NAGISING ako sa mainit na pakiramdam na bumalot sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang brasong nakapulupot sa akin. Hinawi ko iyon at dahan-dahang bumangon. Pinagmasdan ko ang lalaking katabi ko. Kahit sa pagtulog ay mukha siyang nahihirapan.
Inalis ko ang aking tingin sa kanya. Naguguluhan ako. Iginala ko ang aking paningin. Mula sa bukas na bintana ay nakita kong madilim na sa labas. Nandito kami ngayon sa kanyang Secret Haven. Sa isang bahay na hindi pa tapos ang pagkakayari. Wala pang mga bintana at kulang pa rin ng ibang parte. Muli kong inalala kung paano kami napadpad dito. Basta na lamang niya akong hinatak mula sa opisina at binitbit dito. Mayroon pa naman akong meeting kanina! Anak ng patis!
Dali-dali kong hinanap ang aking bag... nakapatay ang aking cellphone nang tingnan ko iyon. Muli kong nilingon si Laurence na tahimik pa ring natutulog. Lumakad ako pabalik sa sofa bed at naupo sa gilid niyon. Pinagmasdan ko siya.
Hindi ko na maalala kung kailan ko siya huling nakitang natutulog. Parang napakatagal na niyon. Pinanood ko lamang siya at pinakinggan ang kanyang mabibigat na paghinga. Sigurado ako na maging siya ay labis na nahihirapan pero hindi siya napapagod.
Pero pagod na ako at ayoko na'ng masaktan. Natatakot ako na kapag nagtiwala na naman ako ay mabali lang ang lahat ng iyon at muli akong masaktan. Hindi pa ako tuluyang nakakabangon ay babagsak na naman ako.
Binuhay ko ang aking cellphone, sunod-sunod ang ingay na likha nito dahil sa pagdating ng mga mensahe. Hindi ko na nagawa pang basahin iyon nang maramdaman ko ang paggalaw ng sofa bed at nakita ang pagmulat ng mga mata ni Laurence. Kumunot ang kanyang noo.
"Aalis ka na naman ba? Dito ka lang muna, kahit ngayong gabi lang. Kalimutan muna natin ang lahat. Tayo na lang muna ang isipin natin."
Umiling ako at maging ako ay hindi alam kung para saan ang pag-iling na iyon. Sagot ba iyon sa tanong kung aalis ako. O para sabihing ayokong manatili?
Bumangon siya at hinawakan ang aking kamay. Tinitigan ko lang ang magkahugpong naming daliri. Tila may pamilyar na pakiramdam na kumikiliti sa akin. Inalis ko ang aking tingin doon. Sinubukan kong hawiin ang kanyang kamay. Umiling lang siya.
"Hindi mo kailangang matakot, however we have to face this, gaano man kabagal,nandito lang ako, hindi ako mawawala."
Pero nawala ka na noon, posibleng mawala ka ulit!
Gusto ko sana iyong sabihin. Pero hinayaan ko na lang iyon na manatili sa isip ko. For once, I just want to feel numb. I don't want to worry about anything. I just want to be... I don't know what I want to be.
Gumapang ang isa niyang kamay sa aking baywang at kinabig ako. Nagkabangga ang aming dibdib.
"I miss you so bad," aniya. "I damn miss you, I can't stop myself." At naramdaman ko na lamang ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Ang pag-angkin niya rito. Napapikit ako nang mariin at hinayaan lamang siya.
At tila may biglang nabuhay sa aking sistema... ang damdaming pilit kong itinago at ayokong maramdaman... nararamdaman ko na naman.
"I miss you so, so bad. I can't stop, Reina..." mahina niyang bulong at hinalikan ang sulok ng ibaba kong labi. Dama ko ang panginginig ng kamay niyang nakakapit sa aking baywang.
"Then don't," tila wala sa sarili kong sabi. At bumigay na lamang ako sa aking nararamdaman. Muli niyang inangkin ang aking labi. Mas malalim. Mas mainit. Nakakahumaling. Tuluyan na akong tinakasan ng aking inhibisyon.
This is wrong. Everything about this is wrong. Pero dahil sa dinami-rami ng mali sa buhay ko, may isang bahagi sa isipan ko na nagsasabi na tama ito. Na dapat hayaan ko lamang ang sarili ko na sumuko.
"I love you. I love you. I love you," paulit-ulit niyang sabi, hindi ko na nagawa pang tumugon dahil hinahalikan niya akong muli.
"Namimiss ko na ang I love you mo," aniya at muli akong hinalikan. Ibinalik ko ang halik na iyon, marahil nga'y sumasabay na naman ako sa agos. Tuluyan na akong nagpatangay. Pinagsiklop ko ang aking kamay sa likod ng kanyang batok. Dama ko ang naglalagitikang kuryente na sumabog at gumagapang ngayon sa buo kong sistema. Dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso ko.
Napasinghap ako nang maramdaman ang kamay niyang gumapang mula sa aking baywang patungo sa ilalim ng suot kong blouse. Hindi ko magawang magprotesta dahil nadadala ako ng init na hatid ng kanyang mga halik. Patuloy na naglakbay ang kanyang mga kamay pataas hanggang sa aking dibdib. Hindi ko siya nagawang pigilan.
Wala sa sariling napaungol ako habang naglalaro ang kanyang kamay. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito, sa loob ng apat na taon naming relasyon ay may mga pagkakataon na muntik na'ng may mangyari sa amin, na muntik ko na'ng i-alay ang sarili ko... pero sa huli ay nagagawa naming magpigil.
Pero ngayon, tila ba ayoko na'ng pigilan pa ito dahil namamayani sa puso ko ang pagmamahal ko sa kanya. Habang inaalalagaan ko ang lahat ng galit at hinanakit sa puso ko ay inaalagaan ko rin pala ang katotohanan na kahit ano'ng mangyari ay siya pa rin ang mahal ko.
"Rei...na," tila nahihirapan niyang bulong nang bumaba ang kanyang mga labi sa aking leeg, saglit na isinubsob niya ang kanyang mukha doon. Nagwawala ang mga paru-paro sa aking sikmura. Nagsasayaw sila at paikot-ikot.
"Laurence... don't... stop," halos nabubuhol na ang dila ko nang sabihin ko iyon. Nagsimula na siya muling gumalaw. Isa-isa niyang inalis ang mga butones ng aking damit. Nangangatal ang kanyang mga daliri, mabilis ang pagkalas niya sa butones at tila nagmamadali. Naglakbay ang kanyang mga halik, pababa nang pababa hanggang sa aking dibdib.
Sa pagkakataong ito, wala na akong balak na pigilan pa ang aking sarili dahil marahil ito na ang huling beses na puwede ko siyang makita. Ngayon ay hahayaan ko lang ang sarili ko na iparamdam sa kanya na mahal ko pa rin siya, kahit sa huling pagkakataon.
Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng aking likod sa sofa bed. Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Those pair of gray eyes. Kitang kita ko ang sari-saring emosyon na nandoon.... All his love, longing and want.
"I love you," mahina kong bulong. Napangiti siya sa aking sinabi at muli ay hinalikan ako. Tinugunan ko ang mga halik niya.
Pumikit na lamang ako at humiling na sana ay huwag na'ng matapos ang gabing ito.
BINABASA MO ANG
My Miss Blue Rose (Royal Astra #01 and #1.5)
Teen Fiction"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng permanenteng tirahan ngunit higit pa pala roon ang makukuha niya. First, she met Laurence, ang taong k...