-Reina-
NOONG makarating ako sa ground floor ay kaagad kong namataan si Laurence na naka-upo sa lobby. Mukhang naka-alis na si Rondell at iyong babaeng kasama nito.
Saglit akong huminto sa paglalakad at pinagmasdan lamang siya. He still wore that dishelved look. Magulo pa rin ang kanyang buhok. Nakayuko lamang siya at tila malalim ang iniisip. Kanina ay nag-usap sila ni Rondell. Ano kayang pinag-usapan nila?
Huminga ako nang malalim at umiling. I should not bother asking about it. May bagay akong dapat asikasuhin.
Muli akong huminga nang malalim at lumakad na palapit sa kanya.
"Bring me to her." Gulat na tumunghay at tumayo si Laurence. Sinalubong niya ang titig ko.
"Her?"
"Dalhin mo ako sa lola mo."
"You don't know what you're getting yourself into," nanlalaki ang mga matang sigaw niya. Tinitigan niya pa ako na para ba'ng nababaliw na ako.
"Will it still matter? I don't even know where I'm already in. And I freaking want to know what these things are all about. Gusto kong matapos na ang lahat ng ito. Gusto ko nang mapayapa. I want to go back to my normal life."
Tinalikuran ko na. Nagmartsa ako papunta sa sliding door. Kung ayaw niya akong samahan, ako na lang mismo ang pupunta. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag. I looked for Earl's number.
"Where's the evil witch?"
"What the fuck, Reina?! Ano'ng evil witch ang sinasabi mo?" sigaw niya sa akin. Pero dama ko ang pangangatal sa boses niya.
"Huwag mo na akong paikutin, Earl Joshua Madrigal," ganting sigaw ko at binigyan ko pa ng emphasis ang apelyido niya. "Nasaan ang lola mo? I need to talk to her." Dinig ko rin ang kanyang buntong hininga.
"Listen, hindi magandang ideya kung pupuntahan mo siya. She's cruel. Kung gusto mong makita si Laurence, I could help..."
"Damn it, Earl. Ayoko nang paligoy-ligoy. Sabihin mo sa akin kung saan ko siya makikita." Nakaka-asar. Noong panahon na hinahanap ko si Laurence, ni kahit isang impormasyon ay wala siyang binigay ngunit ngayong mukhang pansin niya na may alam na ako ay bigla na lang niya akong tutulungan. That's bullshit.
"She's not with Laurence."
"Hindi si Laurence ang kailangan ko ngayon... ang lola mo ang kailangan ko." I sighed exasperatedly. Kahit kailan ay matigas itong si Earl.
"Reina... let's talk, please," ani Laurence na nasa tabi ko.
"Is that Laurence, magkasama kayo? Kailan pa? Paano nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Earl. Hinablot naman ni Laurence ang aking cellphone.
"Where's Lola?"
"No, I'm not bringing Reina to her." Nakataas ang isang kilay na tinitigan ko siya habang kausap si Earl. Ayaw niya talaga!
"Wait, what? What about her?"
"Huwag mo siyang paaalisin, I'm going there now," tila nagmamadali niyang sabi. Nang i-abot niya ang cellphone pabalik sa akin ay naibaba na niya ang tawag. Madaya.
"Hey! Saan ka pupunta? Ang sabi mo ay mag-uusap tayo?" paghabol ko sa kanya nang bigla na lamang siyang tumakbo. Ang buwisit! Tatakasan na naman yata ako nito.
"We will talk later, okay?" nakarating na kami sa parking lot. Kaagad kong hinanap ang kotse ni Laurence at nilapitan iyon.
"No, ngayon tayo mag-uusap," matatag kong sabi bago pumasok sa loob ng sasakyan. Nagbuntong hininga lamang siya at umiling bago umupo sa driver's seat. He only has two choices if he really wants me back, It's either he will talk to me or he will talk me.
• ♥•♥•♥•
"NO, LAURENCE! You can't just leave me hanging like this. May usapan tayo."
"I know and I'm sorry. But I'm really sick of it. Pagod na ako. Gusto ko nang makasama si Reina."
"How about me? You still need to do your part of the deal. Ako ang malilintikan sa Lola mo kapag nagkataon. You know how hard it is to deal with her. Hindi magandang ideya na kumalas ka na lamang bigla sa engagement natin. Hindi mo ba naisip na mas lalo lamang mahihirapan si Reina dahil dito? Besides, hindi ko pa nakukuha ang gusto ko. I only asked for two years. Dalawang taon lang."
"Hindi ko na kaya pang magtiis nang ganoon katagal."
Nakatitig lang ako sa saradong pinto at pinakikinggan ang palitan ng sigaw. Nang marating namin ang condo ni Earl ay sinabihan lang ako ni Laurence na manatili lamang sa kotse. Pero matigas ang bungo ko, sinundan ko pa rin siya. Kanina habang nasa biyahe kami ay hindi naman namin nagawang mag-usap. Ni hindi namin kinibo ang isa't isa. Para kaming nasa magkabilang mundo. Nanatili lamang na deretso ang kanyang tingin sa kalsada samantalang ako ay nakatingin sa bintana.
Pero sa ngayon, sa tingin ko ay mas marami kaming dapat pag-usapan. Things were getting more and more complicated. Parang isang puzzle na hindi ko alam kung paano lulusutan. Hindi pa man nasasagot ang mga naunang tanong ay nadadagdagan na naman.
"Reina? What the hell are you doing here?" gulat na sigaw ni Earl Joshua na bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan.
"Come here," hinawakan niya ako sa siko at bigla na lamang kinaladkad.
"Hindi magandang ideya kung maririnig mo ang pinag-uusapan nila," komento pa niya nang muling magkaroon ng sigawan mula sa kabilang panig ng pinto.
Pumiksi ako at binawi ang aking braso. Tumigil na rin ako sa paglalakad at tinitigan ng masama si Earl. Nakakainis lang!
"Ano'ng alam mo?"
"Reina..." aniya na tila hindi alam ang sasabihin. Pilit kong hinuhuli ang kanyang mga mata pero ayaw niyang salubungin ang aking mga titig. Tumawa ako nang pagak. "Of course, you probably know everything," I said with all the sarcasm that I could muster.
"I wish that I could tell you everything pero hindi ako ang makakasagot sa mga tanong mo. As much as possible, ayokong maki-alam." That. Cliché. Line. Again. I rolled my eyes at him. Binging bingi na ako sa paulit-ulit nilang excuse.
"It is not easy, kung sana ay simple lang ang lahat ay nasabi ko na sa iyo."
"Why do you keep on hiding things from me? Ganoon ba ako ka-stupid sa paningin ninyo? Sa tingin ninyo ba ay hindi ko ito mauunawaan kung sakaling alam ko ang nangyayari? I felt cheated," hindi ko na napigilang sumigaw. Napupuyos ng galit at hinanakit ang puso ko. Ang daya-daya nila!
"I felt cheated in a battle I didn't even know I was already part of. You were my friends. You were supposed to tell me what's going on. No matter how painful the truth was... at least, alam ko. Hindi iyong ganito na para ba'ng alam ng lahat samantalang ako ay walang kamuwang- muwang."
Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya. Hindi ko na rin inalam ang reaksyon niya. If he's going to say sorry, hindi ko alam kung kaya ko siyang patawarin. Nilagpasan ko na lamang si Earl at nagmartsa palayo. I don't even know where to go.
• ♥•♥•♥•
"REINA," dinig ko ang sigaw ni Laurence at muling bumukas ang elevator. Hindi ko siya pinansin. Nakayuko lang ako at nakikipagtitigan sa sahig.
"I'm going to tell you everything that you need to know. Dadalhin na rin kita kay Lola kung iyon ang gusto mo. Because honestly, pagod na rin akong maging duwag at mahina."
"I'm sorry if I hurt you. I'm sorry if I'm a coward. I'm too scared to let you fight with me... too damn scared that you would get hurt if I drag you into this mess. I thought I did all of these to protect you pero iba ang naging resulta. Mali ang ginawa kong hakbang. I'm sorry," sunod-sunod niyang sabi.
Dama ko ang pagsisisi sa boses niya. Hinayaan ko na lang. Hindi na rin ako tumugon para kontrahin pa siya dahil sa ginawa niya. Wala namang mababago kung makikipagtalo pa ako. Sobrang dami na ng nangyari. Pagod na ang isip ko na umunawa pero alam ko na kailangan.
BINABASA MO ANG
My Miss Blue Rose (Royal Astra #01 and #1.5)
Teen Fiction"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng permanenteng tirahan ngunit higit pa pala roon ang makukuha niya. First, she met Laurence, ang taong k...