13. Kisses
"Bakit ba kasi nawala kayo sa likod namin? Pa- vip ka, Hestia ha!" Sita sa akin ni Ayce ng makababa ako ng sasakyan ni Sir Apol. Nasa labas sila ng gate ng bahay noong babae dahil inantay nila kami.
"Sorry na nga diba? Nasaan na ba sila?" Tanong ko. Nararamdaman kong nakasunod sa amin si Sir Apol. Napahigit ako ng hininga ng maalala ko ang naging pag uusap namin. He said he'll try. I want to see him trying. He deserve something than being a second choice.
"Nasa loob, nagagalit si ate mo. Hindi naman daw ikaw ang magpapakasal dami mo pa daw arte." Siniko ko kaagad si Mutya. Nagpatiuna silang maglakad dalawa papasok ng bahay.
"Ano, kung gusto mo namang umalis na okay lang naman. Hindi mo naman kailangan sumama." Mahinang sabi ko kay Sir Apol. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng pagtitig nya sa akin.
"No, I'll stay after this your Mom says that we will have picnic and I'm looking forward to that." Gusto ko man makipag away sa kanya ay hindi ko na sya nasagot dahil sinalubong kami ng nanay ko at hinatak ako papalapit doon sa pwesto nila at mukhang nag uusap usap.
Nahagip ng mga mata ko si ate at si Jiad. Jiad smiled at me, alangan ko namang binalikan sya ng ngiti dahil baka mabato ako ni Ate Lyn ng flower vase.
"May tiwala naman ako sa anak ninyo, kaya nga't sinabi ko dito kay Jane na 'wag na magkaroon ng magarbong pamamanhikan dahil matagal ko naman na din na kilala itong si Mac." Sabi ng Tatay ni Jane na mapapangasawa ni Mac. Napangiti naman ako dahil mukang proud na proud si Tita Flor sa anak nya.
"Nako, pasensya na talaga kung ganito lamang ha. Balak nga naming magpicnic pagkatapos nito, sumama kayo Mare para naman makapag usap tayo ng maayos at makapagpahinga din kayo." Tumango naman ang mga magulang ni Jane.
Parang may nagbe-burst out na puso sa gilid nila Mac at Jane. They are so inlove, I can taste it in the air. Sa pagtingin palang ni Mac ay malalaman mong mahal nya talaga si Jane. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganon? Napabuntong hininga ako. Malabo, mayroon ngang nag aayang magpakasal sa akin para lang naman makuha ang babaeng may asawa na. Yung taong minahal ko naman asawa na ng ate ko. What a life!
"Panigurado magiging masaya ang picnic mamaya, marami tayo at puro mga bata ang kasama natin. Salamat sa pagtitiwala sa pamilya namin." Dugtong pa ni Nanay. Hinaplos ko naman ang likod nya.
"Teka lang, hindi ba sya si Apol Alvarez?" Singit ng nakakabatang kapatid yata noong Jane. Nakatanghod sya kay Apol na nakatayo sa gilid ni Chris. Lahat naman kami ay napatingin kay Apol. Andoon na naman ang mapaglarong ngiti nya. Gusto ko syang sapakin sa mukha.
"Ay oo nga, Miles. Napanood ko sya sa tv nung nakaraan!" Napa-facepalm ako. Bakit pa kasi sya sumama? Edi sya na ang mayaman! Nakakabwisit. Agad namang tumayo si Mac at umakbay kay Apol na ikinagulat ko.
"Pa, Ma. Sya nga po si Apol Alvarez, magiging asawa po nitong pinsan ko." Ngiting colgate si Mac habang pinapakilala si Sir Apol. Nakatingin sya sa akin kaya binalingan nila ako. "Eh parang kapatid ko na din naman po 'tong pinsan ko kaya parang bayaw ko na din sya. Diba, bayaw?" Natatawang tumango naman si Apol. Nanlaki ang mata ko.
"Magandang umaga po. I'm Apolcinto Alvarez. You're choosing the right guy for your daughter." Napanganga ako. Sana ay goodmorning na lang ang sinabi nya dahil halata namang namimilipit ang dila nya. Nagfist bump pa si Mac at Sir Apol. Para silang gago, ineendorse pa yata nila ang isa't isa.
"Sabi ko na't mabait na bata talaga si Mac kahit bayaw nya sinasabing mabait sya." Dagdag ng Tatay ni Jane.
"Dalawa na po pala ang ikakasal sa pamilya nyo." Nakangiting sabi ni Jane at tumingin sa akin. "Congrats din sayo."

BINABASA MO ANG
Her Affliction
Ficción GeneralLahat ng tao natuto kapag nasasaktan. Pero patuloy pa din ang buhay. Hindi nadadala sa mga pinagdaanan. Kahit paulit ulit na nasaktan. Patuloy pa din sa pagmamahal. Si Hestia ay isang babae na naghahangad na maging masaya, tanggap ng pamilyang...