Fifteenth Star

3.9K 93 3
                                    

-LAURENCE-

"Tell me, what's going on here?" dinig kong bulong ni Charles kay Earl, kumunot lang ang noo nito saka sinimsim ang juice.

"You really asked me that question?" ani Earl saka nilapag ang baso sa lamesa.

"But really, why was Reina here?" muling tanong ni Charles.

"Ewan ko sa'yo, Charles!"

"Hey! Anong pinagbubulungan n'yo diyan?" tanong ko.

"Wala," sabay na sagot ng mga loko. Tsk. Nagbulungan pa sila pero naririnig ko rin naman.

"Rondell told me about the tour. He said it will be in Singapore." Ani Earl na halatang umiiwas sa tanong ko.

"Singapore? Last year we went to Hongkong and this year Singapore naman, sinong nag-decide niyon?" tanong ni Charles.

"Well, I think Rondell did. Botanical garden is famous in Singapore at malamang magpapaka-senti na naman isang iyon." Tugon ni Earl at sabay na humalakhak.

"Lately, hindi ko masyadong napapansin si Ron, saan ba naglalagi ang taong iyon?" tanong ko.

"Malamang sa greenhouse, nagpapakasentimental, ever since umalis si Raya, ganoon na ang kilos niya." ani Charles na umiiling pa. Raya is our childhood friend at pinakamalapit sa kanya si Rondell. But she left the country to pursue her career. Since then, naging distant na si Ron.

"Hindi ninyo ba napapansin na parang medyo nag-iba na ulit si Rondell, parang mas alive siya ngayon?" ani Earl.

"I heard rumors na madalas makita si Rondell with Reina." ani Charles. He strangely looked at me with a different expression. It's like he's saying, 'do you know about this?' na parang 'is it okay with you?'

Malamig na tinitigan ko siya. He backed off instantly. Umiling lang siya at sumandal sa backrest. Sa likod niya ay tanaw ko ang balcony ni Reina, nakita ko siyang lumabas doon. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Bumusangot na naman ang kanyang mukha. Mabilis akong ngumiti. Reina is just my classmate. She's just my neighbor. She's just Laurein's mommy. Madaling naging magaan ang loob ko sa kanya... perhaps, I have a newfound friendship with her.

What if they're right, paano nga kung nagkikita sina Reina at Rondell? It doesn't matter, does it? 

Reina's POV

 

Naglalakad ako sa loob ng campus nang may bigla na lamang humila sa aking braso. Walang pakundangan.

"Ikaw!" Napasimangot ako nang makita ko siya. As usual, sino ba ang taong naging hobby na yata ang kaladkarin ako? Magrereklamo sana ako pero wala rin naman akong nagawa. Nasindak kasi ako ng malamig niyang ekspresyon kaya't nagpatangay na lamang ako sa kanya. Parang nagyeyelo ang paligid at ang malamig na hangin ay nanunuot sa aking balat. Dama ko pa ang pangiginig ng aking brasong tangay-tangay niya.

Heto na naman siya at nagpapaka-yelo. Matapos kong makita ang mga tinatago niya sa likod ng malalamig na mga matang iyon ay hindi na yata ako masasanay na makita siya bilang si 'Iceberg'. Mas gusto ko ang totoong Laurence, ang Laurence na marunong makaramdam. Pero alam ko na kailangan niyang gawin ito dahil ito lang ang tanging paraan para ipakita niya na matatag siya. Siguro may mga tao talaga na ganoon, kailangan nilang magtago at umiwas para hindi na sila muling masaktan.

"Finally," binitiwan na niya ako. Nakarating na pala kami sa parking lot. Naglinga-linga ako sa paligid at napansing walang ibang tao. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Laurence. Tiningnan ko siya at napansin ang pagguhit ng emosyon sa kanyang mukha. Humalukipkip siya at sumandal sa kanyang pulang kotse. Mukhang relaxed siya ngayon. Ngumisi pa siya sa akin. Anak ng patis!

"Bakit mo ako hinila dito? Hindi ba puwedeng kausapin na lang ako? Sasama naman ako, eh! Hindi na kailangang mangaladkad!" Unti unting nawala ang sindak na naramdaman ko kanina at napalitan ng inis. Ano na naman ba ang trip ng isang ito? Minsan talaga ay hindi ko makuha ang kanyang pag-uugali. Pero sa kabilang banda ay natutuwa ako... dahil nakikita ko na naman ang Laurence na may emosyon.

"Sheesh," unti unti siyang humakbang papalapit sa akin. Mapaglaro ang kanyang mga mata at anak ng patis! Ang bilis bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko mahinuha ang pinaplano niya. "Huwag masyadong malakas ang boses mo..." bulong niya sa gilid ng tainga ko. Umikot siya at pumuwesto sa likuran ko bago tinakpan ng isa niyang palad ang aking bibig. Parang may kuryenteng bigla na lamang sumabog nang lumapat ang kanyang palad at ang bawat boltahe ay gumagapang sa bawat himaymay ng aking kalamnan deretso sa sumisipa kong dibdib.  "Kababae mong tao, aminin mo nga, nakalunok ka ba ng amplifier at megaphone?" Humahalakhak niyang sabi. "Halika na nga. May pupuntahan tayo."

 Hindi ko na nagawa pang sumagot. Tinanggal na lamang niya iyong  kamay mula sa bibig ko pagkatapos ay hinawakan ako sa braso. Unti-unting naglandas ang kanyang kamay papunta sa kamay ko. Para na naman akong kinukuryente. Binuksan niya ang pinto ng kotse at iginiya ako papasok bago siya pumunta sa driver's seat. Gentleman din naman pala itong Iceberg na ito.

"Kung ano ano talangang pumapasok sa isipan mo, ano?" tanong ko bago sumandal sa backrest. Pinagsiklop ko ang aking palad at pinagmasdan lamang siya habang ini-start ang engine.

"'Wag ka ngang maingay." Aniya saka humagalpak ng tawa.

Himala! Tumatawa ang yelo!

"Alam mo bang matagal na akong nagpipigil ng tawa nang dahil sa iyo?" naikunot ko ang aking noo dahil sa tanong niya. Ang walang hiya!

 "So gan'on? Katawa-tawa ako! Pinagtatawanan mo ako!" bulyaw ko dahil sa inis! Nagpatuloy lang siya sa pagtawa. Akmang bubuksan ko na ang pinto pero pinaharurot na niya ang kotse.

Anak ng patis! Kanina pa niya ako pinagtitripan!

"Hindi naman sa gan'on. It's just that, I don't know how to laugh until you came." Halos bulong niya pero dinig na dinig ko ang bawat salita. Bigla akong natigilan at muling gumuhit sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Nagmamarathon na naman ang dibdib ko.

"Anong sabi mo?" Gusto ko ulit marinig.

"Wala! Ang lakas ng boses mo, ang hina naman ng pandinig mo." Inis niyang sabi at itinuon na lamang ang atensyon sa daan. Nanahimik na lang ako at tumingin sa bintana. Hinayaan ko na lamang siyang magmaneho. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya. May pagkakataon din na nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Kaagad akong umiiwas ng tingin dahil nadarama ko ang pagtahak ng mainit na pakiramdam sa aking pisngi.

•♥•♥•♥•

"BAKIT ANG COLD mo kahapon?" Hindi ko na napigilan ang magtanong. Nabibingi na ako sa katahimikan. Ang tagal-tagal ng biyahe. Saan ba kami pupunta?

"Mga kaibigan mo naman sina Earl at Charles, pinsan mo pa nga sila, hindi ba?" Anak ng patis! Baka mainis na naman sa akin ito. Nangingi-alam na naman ako pero hindi talaga ako mapakali. Sa tuwing naiisip ko ang pagiging malamig niya sa ibang tao ay gusto ko siyang batukan.

"Iyon ba? Ewan ko rin, hindi ko pa rin siguro kaya. Sorry." Huminga siya ng malalim at umiling. Humarap siya sa akin, muling namutawi ang iba't ibang emosyon sa kanyang mga mata... ngunit alam ko ang kahulugan ng lahat ng iyon... ang bawat lungkot at pangamba. "Hindi ko pa kayang humarap sa kanila bilang ako, hindi ko kayang maging mahina sa harap nila. Sorry talaga. Next time, susubukan ko."

Hindi ko nagawang sumagot. Nagsosorry siya sa akin dahil doon. Hindi ko alam ang isasagot ko. Huminga na lamang ako ng malalim at muling tumingin sa labas. Hindi ko na siya pinansin pa buong biyahe pero magkagay'on man ay siya pa rin ang tumatakbo sa magulo kong isipan. Siya na nga ang kasama ko pero siya pa rin ang naiisip ko.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon