1. Maybe

59 0 0
                                    

1. Maybe

"Bring me those papers tomorrow, Hestia."

Ngumiti ako. Kahit kailan talaga tong boss ko, parang laging may galit sa mundo. Laging nakasambakol ang pagmumukha, lagi pang masungit akala mo laging meron, daig pa ko. Minsan hindi ko din maintindihan tong boss ko. Napailing na lang ako.

"Yes, Sir." Hindi naman sya nakatingin sa akin, nakatanaw na naman sa glass window ng office nya at bumubuntong hininga.

"Sir, tumawag pala Mommy nyo. She says na may bi-nook syang dinner date sayo with Ms. Like." Natawa naman sya. Pumunta na kasi yun dito and she was like 'Omg, where is Christian? Im like 30 mins na here and he's so like late. Like Im sweaty na kakahintay sa kanya! Like oh my gosh.' Jusko once in a blue moon lang yan. Kaya ngumiti din ako.

"Ayan Sir! Mas pogi kayo pag nakasmile!" Inirapan naman nya ako, natawa ko lalo. May pagkamaldito talaga tong si Sir Christian. Pasalamat sya at natitiis ko sya, syempre pinapasahod naman nya ako no.

"You may go." Pagdidismiss nya sakin.

"Ang sungit mo boss. Kaya muka kang matanda!" Tumawa naman ako dahil sumimangot sya lalo. Kinawayan ko na lang sya at lumabas ng opisina nya. Matagal na din akong nagtatrabaho dito at sanay na ako sa problema nya sa mundo. Naiintindihan ko naman si Sir Christian, alam ko ang pakiramdam ng iniwan.

Iniwan ng isang tao para sa iba. Iba nga lang ang kaso ni Sir - but that is another story.

Tinungo ko ang elevator pababa sa department ko. Ako, ang problema ko sa mundo? Naiwan din ako.

Naiiwang mag isa, parang walang kakampi. Ni walang tumulong na pulutin ang basag kong puso. Wala naman kasi akong masisisi. Sa tingin ko ako din ang nagkamali, hindi naman mangyayari sa akin to kung hindi din ako ang dahilan.

Lumabas ako ng elevaror at tinungo ang desk ko sa opisina.

"Uy Hestia! Sama ka samin mamaya! Lets go clubbing! Tugs tugs tugs!" Pag aaya sa akin ng bakla kong officemate na si Ayce. Umiling naman ako kaagad sa kanya atsaka ngumiti.

"Bakla, alam mong hindi ako pwede magpagabi. Aswang ako baka makakagat ako sa labas wala akong pampagamot kung sakali."

"Palagi ka namang ganyan! Nakakainis ka!" Tiningnan ko naman si Jean. Nakanguso sya sa isang tabi at kunwaring nagtatampo.

Pag kakaisahan na naman ako ng dalawang to. Anong bago? They always invite to parties, bars or kahit anong gathering basta marami ang tao. Ayoko lang talaga lumabas, palagi nga nila akong sinasabihan na anti social. Siguro taong bahay lang talaga ako.

"Be naman. Alam mo naman ako. Next time na lang?" Umiling naman sya. Nakailang next time na din kasi ako sa kanila pero di naman natutuloy. I just dont have the guts to went to places like that. Mas gusto ko pang umuwi at matulog.

"May magagawa ba ang beauty namin? Pasalamat ka labs ka namin girl!" Ngumiti ako. Thankful ako sa kanila dahil kahit papano eh naiintindihan ako ng dalawang baliw na to tsaka natitiis nila ang ugali kong to.

"May beauty ka? Hus, san banda?" Nakangiting biro ko.

I don't hate people. Sabi nga nila, choosy lang ako. Ayoko kasi ng taong pagnakaharap ako tsaka lang mabait and then pag talikod ako tsaka ako sasampalin hanggang sa mamaga ang dalawang pisngi ko.

Pero masakit man isipin, nangyari ang bagay na iyon sa akin. Worst is, sariling kong kapatid - I mean, tinuturing ko pang kapatid ang gumawa noon sa akin. Ampon kasi ako. Lumaki ako ng alam ko ang bagay na iyon, I'm happy with my family. Dahil kahit minsan hindi nila ipinaramdam ang pagiging ampon ko.

Her AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon