Thirty Ninth Star

2.6K 51 1
                                    

REINA

"MABUTI naman at nakarating kayo rito" wika ni Earl pagkapasok niya sa silid na ito. Naupo naman sila ni Charles sa couch. Naglabas naman ng beer si Rodge mula sa fridge na nasa gawing kaliwa ng silid na ito.

"Okay lang naman sa akin iyong engagement, eh pero 'yong sabihin nila na buhay pa ang tatay ko na inakala kong patay sa loob ng mahabang panahon, iyon ang masakit. Sobrang sakit."

"Pera na lang ba ang nagpapa-ikot sa mundo? Naglihim sila nang ganoon katagal para sa kompaniya. Lintik na kompaniya iyan!" sigaw naman ni Rence, ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganito.

"Pinaglaruan nila kami, iyon ang masakit doon."

Minsan ang tadhana ay wala talagang magawang matino. Minsan ang inaakala mong happy ending ay isa palang tragedy. Minsan ang taong akala mong magpapasaya sa iyo ang siyang dahilan ng bawat luha mo. Kung sino pa iyong pinagkakatiwalaan mo, siya palang sasaksak sa iyo patalikod. Hindi ko akalain na gagawin iyon ng mga magulang namin. Nakakabobo.

♥♥♥

KASAMA ko si Laurence sa rooftop noong mapagdesisyunan ko na bumaba muna para mapag-isa, nagpaalam ako sa kanya at nangakong babalik kaagad dahil lumalalim na rin ang gabi.

I just found myself inside the greenhouse, doon mismo sa lugar kung saan ko unang naka-usap si Rondell. Narinig ko siyang kumakanta at naggigitara. Pinagmasdan ko lamang siya mula sa kinatatayuan ko. Ilang metro rin ang layo ko.

Nakita kong kinuha niya iyong wallet niya sa bulsa at nagulat ako noong makita ko ang picture ko. Alam kong gusto ako ni Rondell. Hindi naman ako ganoon ka-ignorante pero ang magkaroon ng picture sa wallet niya?

"Kung alam ko lang na magkakaganito, hindi ko na sana hinayaan pa na mahulog ang loob mo sa kanya. Kahit kailan ay hindi ko matuturuan ang puso mo na mahalin ako. Alam ko na kahit na ano'ng bagay ay willing kang matutunan pero siguro nga, you can never teach a heart to love someone else. Gusto kita, Reina pero hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa iyo, Rence is important to me, he is my best friend and to keep our friendship, ginawa ko ito kahit masakit."

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagulat sa mga sinabi niya.

Pasensiya na, you are Mr. Perfect, halos lahat na ay nasa iyo, mas una tayong naging malapit sa isa't isa pero walang spark kapag kasama kita. Hindi ko naramdaman sa iyo ang lahat ng naramdaman ko kay Laurence. Gusto rin kiya pero bilang kaibigan lang.

Nilapitan ko siya. Kunwari ay hindi ko narinig ang mga sinabi niya.

"Puwede bang maki-upo." Sabi ko. Nagulat naman siya noong makita ako.

"Sa kubo na lang tayo."

Tumango ako. Noong makarating kami sa kubo ay pina-upo niya muna ako pagkatapos pumitas siya ng isang puting rosas

"Ang ibig sabihin nito, I am not worthy of your love." Tumango lang ako. I'm not sure of what to say. Pagkatapos ay inispray-an niya ng flower paint iyong white rose, kulay asul iyon.

"Ngayon, ito na ang blue rose, artificial ang kulay, hindi totoo."

"Tulad ko, tama lang na tawagin akong miss blue rose kasi wala na akong mahanap na totoo pa sa buhay ko. My life was just a series of lies. Everything was just artificial. Gulong gulo na ako. Ngayon, hindi ko na alam kung sino pa ang pinatutunguhan ako ng tapat. Kung sino pa ang totoo sa akin. " Nagbagsakan na naman ang mga luha ko.

"Nandito lang ako para sa iyo, nandito kaming lahat, mananatili kaming totoo sa iyo." ani Rondell.

"Thanks, Ron."

Umaga na noong umalis kami sa greenhouse. Nakasalubong namin si Laurence.

"Reina! Saan ka ba galing? Kanina pa kitang hinahanap." Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Akala ko kung saan ka na napadpad."

"Sa green house lang, nagpalipas ng oras at para makapagisip na rin."

"Magkasama kayo ni Ron?"

"Oo, matagal na rin naman mula noong huli akong pumunta roon."

"At gaya ng dati, kapag ma problema ka ay doon ka pumupunta."

Bigla ay nag-iba ang tingin ni Laurence kay Rondell. Mapag-akusa ang mga tingin niya.

"Kaya pala lagi kayong magkasama." Wala sa mood na sabi niya.

"Don't get me wrong Laurence, alam ko ang iniisip mo. Magtiwala ka sana, I will always be here for the two of you."

"Tara na sa building, naghihintay sila roon." Muli ay hinatak ako ni Laurence. Hindi na ako nagprotesta. Nagpatangay na lamang ako.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon