Prologue
"Anong pangalan mo?" Nakangiting tanong sa akin ng isang middle aged na babae. Nakaupo ako sa isang kama. Hindi ko alam kung nasaan ako. Puro puti lang ang nakikita ko. Iniisip ko kung anong pangalan ko pero wala akong maisagot. Sino ba ako?
"Ah eh- h-hindi k-ko po a-alam..." Natatakot ako. Hindi ko kilala ang mga taong nasa paligid ko. Nasan ba ako? Sino ba sila? Sa sobrang takot ko ay napaiyak na ako doon. Nararamdaman kong parang mahapdi ang buong katawan ko. Napaungol ako sa sakit. Parang ang bigat bigat ng katawan ko at parang puro galos ako. Naramdaman kong nakabenda pa ang ulo ko.
"Wag kang umiyak. Natatandaan mo ba ang magulang mo?" Nag isip ako ngunit wala akong matandaan na kahit ano. Kahit isang bagay wala. Walang pumapasok sa isip ko kaya lalo akong naiyak.
"H-hindi po.." Umiiyak kong sabi. Tinabihan ako ng isang middle aged na lalaki at inalo ako. Wala sa sarili kong hinayaan yakapin ako ng lalakinh yon kahit hindi ko naman sila kilala. Bigla na lang akong nakaramdam na para bang ligtas ako.
"Ilang taon ka na ba?" Marahang tanong sakin ng matandang lalaki. Thirteen, bulong ng isang panig ng utak ko. Napadiretso ako ng upo.
"Th-thirteen po.. Thirteen.." Sisigok sigok na sagot ko. Yun lamang ang tanging natatandaan ko. Wala ng iba.
"Trese ka na. Alam mo ba kung taga saan ka?" Tanong uli ng matanda habang hinahaplos ang buhok ko dahil umiiyak pa rin ako. Umiling ako. Nakita ko na parang naaawa sila sakin. Lalo naman akong napaiyak. Wala akong matandaan na kahit ano. Alam ko lang ay thirteen years old ako. Pilit kong tinatandaan ang dapat kong matandaan pero wala.
"Anak.. 'Wag ka ng umiyak ha.." Sabi sakin ng babae. Hinaplos nya ang muka ko at inalo rin nya ako.
"Kami ang nakakuha sa iyo sa dalampasigan.. Buti at buhay ka. 'Wag kang umiyak." Sabi sakin ng lalaking katabi ko. Wala sa loob ko syang niyakap. Umiyak ako ng umiyak dahil natatakot ako. Sino ba ako?
"Amin ka na lang.. Aampunin ka na lang namin ha.." Marahang sabi sakin ng babaeng nasa harapan ko. "Wag kang mag alala.. Aalagaan ka namin, tahan na."
"N-natatakot p-po ako." Hagulgol ko. Niyakap nila akong dalawa. Hindi ko alam kung san ako nanggaling. Tapos aampunin nila ako? Ni ang sarili ko hindi ko kilala.
"Wag kang matatakot ha.. Iingatan ka naman namin.. Wag kang matakot.." Paulit ulit na sabi ng lalaki. Lalo naman napahigpit ang yakap ko dito. Hindi ko sila kilala pero parang iba.. Parang nawawala ang takot ko sa kanila dahil siguro ay mababait sila.
"Kami na ang magulang mo ha. Ako ang Nanay mo, sya na ang Tatay mo.'Wag kang matakot anak.." Niyakap ko sila ng mahigpit, humahapdi man ang sugat ko ay kahit papano ay masaya na ako. Hindi ko man kilala ang sarili ko may handa pa ring tumanggap sakin. May handa pa ring magmahal sa akin..
"'Wag kang matakot, Hestiana."
BINABASA MO ANG
Her Affliction
General FictionLahat ng tao natuto kapag nasasaktan. Pero patuloy pa din ang buhay. Hindi nadadala sa mga pinagdaanan. Kahit paulit ulit na nasaktan. Patuloy pa din sa pagmamahal. Si Hestia ay isang babae na naghahangad na maging masaya, tanggap ng pamilyang...