
MABILIS na lumipas ang mga araw. Naka-alis na rin si Mommy. Naiwan akong mag-isa sa bahay, hindi pa naman ako sanay na magkalayo kami.
Maaga rin akong pumasok sa university pero dahil college fest ay isang linggong walang klase. Kasama ko ang bago kong kaibigan na si Valerie habang namamasiyal sa loob ng campus at nagtitingin ng mga booths. Bawat department ay required magtayo ng mga booths ngayong festival, nakakatuwa dahil naipapakita ang creativity ng mga estudiyante.
Nilingon ko si Valerie, yakap niya ang kanyang sketchpad habang naglalakad kami. Madaling naging magaan ang loob ko sa kanya, madaldal siya at masayang kasama. Bukod doon, hindi niya pinapansin ang pagkakaiba ng estado ng buhay namin. Pinag-uusapan namin si Mommy nang biglang tumunog ang cellphone niya.
"Ay! Grabe naman, hinahanap na ako agad sa booth namin," nakalabing wika ni Valerie.
"O, sige, pumunta ka na roon, mamaya niyan ay sugurin pa ako ng kaklase mo dahil umalis ka nang dahil sa akin."
"Hindi naman. Ako nga 'tong sumunod sa iyo."
"Sige na, lakad na."
"Eh, paano ka?" tanong niya na may pag-aalala. Alam kasi niya na nalulungkot pa rin ako sa pag-alis ni Mommy.
"Hahanap na lang ako ng lungga ko." Pabirong tugon ko.
"Okay, bye. See you later." Nagbeso siya sa akin bago naglakad papalayo. Kumaway pa siya bago tuluyang mawala sa paningin ko.
Nang makaalis si Valerie ay nagpatuloy ako sa paglilibot nang biglang naalala ko ang green house. Sabi nila, ang green house ang pinakamaganda at pinakatahimik na bahagi ng university. Napapalibutan ito ng iba't ibang bulaklak at may aviary rin. Sa gitnang bahagi ay may man-made waterfalls kung saan may iba't ibang uri ng isda. May mga caballero tree sa gilid ng path ways na sa kasalukuyan ay hitik sa bulaklak na may iba't ibang kulay. Sa lilim ng bawat puno ay may bench, pero kahit maraming benches, sa damuhan pa rin ako naupo, sumandal ako sa isang puno at kumuha ng papel at ballpen.
Magsusulat na lamang ako ng tula. Isa ito sa mga bagay na gusto kong gawin lalo na kapag nabobore ako. Pampalipas oras kumbaga. I started scribbling pero pumapasok sa isip ko ang asungot na kasing lamig ng bangkay ang mukha. Bakit ko ba naiisip ang Iceberg na iyon? Nakakainis! Anak ng patis!
Inabot na ako ng ilang oras para sa isang tula, hindi naman ako ganito kabagal. Ni hindi ko man lang namalayan ang pagdaan ng oras. Nakakainis. Ginusumot ko lamang ang mga palpak na papel at p-in-agbabato sa kung saan saan.
"Hindi mo ba alam na bawal magkalat dito?" Tumunghay ako. Nakita ko ang isang pamilyar na lalaki na papalapit sa akin. Sapo niya ang kanyang pisngi. Oops! Natamaan pa yata siya ng gusot na papel sa mukha. Nakakahiya!
"A-e- lilinisin ko rin naman yan, eh..." nabubuhol ang dila kong tugon sa kanya. Yumuko na lang ako. Nakakahiya talaga!
Biglang umihip ang hangin at nagbagsakan ang mga bulaklak ng caballero katulad ng sa mga japanese anime kung saan bumabagsak ang bulaklak ng cherry blossoms. Natangay din ang tulang sinulat ko papunta sa lalaki. Tumunghay ako at nakita siyang binabasa iyon. "Maganda 'to ah, puno ng damdamin." Gitara ba 'yong dala niya? Siya siguro ang tumutugtog noong isang araw.
"Ah-eh- salamat." Nakakahiya na talaga! Natamaan na nga ng gusot na papel ang guwapo niyang mukha pero sinabi pa rin niya na maganda iyong nasulat ko.
"Mr. Rondell Ayala."
Pinulot ni Rondell ang mga nakakalat na papel at itinapon sa malapit na basurahan. "May basurahan dito sa greenhouse, doon mo itapon." Masungit niyang wika. Matapos niyang sabihin na maganda iyong sinulat ko ay bigla na lang siyang nagsungit. Eh, Siya na nga ang Royal Astra! Siya na nga ang isang Ayala! Ayala? Anak ng patis! Baka ipa-expel ako nito.
BINABASA MO ANG
My Miss Blue Rose (Royal Astra #01 and #1.5)
Teen Fiction"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng permanenteng tirahan ngunit higit pa pala roon ang makukuha niya. First, she met Laurence, ang taong k...