Twenty fifth Star

3.3K 62 5
                                    

LAURENCE


"We will search the whole universe just to comply with our school responsibilities," eksaheradong sabi ni Reina bago sumandal sa passenger seat. "Ang sakit sa utak ng concept na binigay sa atin. Ayoko na!" reklamo pa niya. Pumalatak siya at pinag-krus ang mga braso sa kanyang dibdib.

"Ganoon na nga iyon," Sagot ko.

We have to comply with our responsibilities as students...

But am I also complying with what my heart desires? Laurence, tumigil-tigil ka nga. Hindi na yata tama iyang tinatakbo ng utak mo. Sermon ng isang bahagi ng isip ko.

"So tell me, paano natin gagawin ang projects natin?" tanong ni Reina.

"Pupunta tayo sa lugar kung saan may romantic scenarios," suhestiyon ko. Last night she told about those scenes that she had in mind. Tama siya, one can get inspiration from observing.

"Mag-oobserve tayo? Magandang idea."

"Saan mo ba gustong pumunta?"

"Kahit saan basta matatapos itong project na ito. Eh, ikaw? Saan mo ba gustong pumunta?" saglit akong lumingon sa kanya bago ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Kahit saan na lang din."

Anywhere... as long as it is with you.

"Sa isang resort na lang tayo pumunta. Hindi naman siguro masama kung magtatagal tayo roon ng ilang araw. May resort sa Batangas na magandang puntahan, madalas naming puntahan iyon ng Royal Astra."

"Okay lang basta siguraduhin mong matatapos natin ang project natin," sagot ni Reina and then she smiled at me. That's the smile that held me captivated. The smile that my camera wishes to capture. I smiled back at her. She's the only person that doesn't have to do anything but was able to make me smile.

"Okay, as you wish." I took a turn towards South Luzon Express Ways and drove our way to Batangas.

Let me see if I can pull off a romance out of this.


REINA

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang mag-ring ang cellphone ko. Nang tingnan ko iyon ay rumehistro ang pangalan ni Mama. Nilingon ako ni Laurence at nginitian ko lang siya saka excited na sinagot ko ang tawag.

"Hello, Ma, kamusta na po?"

"Okay lang ako, ikaw ba, baby ko? Kamusta ka na?" Ilang araw ko ring hindi nakausap si Mommy dahil ayon sa kanya ay busy siya.

"Okay lang po, miss na kita." Hearing her voice again made me realize how much I miss her. Saglit na nawala ang isip ko sa projects at kay Iceberg.

Miss na rin kita pero don't worry, malapit na akong umuwi."

"I'll mark the calendar, Ma."

"Uuwi na si Tita?" ani Laurence. Tumango ako at nginitian siya.

"Si Laurence ba iyang kasama mo?"

"Yes, Ma, why?"

"Mabuti naman at magkasundo na kayo, at least hindi na kami mahihirapan sa mga darating na araw." Ano raw?

What do you mean?"

"Nevermind what I said."

"Ma, naman! Ano nga?"

"Sige, bye bye na, love you, baby."

"Bye, Ma. Love you, too. Ingat ka."

Then she ended the call. Ibinalik ko na sa bag ang aking cellphone. Napasimangot ako. Ano ba'ng ibig-sabihin ni Mommy kanina?

"Anong sabi ni Tita?"

"Okay naman daw s'ya." Sabi ko. "Kaya lang mayroon akong di ma-get sa sinabi niya."

"Ano raw iyon?" tanong ni Laurence, saglit siyang tumingin sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Ewan ko r'on. Mabuti na lang daw at magkasundo na tayo, hindi na raw sila mahihirapan sa mga darating na araw, ewan ko sa kanila."

"Ano naman ang kinalaman natin sa kanila... at sinong sila?"

"Yan nga rin ang iniisip ko, eh, sinong sila?"

"Baka naman ang mga magulang ko ang tinutukoy ni tita?"

Parents niya? Possible kaya iyon?

"Ewan."

"Hayaan na lang muna natin sila, malalaman din natin kung ano iyon one of these days, let's just wait and see," cool niyang sabi.

"Malapit na nga pala ang stageplay ni Rodge." Iniba ko na ang usapan kasi baka kung saan pa mapadpad ang takbo ng utak ko.

"Oo, manonood tayo. Gabi pa naman iyon, babalik tayo sa Manila for him but as soon as matapos ang event, babalik tayo sa resort."

"Okay, I understand." Sagot ko.

Huminto ang sasakyan. "Nandito na pala tayo,"ani Laurence.

e

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon