24. Hurt
"Saan mo gusto kumain, friendster?" Siniko ko naman si Ayce habang naglalakad kami sa loob ng mall. Napagdesisyonan naming kumain sa labas ngayon ng kaming tatlo lang. Sweldo din naman kasi at dahil na din kay Jean na namumugto ang mata.
"Jean, san mo gusto?" Tanong ko. Binalingan naman nya ako. Parehas silang nakaangkla sa akin at ako ang nasa gitna."Sa lugar kung saan makakalimutan ko sakit na ipinadama ng gagong manggagamit na yon." Napabuntong hininga ako. Maghapon ng ganito si Jean dahil iniwanan sya ng boyfriend nyang taga kabilang department namin.
Muntikan pa syang magpasa ng resignation kanina dahil ang sakit sakit daw. Things we do when we are in pain. Napangiti ako ng mapait. Pumasok kami sa isang fastfood chain. Kokonti lang ang tao kaya maraming space.
"Kami na oorder, Hestia. Kailangan malibang nitong loka loka na 'to!" Sabi ni Ayce at ibinaba ang bag nya sa kaharap kong upuan. Tumango naman ako at ngumiti. Nang tumalikod si Ayce ay bumagsak ang sulok ng bibig ko.
Tumingin ako sa labas ng fastfoodchain, malapit kasi kami sa salamin. Hindi ako pwedeng maging malungkot. Kailangan kami ni Jean. Ano ba ang dapat kong ikalungkot kung alam ko namang simula palang ay wala na akong pagkakataon?
Hindi na ako natuto. Hindi naman ako masokista pero bakit naaattach ako sa taong may kakayahang saktan ako. Hindi nya naman kasi ako kahit kailan mamahalin. Ako din naman kasi ang mali, ako yung malambot ang loob. Pinakitaan lang ng kagandahang loob ay umasa na. Asa kasi ako ng asa.
Bumuntong hininga ako ng maramdaman kong nag init ang mata ko. Nang tumayo ako kahapon ay parang gusto ko na lang ulit matulog ng maalala ko ang nangyari nung nakaraang gabi. He still loves her. At kaya nyang suungin ang lahat para lang sa Amity na yon.
Sino ba naman kasi ako? Girlfriend? Ngayon ko narealize na kagaguhan lang ang lahat ng sinabi nya sa akin. Past time nya lang ako, wala na eh. Wala na akong ibang maisip kung bakit sya lumalapit sa akin. Sana kasi hindi na sya ganon umakto para hindi na ako umaasa. Nasasaktan kasi ako. Ang hilig kong pumasok sa gulo na hindi naman naaayos.
"Uy, umiiyak ka ba?" Napatingin ako kay Jean na umupo sa tabi ko. Nakaorder na pala sila.
"Hindi, nahikab lang ako." Sabi ko at pinunasan ang mamasa masang mata ko. Hindi na dapat nilang malaman ang nararamdaman ko ngayon. Kasalanan ko ito, kasalanan ko ito dahil hindi ako lumayo kay Apol.
"Akala ko umiiyak ka. Nakakasawa ng umiyak, ang sakit sakit pero si Mark parang hindi man lang nasaktan ng maghiwalay kami. Tangina non!" Napatingin ako kay Ayce. Nagsisimula na naman magdrama si Jean.
"Tanga mo kasi, mukha namang loko loko yun pinatulan mo pa. Mauubusan ka ba ng lalaki?" Sermon ni Ayce. Napakagat ako ng ibabang labi. Natatamaan ako sa sinasabi ni Ayce.
"'Wag ka ng umiyak dyan, hayaan mo na lang yon. Hindi worth it okay?" Paliwanag ko sa kanya. Napatingin naman silang dalawa sa akin.
"Kailangan ko bang magpamisa at hindi mo ko pinapagalitan?" Gulat na sabi ni Jean. Hinampas ko sya ng spoon sa braso.
"Hindi ba pwedeng sapat na yung galit ni Ayce? Aba pass muna ako! Gutom ako!" Natatawang sabi ko. Tumawa naman si Ayce at nakipag apir pa sa akin samantalang si Jean ay mukang tangang umiiyak na naman.
Inaayos ko ang kakainin namin. Sino ba naman na kasi ako para pagalitan sya diba? Isa rin akong tanga. Tangang tanga dahil pumatol sa taong hindi naman ako mahal at kahit kailan ay hindi ako mamahalin. Hindi naman telenovela ang buhay. Pumatol sa taong nagyayang pakasalan sya para mabawi ang babaeng yon.
"Kasi Ayce, mahal ko sya. Masama bang magmahal? Akala ko ba hindi mali ang magmahal?" Iyak ni Jean. Buti na lang at wala pa ring ganong tao dito sa kainan kaya hindi kami gaanong nililingon kahit namumugto na ang mata ni Jean.
BINABASA MO ANG
Her Affliction
Narrativa generaleLahat ng tao natuto kapag nasasaktan. Pero patuloy pa din ang buhay. Hindi nadadala sa mga pinagdaanan. Kahit paulit ulit na nasaktan. Patuloy pa din sa pagmamahal. Si Hestia ay isang babae na naghahangad na maging masaya, tanggap ng pamilyang...