-Reina-
NATAPOS ang conference na wala akong naintindihan, wala akong natutunan. Babalik na ako sa Maynila. Babalikan ko na ang dati kong buhay, babalik ako na hindi buo at siguradong hindi na mabubuo pa.
"Are you sure na ayaw mong ihatid kita sa inyo?" makailang ulit na tanong ni Rondell sa akin. Nilingon ko siya at tiningnan ng masama. Kumunot lang ang kanyang noo.
Mula noong insidente sa garden ay palagi siyang nakasunod sa akin, nandoon rin siya noong narinig ko si Laurence na sinasabi ang tungkol sa kasal.
Nakakainis lang! We have been engaged since we were kids pero mawawala na lang bigla nang dahil sa evil witch na iyon. Ang unfair!
"Rei, hindi ka masusundo ng driver, hindi ba? Ako na ang maghahatid sa iyo," pangungulit pa niya. Umiling na lamang ako saka siya tinalikuran.
Hila-hila ko ang aking maleta at huminto sa waiting shed para mag-abang ng taxi. Gaya nga ng sinabi ni Rondell ay hindi ako masusundo ng driver dahil may importanteng lakad. Magbibiyahe na lang ako pabalik sa Maynila.
"Rei, sabihin mo man o hindi, alam nating pareho na hindi ka okay. Kung magbibiyahe kang mag-isa, baka map'ano ka."
"I am fine, Ron. Ilang beses ko ba'ng sasabihin sa iyo na okay lang ako?" I practically shouted at him. I just can't contain it. Ang kulit-kulit niya.
"At puwede ba, kung uuwi ka ng Maynila ay umalis ka na. Huwag mo na akong hintayin, huwag ka na'ng maghintay pa sa isang bagay na ayaw naman magpahintay." Who says waiting is easy? It's damn frustrating!
"Rei..." nakita ko ang paglungkot ng mukha ni Rondell. But that won't melt the ice that I'm starting to build in my heart. I'm so done receiving pain. Nakakapagod masaktan.
"No, Rondell. No," umiiling kong sabi. Tumalikod na siya at humakbang palayo. Dama ko ang paghihirap na idinudulot ko sa kanya pero hindi niyon mapapantayan ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko.
Pinagmasdan ko lang ang likod niya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Para lang kaming mga tanga, parehong naghihintay sa wala.
"Bakit mo ipinagtabuyan si Rondell? He has always been there for you."
Kaagad akong kinilabutan nang marinig ko iyon. Parang ang yelong binabalot ko sa puso ko ay matutunaw na kaagad. Gusto ko siyang lingunin pero hindi ko magawa. Nagpe-play sa utak ko kung paano niya ako pinaghintay sa wala. Kung paano ako umasa na babalik siya sa akin. Pero mali ako, nahuli na ako. Wala na ang liwanag.
"What is it to you now? It is my decision. I can't just let him wait for me," maka-ilang ulit akong kumurap para pigilan ang naka-ambang luha. Ngayong nasa likuran ko lang si Laurence ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin o gawin o kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
"Why don't you want him to wait for you?" Malamig pa rin niyang tanong.
"Dahil masasaktan lang siya. Masakit ang maghintay sa wala. Ang umasa." My voice almost cracked. Lumunok ako ng ilang ulit. Parang may kung anong nagbabara sa lalamunan ko.
BINABASA MO ANG
My Miss Blue Rose (Royal Astra #01 and #1.5)
Genç Kurgu"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng permanenteng tirahan ngunit higit pa pala roon ang makukuha niya. First, she met Laurence, ang taong k...