REINA
KUNG SAAN-SAAN pa kami nakarating. Nanood kami ng sine, naglaro sa isang sikat na palaruan na madalas makita sa mga malls at sa huli ay nag-shopping. Habang namamasiyal ay pinagtitinginan kami ng mga tao, may iba pa na napagkamalan kami na isang pamilya dahil sa paraan ng pagtawag sa amin ni Laurein. Yeah, we're like a family. Siya ang asawa ko? No way!
Umiling na lang ako at inalis ang ideyang iyon sa utak ko. Hindi maganda sa pakiramdam ang ideyang iyon. Nakakakilabot!
Gabi na rin nang matapos ang pamamasiyal namin, ayaw pa ngang umuwi ni Laurein pero late na at sa totoo lang ay gusto ko na ring magpahinga.
Nasa biyahe na kami ngayon, nakakandong sa akin ang natutulog na si Laurein. Si Laurence naman ay tahimik lang na nagmamaneho. Paminsan-misan ay sinusulyapan ko siya. Ibang iba ang kilos niya kanina. Ilang beses ko siyang nahuli na parang wala sa sarili, malayo ang kanyang tingin at parang may malalim na iniisip. May mga pagkakataon na kumukunot ang kanyang noo, pipikit siya nang mariin at mabilis na iiling. 'Ano kaya ang tumatakbo sa isip niya?' May mga sandali rin na nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. Magbubuntong hininga lang siya at saka ibabalik ang malamig na ekspresiyon sa kanyang mukha. Napa-puzzle na ako sa isang ito.
Sa pagdaan ng oras ay iba-ibang bahagi ni Laurence ang nakikita ko.Hindi ko ugali na maki-usisa sa buhay nang may buhay pero noong makilala ko si Laurence at ang pamilya niya ay parang unti-unting nababago ang nakasanayan ko dahil lang sa naku-curious ako. Oo, naku-curious ako sa kanya, nahihiwagaan ako kung bakit si "Iceberg" ang ihinaharap niya sa ibang tao. Pero ngayon ay natatakot ako na mas makilala ko pa siya. Natatakot ako na may makita pang iba. Kung bakit ay hindi ko alam.
Hindi ko na namalayan ang oras. Nalaman ko na lang na nakauwi na kami noong ihinto ni Laurence ang sasakyan. Sinipat ko ang aking relos. Pasado alas-nuebe na pala.
"Pasensiya na dahil ginabi ka." Mahinang wika ni Laurence saka pinatay ang engine. Lumabas din siya kaagad ng kotse. Now, paano ako lalabas? Nakakandong sa akin si Laurein, 'di ba?
"Mommy," humihikab na wika ni Laurein. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at naglinga sa paligid. "Nandito na po pala tayo sa bahay. Bukas ka na umuwi, doon tayo sa room ko, tayong tatlo."
Hindi ko na nagawa pang sumagot nang buksan ni Laurence ang pinto at kinuha sa akin si Laurein. Binuhat niya ito.
Lumabas din ako kaagad. Tiningnan ko si Laurence, pilit kong inaaninag sa dilim ang ekspresiyon ng mukha niya, ang reaksiyon niya sa sinabi ni Laurein pero wala akong napala dahil mabilis din siyang tumalikod.
"Let's go," aniya at nagsimula nang maglakad papasok sa bahay. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Stupid, Reina!Puwede ka namang humindi! Anak ng patis!
•♥•♥•♥•
HINDI ako dalawin ng antok. Kanina pa ako dito sa kuwarto ni Laurein. Mahimbing siyang natutulog samantalang ako ay gising na gising pa rin. Si Laurence naman ay hindi ko alam kung saang bahagi ng mansiyon naroon at wala akong balak alamin.
Bumangon ako at lumabas na lang muna para magpahangin. Tahimik na ang buong kabahayan. Nakapatay na rin ang mga ilaw. Tinahak ko na lang ang pasilyo hanggang sa may makita akong liwanag mula sa nakabukas na pinto. Pinuntahan ko iyon at natagpuan doon si Laurence. Mag-isa siyang nakaupo sa may balustre, mayroong mesa sa tabi niya na may nakapatong na tasa at tea pot. Iginala ko ang aking paningin. Maganda ang kanilang balcony. Mula rito ay tanaw ang balkonahe sa aking kuwarto.
Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin pero dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya. Mukhang malalim na naman ang iniisip niya.
"Puwede bang makiupo? Hindi kasi ako makatulog. Iyon ay kung okay lang sa iyo."
"O, sige." Matipid niyang sagot. Umupo naman ako sa tapat niya.
Tumayo siya, lalayasan ba ako nito? Ang sama ng ugali! Pero mali ako, pumunta lamang siya sa may maliit na drawer dito sa balcony at kumuha ng tasa. Bumalik siya at muling umupo. Binuhusan niya ang tasa at inabot sa akin.
"Salamat," tumango siya at bumuntong hininga bago tumingin sa langit.
"Pasensiya ka na nga pala kay Laurein saka salamat na rin dahil tinutupad mo ang mga hiling niya."
"Wala iyon," tumingala na rin ako. Nagliliwanag ang mga bituin sa kalangitan. "Ayoko naman na biguin siya lalo na kung iyon ang magpapasaya sa kanya. Bata pa siya and she deserves to enjoy her childhood."
Umihip ang malamig na hangin. Hindi ko naiwasang lingunin si Laurence. Ang salitang 'malamig', siya kaagad ang naaalala ko.
"Ganiyan ka ba talaga?" Anong pinagsasabi ko?
"Anong ibig mong sabihin?" malamig at matigas niyang tanong. Anak ng patis, Reina! Umayos ka nga!
"Iyong ganiyan," muli akong tumingin sa taas. "Bakit wala man lang emosiyon ang mukha mo? Bakit ang lamig- lamig mo sa harap ng ibang tao? Pero pagdating kay Laurein ay ngumingiti ka naman." Bahagya akong humalakhak. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na ito, sa tsaa ba? "Pero, ako lang yata ang nakakahalata at nakakapansin na peke naman ang mga ngiti mong iyon. Hindi naman sa naghihimasok ako pero..." 'Okay! Panghihimasok na itong ginagawa ko.' "Hindi kasi tama iyon. Paano kung malaman ni Laurein na peke ang mga ngiti mo? Masasaktan siya for sure at iisipin niya na niloloko mo lang siya."
Bakit ako ganito? Bakit ako affected? Siguro sa sandaling panahon ay napamahal na sa akin si Laurein. Hindi ako sinagot ni Laurence. Hinayaan niya akong magpatuloy.
"Ano nga naman palang malay mo roon. Ni hindi mo nga alam ang ibig sabihin ng sakit at saya. You have such a cold face na para ba'ng bangkay, walang emosiyon, walang buhay. You even probably have a cold heart. But..."
I inhaled deeply. Pakiramdam ko ay sumisikip ang dibdib ko dahil sa mga sinasabi ko.
"But then, as days go by, I began to realize that you are just hiding, that you are not the cold-hearted man I came to believe... that you have reasons you kept inside you— you have reasons to act like an ice... you are shutting your real self out."
"The exhibit— there were a lot of emotions shown among those photographs, a lot of sadness and pain— the pain that the artist felt but could not express in his own words and actions... in his own face."
What is happening to me? Pakiramdam ko pati ako ay nasasaktan. Tumayo na ako. Ang dami ko nang nasabi. Ayoko nang malaman pa ang magiging reaksiyon ni Laurence. Pero mas natatakot ako na after all that I have said and done, still, he would remain cold.
"Okay, you don't need to react. It was just my petty opinion. Just forget about it, sorry na rin. Sige maiwan na kita."
Reina! Praning ka! Anak ng patis! Sigaw ng aking isipan. Umiling-iling ako at humakbang na palayo. Ang bigat ng mga paa ko at mabigat din ang pakiramdam ko. Alam kong mali ang mga nasabi ko. No! Tama ang mga sinabi ko pero mali na nanghimasok ako. Buhay niya iyon, ano ba'ng pakialam ko?
"Nagkakamali ka noong sinabi mong hindi ko alam ang ibig sabihin ng sakit at saya. Pero, oo, tama ka. May mga dahilan ako. I don't want to feel pain anymore. I'm so sick and tired of being hurt. Sometimes, I wish I could just 'unfeel' it."
BINABASA MO ANG
My Miss Blue Rose (Royal Astra #01 and #1.5)
Jugendliteratur"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng permanenteng tirahan ngunit higit pa pala roon ang makukuha niya. First, she met Laurence, ang taong k...