9. Hypothetical
Binaltak ko ang kamay ko mula sa kanya at inilagay ko yun sa gilid ko. Nakakahiya! Bakit ba napakatouchy ng taong ito samantalang hindi naman kami lubusang magkakilala pa pero kung hawakan nya ako ay parang pag aari nya ako. Hindi naman ako nainform sa parteng yon.
"Why?" He asks. Inirapan ko naman sya kahit naghuhuramentado ang dibdib ko. Daig pa nito yung pakiramdam ko sa tuwing ngingitian ako noon ni Jiad.
"Hindi tayo close, 'wag mo kong hinahawakan. Ayoko sayo." Sagot ko atsaka nauna akong maglakad sa kanya.
Medyo madaming tao ngayon sa mall dahil mukhang may something sa SMX at hindi ko naman alam kung anong meron. Marami rami akong nakikitang teenagers at magboboyfriend-girlfriend. Nagulat ako ng may umakbay sa akin.
"You want to eat? Let's eat? I'm kinda hungry."
"Ano ka ba? 'Wag mo nga sabi akong hawakan! Saka bakit ba lagi kang gutom pag kasama mo ako? Mukha ba akong pagkain?!" Naiinis na sabi ko at inalis ang braso nya sa balikat ko. Tumaas ang sulok ng bibig nya.
"Bakit? Pwede ba kitang kainin?"
"Makamundo! Bwisit ka talaga, Sir!" Inis na inis na sabi ko. Patuloy akong lumakad kahit alam kong namumula na ako. Hinatak nya ako papasok ng isang kainan na medyo mukhang mahal kaya hinatak ko sya palabas ng resto na iyon at napunta kami sa KFC.
"What's wrong? You don't want to eat there?" Sabi nya sabay nguso doon sa pinanggalingan namin. Umupo kami sa pangdalawahang upuan sa KFC.
"Mahal don, gago. Wala akong budget! KKB 'to ha!" Kumunot ang noo nya bigla kaya lalong naemphasize ang mga mata nya.
"Are you insane? Ofcourse I'm the guy so I'm paying, fuck. You just stepped on my fucking ego, silly woman."
"Tigilan mo ko sa kakaenglish mo, Sir. Nasa Pilipinas ka, hinay hinay lang po." He clenched his jaw. Napalunok ako. "T-tsaka ayaw ko naman don, d-dito na lang. Gusto ko yung fries dito." Habol ko. He's using that deadly glare again, hindi ko alam pero kinakabahan ako pag gumaganon sya. Hindi ko lang ipinapakita.
Nagagalit na naman kasi sya! Paano naman kasi ang dilim na naman ng itsura nya. Ayaw nyang natatapakan ang ego nya but he ended up as an illicit lover? May mali talaga sa lalaking 'to.
"You're really different, fucking different." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Para bang kinikiliti ang tenga ko sa sinabi nya.
"Oorder na ako. Anong gusto mo?" Pag iiba ko ng tanong. Paano kasi ay nilalaro na naman ng hintuturo nya ang labi nya. Nakakainis! Gumagwapo sya sa paningin ko, anong sinabi ko?
"Is this place clean?" Tinapik ko ang bibig nya. Nagulat din ako sa ginawa ko. Nasanay kasi ako noon kay Jiad na kapag may hindi sya sinasabing tama ay tinatapik ko ang bibig nya.
"Mahadero ka, malamang! Mamaya may makarinig naman sayo, palabasin tayo dito." Feeling hari ang isang 'to. Palibhasa lahat kayang bilhin.
"I don't know. You, what do you want?" Sumandal sya sa upuan. Napansin kong napapalingon ang mga nagdadaan sa kanya.
Oo na! Gwapo sya okay? Nag sastand out sya dito sa KFC! Kulang na lang ay maglaway kayo!
"Iisipin ko pa! Oorder na ako!" Naiinis kong sabi sa kanya. Tumayo din sya ng tumayo ako. Inirapan ko sya.
"Bakit? Umupo ka lang dyan. Walang magbabantay sa space natin." Sabi ko sa kanya. Nakita kong may dinukot sya sa back pocket ng pants nya. Iniabot nya sakin ang wallet nya. Tinignan ko ito at nakita ko kaagad ang maliliit na encrusted gold letters na Yves Saint Laurent.
BINABASA MO ANG
Her Affliction
General FictionLahat ng tao natuto kapag nasasaktan. Pero patuloy pa din ang buhay. Hindi nadadala sa mga pinagdaanan. Kahit paulit ulit na nasaktan. Patuloy pa din sa pagmamahal. Si Hestia ay isang babae na naghahangad na maging masaya, tanggap ng pamilyang...