3. Ang sakit-sakit
Natapos ang pagkain namin at tinulungan naming iligpit ang pinagkainan. Natapos kaming maglinis at pinagpahinga ko na lang ang Nanay. Sabi ko ay lumabas na lang kami mamayang gabi para kumain. Ayaw ko na ding pahirapan si Nanay sa pagluluto dahil baka lalong mainis sa akin si Ate kaya sa labas na lang kami kakain, gusto ko lang ilibre si Nanay. Pumunta ako sa swing sa likod bahay namin. Dito ako naglalaro noon, binili ni Tatay ito para saamin ni Ate Lyn pero ayaw namang maglagi dito ni Ate noon. Tahimik akong umupo dito.
Napahawak ako sa dibdib ko - sa bandang puso ko, pinakiramdaman ko ang pagtibok nito. Napabuntong hininga na lang ako. Siguro naman pagkatapos nito, medyo aayos ang puso ko. Masaya na sila dapat ganoon din ako. Kung kinaya nila dapat ako din. I can't let myself to be in misery.
First love ko sya, six years. Anim na taon ko syang nagustuhan. Siya kasi ang tumulong sa akin noong wala ang Tatay. Pero lahat ng iyon ay nahinto four years ago dahil nagpakasal sila ni Ate. I got the biggest shock that time. Hindi ko alam kung totoo bang sinabi sa akini Jiad yon.
Mahal ni Jiad si Ate. Inamin nya yon sakin, pakiramdam ko noon ay nabuhusan ako ng malamig na tubig. Kaya nga nasaktan ako, pinilit kong hindi masaktan pero tao lang din naman ako. You can't call yourself a human if you can't feel anything right? Hinawakan ko ang chain ng swing at marahang inugoy ang sarili ko.
Noong mga panahon na yon ay nalaman ko din mahal pala ni Ate si Jiad, umiyak ako ng umiyak noon, pakiramdam ko ay hadlang ako sa kanilang dalawa kaya kahit alam kong hindi sa akin si Jiad ay nagpaubaya ako.
Pinaasa kasi ako ni Jiad, sabi nya gusto nya rin ako, pero malaki ang kaibahan ng gusto sa mahal, spelling palang. Hindi ko maialis sa akin ang concept na pinaasa nya ako. Alam kong mali, but I can't help myself. Gusto nya ako bilang bestfriend. Noon pa man uso na ang friendzone diba? Kahit alam ko sa sarili ko na hindi nya talaga ako pinaasa. Tanga kasi ako. Naluluha ako pero pinigil ko ito dahil may naupo sa kabilang swing. Napatingin ako - si Jiad. Ngumiti sya sakin, alangan akong ngumiti pabalik sa kanya. I tried to conceal my tears away.
"Bakit?" Tanong ko. Umiling lang sya. Pinilit kong umarte ng normal.
"Okay ka lang ba?" Hindi. Nasasaktan ako kasi hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan ang Ate. Nasa kanya ka na pero galit pa din sya sakin. Gustong gusto kong isagot sa kanya yun pero may humarang sa lalamunan ko. Tumango ako bilang sagot dahil pakiramdam ko ay pipiyok ako kapag nagsalita pa ako.
"Alam mo Hestiana, mahahanap mo rin ang para sayo." Ngumiti ako. May nagbabadyang tubig na gustong umagos sa pisngi ko. Bakit nya pa kailangang sabihin sa akin to? Kung naiba lang siguro ang sitwasyon ay baka matawa ako. Tiningnan ko sya. Alam kong may nagbago na. Kung dati napakasakit sa tuwing titingnan ko sya ngayon masakit pa rin naman. Pero mas bearable. Bigla akong napaisip sa sakit na nararamdaman ko. Ang pinakamasakit sa ngayon ay ang sitwasyon namin ni Ate.
"Oo. Pero di pa siguro ngayon." Tumango tango sya. Inugoy nya ang swing ko. Ganto rin kami dati, siya ang tagaugoy kapag dinuduyan ako.
Hindi ko masisi ang sarili ko na mag isip na wala nang magmamahal sakin. Kung ang sarili ko ngang ate hindi magawa ibang tao pa kaya? Masakit man isipin pero mukhang wala na yata.
"Pero pag nakita mo na yung para sayo, magso-slow mo ang mundo. Uulan ng shooting stars..." Natawa naman ako. Ganon pa rin sya. Pinapatawa nya ako, kaya ako nainlove sa kanya ay dahil don. Pero ngayon alam ko kung hanggang saan lang ako, hanggang ganito lang talaga kami. Hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Asawa sya ng ate ko at kahit baliktarin ang mundo ay hindi magbabago ang bagay na yon. Dapat lang na tanggapin ko yung katotohanan, sarili ko lang kasi ang niloloko ko kapag nagkataon.
BINABASA MO ANG
Her Affliction
Fiction généraleLahat ng tao natuto kapag nasasaktan. Pero patuloy pa din ang buhay. Hindi nadadala sa mga pinagdaanan. Kahit paulit ulit na nasaktan. Patuloy pa din sa pagmamahal. Si Hestia ay isang babae na naghahangad na maging masaya, tanggap ng pamilyang...