23. Pain
Inihinto nya ang sasakyan nya sa tapat ng bahay apartment ko. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti kaya hindi ko sya matignan. Yung puso ko parang nagsosomersault kasi nagseselos sya. Nagseselos ang isang Apol Alvarez at kinikilig ako.
Isang side na naman nya ang nakikita ko at natutuwa ako sa kanya.
"Keep smiling and I'll rape you." Nawala sa mukha ko ang ngiti at sinimangutan ko sya. Binuksan ko kaagad ang sasakyan nya para makababa. Panira talaga sya! Hindi na pwedeng natutuwa ako sa kanya? Kanina nya pa ako sinisita sa pagngiti ko.
Tinungo ko ang gate at binuksan ito, nakarinig ako ng pagsara ng car door kaya alam kong nakasunod sya sa akin. Tinawid ko ang pagitan ng gate at ng pinto na hindi sya nililingon.
Binuksan ko ito at laking gulat ko ng bigla nya akong hatakin papasok ng bahay. Hawak hawak nya ang braso ko at umupo sya sa couch at pinangko nya ako. Napakapit ako sa leeg nya. Gago talaga 'to! Akmang tatayo ako ng hinigpitan nya ang hawak sa bewang ko. Alam kong namumula ako! Alam ko! Nararamdaman ko!
"A-ano ba yon?" Tanong ko sa kanya. Nakatitig lang sya sa akin, his brown almond eyes are staring at me. Parang bang hinahalukay nya ang buong pagkatao ko, bahagyang gumagalaw ang panga nya. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko sya kayang tinititigan dahil baka bigla ko syang sunggaban. What?
Si Apol, isa syang napakatouchy na nilalang. Pwede naman maupo ng maayos sa couch kailangan pa ay nakapangko ka sa kanya. Nahihiya tuloy ako!
"Look at me, hon." Iginiya nya ang mukha ko paharap sa kanya. Napatingin ako sa dibdib nya. Hindi ko kaya salubungin ang intense nyang mata. Naaamoy ko ang hininga nyang amoy mint dahil napakalapit nya sa akin.
"You don't get to talk or touch another guy other than me, understand?" Malambing ang tono nya pero parang nanigas ako sa authority ng boses nya.
"Bakit?" Tinapangan ko ang boses ko. He chuckled deeply, napahigpit ang kapit nya sa bewang ko.
"I don't like sharing what's mine, Hestia. What's mine is mine and Hestia is mine so..." Inilagay nya ang mga takas na buhok sa likod ng tenga ko. "No one can touch you or talk to you like they fucking own you."
"Wala namang kumakausap sa akin ng ganon, grabe ka lang mag isip. Ang oa mo, nakakainis." Bulong ko. He smirked darkly. Napanguso ako.
"Really? You seem very happy while talking to that fucking Ajax." Inilayo nya ang katawan nya sakin at sumandig sya sa couch. Binitawan nya ang bewang ko.
"Hindi naman, natawa lang ako sa kanya. Oo na, nagseselos ka na. Hindi ko naman sya inaano eh." Tumango sya at kinuha ang cellphone nya. Nakasimangot ang mukha nya at para bang tampong tampo sya sa ginawa ko.
"Ano ba, Apol? Hindi ko naman sya gusto. Kaibigan ko lang yon!" Paliwanag ko sa kanya pero nakatingin pa din sya sa cellphone nya.
"Whatever." Bulong nya. Napaawang ang labi ko. Ano ba 'to? Susuyuin ko?!
"Apol naman, diba nga ikaw yung boyfriend ko? Diba?" Hindi sya sumasagot. Ako na nga lang ang nakaupo sa lap nya at hindi nya na ako inaalalayan eh. Gusto ko sabunutan sya. Grabe sya magtampo! Para syang babae!
Nakasimangot sya at pindot sya ng pindot sa Iphone nya. Bahagyang nakanguso na din sya. Nakagat ko ang ibabang labi ko.
"Ikaw nga kasi yung boyfriend ko nga diba?!" Dineadma nya lang ako kahit anlakas ng boses ko. Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Napaisip ako. Kinabahan ako sa iniisip ko. Desperate situation calls for desperate measures!
"K-kiss na lang kita, h-hon para bati na t-tayo?" Nakita kong lumipad agad ang tingin nya sa akin. Para bang nagulat sya pero agad sumeryoso ang mukha nya. Ibinato nya sa gilid ang cellphone nya. Napalunok ako.

BINABASA MO ANG
Her Affliction
General FictionLahat ng tao natuto kapag nasasaktan. Pero patuloy pa din ang buhay. Hindi nadadala sa mga pinagdaanan. Kahit paulit ulit na nasaktan. Patuloy pa din sa pagmamahal. Si Hestia ay isang babae na naghahangad na maging masaya, tanggap ng pamilyang...