"Alam mo hindi namin maintindihan ni Jean yang utak mo, Hestia. Ano 'te? Lutang ka?" Hindi masyadong pinoproseso ng utak ko ang mga sinasabi ni Ayce habang nakaupo ako sa sofa ko habang nanonood kami ng isang movie, sa kasamaang palad ay No other woman pa ang napili nilang panuodin at kanina pa lumilipad ang utak ko sa lalaking yon.
"Iiwan ka namin dito sa bahay mo, Hestia pag hindi ka pa sumagot dyan sinasabi ko sayo." Napasigaw naman ako ng hampasin ako ni Jean sa braso.
"Aray ko ha! Masakit! Masyado kayong makapanakit dyan!" Singhal ko sa kanila at hinaplos ko amg braso kong bumengga sa kanilang dalawa. Ngumuso ako, naiirita ako dahil ini-invade ng lalaki na iyon ang utak ko. Pati yung way ng pagkain nya ng strawberry na inuuna nya ang ilalim nito. Pati yung pag angat ng adams apple nya sa tuwing kakagat sya dito.
"Oh jusko! Palitan nyo yang movie! Ayoko nyan, bilis!" Nakita kong tinaasan ako ng kilay ni Ayce. Nakaramdam ako ng kaba, halata ba ako masyado?
"Bakit ayaw mo ng No Other Woman? Dont tell me kumabit ka kay Jiad?" Binato ko sa kanya ang remote na kakakuha ko lang sa lamesita na nasa harap namin. Kung ano ano talaga ang laman ng utak ng dalawang ito!
"Siraulo ka talaga! Mukha ba akong kakabit ha?"
"Oo nga naman, bakla. Hindi yan kakabit dahil may bagong papa yan, si Sir Apol, ikaw talaga Ayce!" Natatawang sabi ni Jean atsaka humalakhak na parang tanga doon. "Yun oh! Namumula sya! Ano mo si Sir ha? Kala mo siguro ligtas ka sa intriga ano?! Kami pa ba ha!" Alam kong namumula ako pero hindi ko pinahalatang apektado ako. Kung alam lang nila kung anong klase ng tao si Apol eh baka mawindang din sila.
"Walang kami pwede ba?! Boss yon. Malisyosa ang mga utak nyo, ano kayo. Kris and Boy Abunda? Tigilan nyo ako." Sagot ko sa kanila. Ngumiwi naman sila parehas sa akin.
"Ay, akala ko pa naman kung ano na, akala ko nakamove on ka na kay Jiad." Bulong ni Jean at muling humarap sa tv at nanood. Bumaling na muli sila sa tv at nanood ng panibagong pelikula. Yung The Proposal.
Pinilit ko ding ituon ang pansin ko kay Ryan Reynolds kahit nadidistract ako sa sinabi ni Jean sa akin. Nakamove on na ba ako? Oo? Hindi ko alam. Bakit ba ganito? Bakit ang unfair ng buhay? Isang simpleng tanong lang naman yon pero binabagabag na naman ako. Si Jiad lang naman yon, tsaka hinding hindi ako gagamit ng ibang tao para lang makamove on ako.
Nasa scene na kami kung saan pinilit ni Sandra Bullock si Ryan Reynolds na magpakasal sa kanya. Napalabi ako ng pumayag si Andrew - yon ang pangalan ni Ryan sa movie na magpakasal kay Margaret. Pumayag sya dahil sa isang kasunduan.
Napaisip ako, lahat ba ng bagay dapat may kapalit? Lahat ba ng gagawin ng isang tao para sa iba dapat susuklian din kahit hindi naman kaya? Hindi ba pwedeng tumulong kasi gusto? Hindi na kailangang pilitin pa? Pinalaki kasi ako ng Tatay na kapag kaya namang tumulong dapat ay tumulong.
'Wag mong hahayaang mabago ka ng iba at ikaw ang bumago sa kanila.
Laging sinasabi sa akin ni Tatay 'yon. Kasi kung kaya naman daw tumulong bakit hindi? Yun din siguro ang naisip ng director nitong The Proposal. Kasi mayaman naman si Andrew talaga. Siguro may hidden feelings na sya kay Margaret noon hindi nya lang napansin dahil busy sya sa pagiging inis kay Margaret o sadyang ako lang ang nag iisip nito?
Napalabi ako, kung ako siguro ang nasa kinalakagyan ni Andrew Paxton sa pelikula ay baka pumayag din ako kahit demonyita si Margaret sa kanya. Bakit? Siguro para tulungan sya kasi madedeport sya kapag hindi. Kung sakaling may mag aya rin kaya sa akin ng ganyan, papayag kaya ako? Napatawa ako mag isa sa iniisip ko. Napakaimposible ng lipad ng utak ko. Walang tanga ang gagawa ng ganon sa totoong buhay.
Napatalon ako ng may kumatok sa pinto ng apartment kaya napatalon din ang dalawa kong kasama.
"May bisita ka?" Nanlalaking mata na tanong sakin ni Jean. Umiling ako, wala naman akong ibang kaibigan dito samin. Sino naman kaya yon?
"Ayce, ikaw nga ang magbukas. Tutal lalaki ka naman, protektahan mo kaming mga babae dito." Sabi ko kay Ayce at hinampas nya ako ng remote control.
"Gaga ka ba? I'm a woman without the wo! Mas babae pa ako sainyong dalawa kaya buksan mo yang pinto mo!" I made a face, tumayo din ako papuntang pinto.
"Landi mo sa part na yon, Ayce. Alastres palang ng hapon akala mo naman re-rape-in ka nitong kumakatok." Pinihit ko ang doorknob ng pinto at halos lumabas ang puso ko sa ribcage ko at tumumbling ulit papasok sa katawan ko. Nanlalaki ang mata ko habang tinititigan ang mga mata nyang nakatuon sa akin.
"Hestia! Na-rape ka na ba dyan ha?" Dinig ko ang pagtawag sa akin ni Jean mula sa sala. Umangat ako dulo ng labi ng lalaking nasa harapan ko at pumamulsa sya.
"Don't you have manners, Hestia? Hindi mo 'man lang ba ako papapasukin sa bahay mo?" Nakangisi nyang sabi sa akin.
"Hoy, sino ba yang tao dyan sa pinto at - O my god! Good afternoon po, Sir Alvarez!" Halos magtulakan sa gilid ko sina Ayce at Jean sa gulat. Lalo namang ngumisi si Apol.
"Ano bang ginagawa mo dito?!" I hissed. Nakita ko ang pagkunot ng noo nya at tuloy tulog syang pumasok sa loob ng bahay ko. Nagulat ako sa ginawa nya at ganon naman din sila Ayce na nakanganga na ngayon.
"Tangina! Ba't andito si Sir! Linggo ah!" Bulong sa akin ni Ayce. Binalingan ko naman sya habang sinusundan ko si Apol na ngayong uupo sa sofa ko. Nakita ko ang mapanuring mata ni Jean. Binaltak nya si Ayce sa braso at kinuha ang bag nyang dala pati na din ang kay Ayce.
"Vamonos, swiper! Iwanan muna natin sila! At ikaw," Bumaling sya sakin at pinaningkitan ako ng mata na ikinakaba ko kahit wala naman akong ginagawang mali. "'Wag kang magkakamaling hindi magkwento! Aalis na kami! Sir, aalis na po kami!" Narinig ko pa ang pagkalabog sa ginawa nilang paglabas ng pintuan.
Naiwan akong nakatayo doon at nakatalikod sa akin ang nakaupong si Apol. Nakaplay pa din sa tv ang The Proposal na movie. Naglakad ako papunta sa kanya at namaywang kahit pakiramdam ko ay parang nagiging Jelly Ace ang binti ko.
"Paano mo nalaman na bahay ko 'to?!" Gusto kong sampalin ang mukha ko dahil nanginig ito at ang pangit ng kinalabasan. Tiningala nya ako at tinaasan ng kilay. Here we go again, I can see his perfect angled jaw, fine lips and dark almond brown eyes.
"I have my sources, hon. Can you please sit down? I'm watching." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya. Nanginginig ang kalamnan ko sa tuwing tatawagin nya ako ng ganon!
"'Wag mo akong ma-hon hon dyan! Hindi tayo close, inform lang kita! Umalis ka nga dito!" Sigaw ko ulit sa kanya pero hindi man lang sya natinag. Hinarangan ko na sya sa tv kaya nasa harap nya ako nakatayo. Nakita ko ang pag igting ng panga nya, tanda na naiinis sya. Aba! Naiinis din ako no! Una sa lahat, bakit sya andito? Pangalawa, anong kailangan nya sakin? Pangatlo, hindi kami friends kaya hindi sya pwede dito sa bahay ko!
Nabigla ako ng bigla nya akong hatakin papaupo at bumagsak ako sa hita nya, pakiramdam ko ay sasabog ako! Nakatagilid ang pagkakaupo ko sa hita nya at kaagad nyang pinalupot ang braso nya sa bewang ko. Gusto kong sumigaw sa ginawa nya.
"Yeah, better." Sabi nya pa sakin. Lord, ano na po bang nangyayari sa mundo? Halos bayuhin ng puso ko ang dibdib ko sa nararamdaman ko. Itinulak ko sya at agad akong tumayo, gusto kong kalmahin ang dibdib ko pero papatayin ko muna ang lalaking 'to!
"Ano bang problema mo ha?! Why are you even here? Are you freaking stalking me? Sino ka ba sa tingin mo?! You better get out, asshole before I call the police!" May halong histerya sa boses ko pero wala na akong pakielam, I just want him to leave. Ayoko sa kanya, my heart is pounding hard at alam kong natatakot na ako.
"Is there something wrong kung bibisitahin kita? Meron ba? Do you have a fucking boyfriend that's why you're too stiff? The last time I checked you are single." Nakasandal sya sa sofa ko at nakahalukipkip. Pano nya nalaman yon? Is it too obvious? Pinasadahan nya ako ng tingin.
"Let's go out."
"Baliw ka ba?"

BINABASA MO ANG
Her Affliction
General FictionLahat ng tao natuto kapag nasasaktan. Pero patuloy pa din ang buhay. Hindi nadadala sa mga pinagdaanan. Kahit paulit ulit na nasaktan. Patuloy pa din sa pagmamahal. Si Hestia ay isang babae na naghahangad na maging masaya, tanggap ng pamilyang...