18. The feeling
Hindi ako mapalagay habang naglalakad papuntang entrance ng opisina. Mahigpit ang kapit ko sa palda kong suot na lagpas tuhod. Kinakabahan ako, ni hindi ko sya nililingon dahil nahihiya ako. Makatulog ka ba naman habang nagka-cuddle kayo. Inantok ako sa kakahaplos at hinga nya sa buhok at tenga ko.
"You're red." Hinawakan ko ang pisngi ko at ngumuso.
"Mestiza ako, tsaka ang aga aga pa. Malamig." Sagot ko at naunang maglakad. Pinindot ko na ang elevator. Nakita kong nakasunod pa din sya sa akin. Iba na ang suot nyang damit kesa kagabi. Naka tshirt sya ngayon na white na hapit sa braso at dibdib nya at khaki shorts.
"U-umuwi ka ba kagabi?" Umiling sya. Para namang nabasa nya ang naiisip ko.
"I have extra clothes in my car. I've changed earlier this morning while you were sleeping." Nahihiya ako. Nakita nya akong natutulog, not once but twice. Alam ko namang hindi ako kagandahan matulog. Compare kay Amity na mukhang dyosang impaktita. Bumukas ang elevator kaya pumasok ako kaagad.
"Teka, umuwi ka kaya muna? A-ano.. Kaya ko naman mag isa." Sabi ko sa kanya. He arched his eyebrows.
"I'm just gonna drop you off your office then I'll fucking go. No need to fucking shoo me, Hestia. Bakit? May lalaki ka don?" Napanganga ako sa kanya. Grabe ang judgmental nya!
"Inaano ba kita? Ang sungit mo! Pakielam mo ba kung may lalaki ako? Hindi naman kita pinapakielamanan." Humalukipkip ako at tumingin sa buttons ng elevator. Grabe sya ha! Isa syang malaking bipolar na may malaking katawan na parang masayang hawakan. What?
Hinawakan nya ako sa braso at hinapit papalapit sa kanya. His lips touched mine and I felt a thousand of electrons running on my body. Napapikit ako. Hawak ng isa nyang kamay ang pisngi ko at nakakapit sa bewang ang isang nyang kamay.
Kukulangin yata ako sa hininga, pilit kong nilalayuan ang bibig nya pero ng mailayo ko ito ay agad nya itong nahabol.
Ting!
Naramdaman ko ng bumukas ang elevator pero hindi pa din sya tumitigil. Nakarinig ako ng pagtikhim kaya itinulak ko sya palayo. Parang nag ice bucket challenge. Nanlalaki ang mata ko at nanlalaki ang mata ng iilan na nasa labas ng elevator.
"What a way to start the morning, Mr. Galvez." Gusto kong humawak sa dibdib ko pero pinigilan ko. Nandito si Sir Ajax.
"G- goodmorning S-sirs." Bati ko at agad na lumabas ng elevator.
"Your employees can take the elevator first." Sabi ng isang lalaki na nakasuot ng kulay gray na suit na lalong nagpatingkad sa gray nyang mata. Nakatingin sya sakin na mas lalong nagpakaba sa dibdib ko.
Nag uunahan naman pumasok ang iilang officemate ko na bababa yata. Nanlalamig ako, ang immoral ko! Nakakainis. Gusto kong sapakin si Apol at ilaglag sa elevator.
"Well, what a gentleman you are, fucker. Hinatid mo pa si Hestia dito at may goodbye kiss pa. You're the man!" Natatawang sabi ni Sir Christian.
"There's nothing funny about it, Mr. Galvez." Sagot naman ni Sir Ajax. "Kissing her in public doesn't make him a gentleman."
Nakita kong kumunot ang noo ni Apol. Palipat lipat ako ng tingin sa kanilang lahat. Sir Ajax seems irritated, Sir Christian is wearing his boyish grin at ang lalaking nakagray suit ay nakatingin sa akin. There's something about him. Napatingin ako kay Apol na nakatiim ang panga.
"You have a fucking problem? She's mine. I can kiss her because she's mine so fuck off." Matigas na sabi ni Apol kay Ajax Andrade. Sasagot sana ito ng magsalita ang lalaking nakagray.

BINABASA MO ANG
Her Affliction
General FictionLahat ng tao natuto kapag nasasaktan. Pero patuloy pa din ang buhay. Hindi nadadala sa mga pinagdaanan. Kahit paulit ulit na nasaktan. Patuloy pa din sa pagmamahal. Si Hestia ay isang babae na naghahangad na maging masaya, tanggap ng pamilyang...