-Third Star-
-Reina-
DO YOU know how hard it is to fall but no one will catch you?
Or how harder it is to know that he wants to catch you but he can't?
He just can't.
That day, that very day, I fell but I wasn't caught by him. He didn't catch me, not because he doesn't want to. It's just that he couldn't because an evil witch cast a spell—NO, better call it a curse on my fairytale. She took away my prince, she took away my star, she took away my heart.
And here I am now, a damsel in distress, a withering rose that is waiting for my star to show up and bring the light back in me.
"How are you?" tanong ng lalaking katabi ko, nandito ako ngayon sa balcony ng bahay ko, nakatitig sa bahay sa tapat, sa bahay na dati ay masaya pero ngayon ay wala ng nakatira. Ang bahay na punong-puno ng maraming ala-ala.
Nilingon ko siya nang hindi man lang ngumingiti, nalulungkot ako, nasasaktan, hindi ko inasahan na ganoon ang mangyayari, hindi ko inakalang mawawala pa siya sa akin.
"I'm sorry about what happened last month," sabi pa niya. Heto na naman, pinaalala na naman niya kung paano nasira ang dream story ko, kung paano gumuho ang mga pangarap ko. It's been a month. It's been a long month without him, without my light.
"You don't have to," walang ka-gana ganang sagot ko sa kanya. "Ron, alam nating lahat na hindi mo ginusto ang mga nangyari, pero, sana, kung may alam ka, please sabihin mo sa akin." Pagmamaka-awa ko. Muli na namang naglandas ang mga pasaway kong luha. Parang kinukusot ang puso ko sa sakit. Ayaw paawat.
"Rei," aniya habang pina-pat ang ulo ko. "You know that I am always here for you, kapag may problema ka, puwede mo akong sandalan at kung may mabalitaan man ako ay huwag kang mag-alala dahil sasabihin ko sa iyo agad. Pero sa ngayon ay wala talaga akong alam, maging si Earl ay tahimik lang din, wala akong mapiga sa kanya."
"Ron ang sakit... ang sakit sakit." Hindi ko na napigilan ang tuluyang pagdaloy ng mga luha ko, isang buwan na akong ganito, wala na akong ginawa kung hindi ang umiyak lang nang umiyak at sa tuwing umiiyak ako ay nasa tabi ko si Rondell, hindi niya ako iniiwan. Pero hindi si Rondell ang kailangan ko. Hindi siya ang magpapawala ng mga luhang ito.
Napahagulhol na ako, niyakap naman ako ni Rondell. I buried my face on his chest. "Miss na miss ko na si Rence, nasaan ba kasi s'ya? Bakit hindi siya gumawa ng paraan na makontak ako? Kumusta na ba siya? Ano na ba'ng lagay n'ya ngayon? Ron, sobrang nag-aalala na ako. Hindi ko alam kung okay ba siya o ano." I said between sobs and sniffs.
"I'm sorry, Reina, pero wala rin talaga akong alam, kahit pa best friend ko siya," sagot ni Rondell. I clutched on him tighter, pakiramdam ko ay hinang hina na ako, pinanghihinaan na ako ng loob, nawawalan na ako ng pag-asa na magiging happy-ever-after ang kuwento namin ni Laurence. Bakit kasi nangyari pa iyon? Bakit kailangan pang ilayo siya sa akin? Bakit?
I closed my eyes at muling bumalik sa akin ang lahat.
BINABASA MO ANG
My Miss Blue Rose (Royal Astra #01 and #1.5)
Fiksi Remaja"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng permanenteng tirahan ngunit higit pa pala roon ang makukuha niya. First, she met Laurence, ang taong k...