REINA
WALA akong nagawa buong magdamag kundi ang isipin ang mga sinabi sa akin ni Rondell at ang mga bagay na gusto kong gawin. Hindi ko alam kung paano magsisimula at siguradong mahihirapan ako. Hindi ko alam kung bakit gusto ko itong gawin, ang pakiramdam ko lang ay kailangan ko.
"Meet me at the lobby." Basa ko sa text na ipinadala ni Rondell. Bumangon ako at tiningnan ang oras. Siguradong hindi pa sumisikat ang araw. Tumayo na ako, naligo at nagpalit ng damit. Hindi ko alam kung anong balak niyang gawin ngayon.
Natagpuan ko siya sa lobby. Nakahalukipkip habang nakasandal sa dingding. Suot ang isang itim na bomber jacket at jeans. Pinagmasdan ko siya, katulad ng ibang miyembro ng Royal Astra ay guwapo rin siya. He is tall and tan-skinned. And he has such a sweet smile. No wonder, maraming babae sa A. U. ang gusto siya plus the fact na isa siyang Ayala. At maraming babae rin ang gustong sabunutan ako sa tuwing nakikita kaming magkasama.
"Tara na," aniya nang magtagpo ang aming mga mata. Lumapit siya sa akin.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Malalaman mo mamaya."
Nagkibit-balikat na lamang ako at sinundan si Rondell kung saan niya balak pumunta. Kung ano-anong kinukuwento niya sa akin tungkol sa mga bagay na mayroon dito sa Singapore. Pero iba ang iniisip ko, nakita ko kasi si Laurence kanina bago kami lumabas ng hotel, kausap niya sina Earl, Charles at Rodge. Mabuti na lamang at nakatalikod siya sa akin at hindi ako napansin. Kasama ko si Rondell ngayon, dapat ay kasama niya ang Royal Astra.
"Bakit mukhang distracted ka?"
"Si Laurence kasi, eh. I mean... wala... hindi naman ako distracted, ah." Umiling na lang ako. Kung puwede ko lang batukan ang sarili ko ngayon. Praning ka, Reina! Ayusin mo ang isip mo!
•♥•♥•♥•
"NANDITO NA TAYO," ani Rondell na nagpabalik sa aking ulirat. Nasa tapat na pala kami ng gate ng Botanic Gardens. Kulay abo ito at kamangha-mangha ang disenyo nito na sanga-sangang dahon. Tumuloy kami sa loob, nagbayad si Rondell ng entrance fee para sa aming dalawa at nagsimula na kaming mamasiyal.
Hindi maalis ang paghanga ko sa bawat atraksiyon dahil sa kakaibang ganda ng mga ito. Para akong nasa isang paraiso.
"I've been here before, this is one of my favorite place kaya kita dinala dito."
"Bakit?"
Ngumiti lang siya sa akin. "You'll find out," Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod ako.
"Welcome to Symphony Lake," aniya nang pumasok kami sa isa sa mga gardens. Malawak ang lugar at mayroong isang malaking stage na nakatayo sa gitna ng isang man-made islet. May symphony orchestra na tumutugtog doon. Ang Botanic Gardens marahil ang inspirasiyon niya kung bakit may greenhouse sa Ayala University.
Nakatayo lang kami sa may 'di kalayuan at pinanood ang performance. Ngayon ay "Flight of the Bumblebee" ang tinutugtog.
"This is my place, my haven... somewhere where I belong," ani Rondell. That reminds me of Laurence's secret haven. "Rei, you need to know that somewhere, there is a happy place like this."
Happiness? When and where was one truly happy?
"Eh, 'di dapat naging fairy na lang ako para palagi kong nakikita ang masayang lugar na tulad dito, parang isang paraiso. Maraming bulaklak na parang palaging nakangiti sa iyo. Siguro nga ay mas mabuti iyon kaysa mag-isa lang ako, hindi ako malulungkot. Pero heto, blue rose pa rin ang isang gaya ko. Marami ngang taong nakapaligid sa akin pero...."
BINABASA MO ANG
My Miss Blue Rose (Royal Astra #01 and #1.5)
Fiksi Remaja"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng permanenteng tirahan ngunit higit pa pala roon ang makukuha niya. First, she met Laurence, ang taong k...