28. EyesInikot ko ang paningin ko sa loob ng pad ni Apol. Mas malaki pa ito kaysa sa bahay ko na up and down. Bakit nya ba ako dinala dito? Napalingon ako ng inabot nya sa akin ang cellphone nya. Tinignan ko sya dahil hindi ko alam ang gagawin ko dito. He raised an eyebrow.
"Tell your Mom that you're here with me so that she won't worry. Call her." Inabot ko yon at lumakad sya papunta sa living room ng bahay nya. Tinanggal nga ang coat nya at nakita ko suot nyang polo na kulay puti.
Pinindot ko ang call button at ilang ring lang ay sumagot na si Nanay.
"Hello, Nay." Narinig ko naman ang paghinahon ni Nanay sa kabilang linya.
"Nasaan ka ba anak? Anong oras na. Tapos na yung reception! Paakyat na kami sa hotel room dito." Inilayo ko ng bahagya ang phone sa tenga ko. Napatingin naman ako kay Apol na nagtatanggal naman ng polo ngayon. Umiwas ako ng tingin.
"Uhh, kasama ko po si..."
"Sino?"
"Si A-Apol po, Nay." Mahinang sabi ko. Nabigla ako ng makita ko si Apol na walang pang itaas sa harap ko. He looked at me straightly.
"Tell Nanay that you'll stay here until morning." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ano? Dito ako matutulog?
"Ano anak? Anong sabi ni Apol? Dyan ka matutulog? Sige dyan ka na matulog tutal gabi na naman pero anak ha, bawal makipag siping ng hindi pa kasal." Napalayo ako kay Apol dahil sa kagagahan na sinabi ng Nanay ko. Sana ay hindi narinig ni Apol dahil nakakahiya!
"Opo, Nay. Alam ko po yon. Sige, ingat kayo." Ibinaba ko na ang tawag at muling lumapit kay Apol at iniabot ang phone nya. Lumayo muli ako sa kanya ng abutin nya yon. Kumunot ang noo nya sa akin.
"Lumalayo ka ba?" Napatingin ako sa sahig. I heard him sigh.
"I'm gonna take a bath, you stay here. You wanted to watch?" Umiling naman ako at muling umiwas ng tingin sa kanya. "I'll get something that you can change into."
Pumasok sya sa isang pintuan at nakahinga naman ako ng maluwag. Sa sobrang tanga ko ay binigyan ko pa sya ng isang chance. Hindi naman ako nakakasigurado kung gusto nya talaga ako kahit sinabi nya iyon kanina. Pero ako si tanga, naniniwala. Ganito yata kapag nagmamahal, nagiging tanga.
Naupo ako sa isa sa mga couch nya na kulay itim. His pad has that color. Black ang white, minimal lang ang design. May grand piano malapit sa napakalaking glass window nya. Kitang kita ang buong syudad sa baba. It looks like someone poured glitters dahil sa ilaw ng mga sasakyan at streetlights.
May maliit na coffee table sa harapan ko at isang malaking LCD TV. There's a big painting sa isang bahagi ng sala, mukhang mamahalin ang itsura. Napabuntong hininga ako, why am I even here?
Muli akong tumingin sa pintong pinasukan nya. He said please earlier. Ayaw ko mang isipin pero baka gusto nya talaga akong makasama. Ang assuming pero I can't help myself to think that. Ako na, ako na ang aasa at masasaktan muli.
Gusto ko syang tanungin sa nangyari sa kanila ni Amity last week pero natatakot ako sa sagot nya dahil baka masaktan ako. Baka magsinungaling na naman sya sa akin at mas lalo akong masaktan at pagsisihan na binigyan ko ulit sya ng chance.
Narinig ko na ang kasabihang once is enough, twice enoughy but more than that its too much. Alam ko yon, alam kong sobra sobra na ang pagbibigay ko ng chance kay Apol pero hindi ko kayang hindi sya bigyan. I love him, kumakabog ang dibdib ko sa tuwing sasabihin ko yon.
Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Apol. Nakasuot sya ng boxers short na may strawberries at isang sandong itim. Basa ang buhok nya at nakasukbit sa balikat nya ang puting twalya. Nakagat ko ang ibabang labi ko ng lumapit sya sa akin, humigpit ang hawak ko sa dress ko. He sat down beside me. Ipinatong nya sa lap ko ang iilang damit.

BINABASA MO ANG
Her Affliction
Ficción GeneralLahat ng tao natuto kapag nasasaktan. Pero patuloy pa din ang buhay. Hindi nadadala sa mga pinagdaanan. Kahit paulit ulit na nasaktan. Patuloy pa din sa pagmamahal. Si Hestia ay isang babae na naghahangad na maging masaya, tanggap ng pamilyang...