14. Picnic

16 0 0
                                    

14. Picnic

I smirked when she got out of the car. I also went out and followed her outside, she was hurrying towards her family. I find her kisses good - actually she just sit there and let me kiss her, inexperience and that makes me want to kiss her more.

I don't know, I just wanted to kiss her and I can't explain why maybe because she's new to me. She walked with her friends in front of me while the little girl named Miles hold my hand and talks. This girl is so cute, she even know me. Well, blame my gorgeous self for that.

Kanina, nung umiyak sya sa sasakyan ko I felt like a crap. She explained more likely cried about my situation but for me there's nothing wrong about that. I'm just getting what's mine and there's no fucking wrong about that.

"Sir! Sir! Sir! Totoo po bang papakasal po kayo ni Ate Hestia kasi gf nyo sya sabi po kasi ni Kuya Mac sakin pag daw gf ng lalaki ang isang girl papakasal daw po. Mabait po si Ate Hestia kasi nipayagan nya akong i-hug kayo!" Sabi nya habang tatalon talon. I smiled at her, namula naman ang pisngi ng bata.

Hestia doesn't even want to marry me because she don't like my principles. She says that I deserve the best and I think Amity is the best but when she fucking cried in front of me, something struck. I wanted to try it. I wanted to move and get a life without Amity. That doesn't change the fact that I love Amity, I'm just gonna try and I know that it wouldn't work.

I looked at Hestia. She was already fixing the mat on the grass. I'll show her that I'm trying so she wouldn't cry again. Ayokong nakikita syang umiyak and I don't want to be the reason why she cries so I'll try. There's no harm in trying. I'm fucking breaking my words for this woman. What the hell is happening, Apolcinto? You just saw her cry and you decided fucking impulsively. Hestia is really something.

***

Hindi ko sya matignan ng diretso sa mata. Sa saglit naming pagkakakilala ng lalaking yon ay kung ano ano nang ginagawa nya sa pagkatao ko. Hiyang hiya ako kay Jiad kahit alam kong hindi naman nya nakita ang nangyari sa loob ng sasakyan. I felt exposed. Napakagago ni Apolcinto Alvarez at napakamanyak.

"Hestia, ayusin mo dyan oh. Hindi maayos. Hija, eto yung para sainyong mat dito na lang kaming mga magaganda este matatanda." Natatawang sabi ni Tita Flor. Ever since, si Tita Flor ang pinakawitty sa pamilya namin. Nginitian ko naman sya.

"Alam mo, Hestia. Ang swerte mo sa nobyo mo ha. Kinwento ng Mama mo, kanina daw kinancel ng nobyo mo lahat ng gagawin nya para makasama dito sa picnic. Napakabait na bata."

"Baka mabait." Bulong ko. Tinignan naman ako ni Tita Flor.

"Ikaw talaga! Kawawa naman sayo ang nobyo mo. Salbaheng bata!" Kinurot nya ako ng mahina kaya natatawa akong napaaray. Napansin kong lumapit sa amin si Jane kaya umayos ako ng upo. Nginitian nya ako.

"Hello, Hestia." Bati nya sa akin. Tinapik naman ni Tita Flor ang tabi nya para umupo si Jane. Dahan dahan 'tong lumapit.

Maganda si Jane at maamo ang mukha. Matagal na itong girlfriend ni Mac pero dahil nga hindi ako umuuwi sa amin at pinagtataguan ko sila dati dahil sa pangyayari ay ngayon ang unang beses ko sya nakita. Ngumuso ako at umiwas ng tingin ng makita nyang tinitignan ko sya kaya napatingin ako kay Apol na wala ng t-shirt at naglalaro doon sa maliit na batis, nakikipagharutan sya kay Miles. Nakatingin tuloy sa kanya lahat! Papansin!

Akmang sisigaw ako ng pinitik ako sa noo ng Tita Flor.

"Aray ko naman!" Reklamo ko. Natawa si Jane.

"Totoo nga ang sinabi ni Mac sa akin noon, maganda nga yung pinsan nyang kapatid ni Ate Lyn." Nakangiti nyang sabi sa akin.

"Hala sya, hindi ah!" Umiiling na sabi ko. Hinampas naman nya ako sa braso. Nagulat ako sa kanya.

Her AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon