20. Bluff
"Pasensya na talaga, wala kasi talaga yung wallet ko, Sir." Pagdadahilan ko ng hinatid ako ni Sir Ajax dito sa tapat ng bahay ko. He grinned at me, napangiti naman ako sa kanya. Para talagang nakita ko na sya dati.
"Don't call me Sir anymore, Jax na lang. Hindi naman ako matanda, gwapo lang." Pagbibiro nya. Lumabas tuloy ang dimple nya sa left cheek nya.
"Ay! Alam mo para makakuha ka ng chicks, dapat nisho-show mo yang dimple mo!" Hinarap naman ng batang lalaki ang left cheek nya sa batang babaeng nakapony ang buhok.
"Hindi ako tatablan nyan, excuse me!" Dinutdot pa ng batang babae ang cheeks ng batang lalaki kaya natawa silang dalawa.
"Hey, are you okay?" Napadilat naman ako at napatingin kay Ajax. Marahan akong tumango. Napahawak ako sa ulo ko, kung ano anong naiiisip ko.
"Oo, okay lang. Nahilo lang ako." Nginitian ko syang muli. Hindi ko alam pero gustong gusto ko syang nginingitian.
"Get inside, you better sleep. Pagod ka yata kakaiyak, here's my number. Ring me if you need anything okay? Treat me as uhmm... A brother."
His ash gray eyes look straight into mine. Wala sa sarili akong napatango at pumasok na sa loob ng bahay. Napakaweird ng mata ng lalaking yon.
Agad akong umakyat sa kwarto ko at pumasok sa banyo. Naghilamos ako ng mukha na para bang maaalis nito ang sakit na naramdaman ko kanina. Napatitig ako sa mga mata ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil may dalawang pares pa ng mata ang pumapasok sa isip ko.
Cold gray eyes at ash gray eyes. Ash gray eyes na kagaya kay Ajax. Siguro dahil gray din ang mata ko kaya napansin ko yon.
***
Ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan ko. Pagod na pagod ako, pakiramdam ko ay tumakbo ako ng Luneta ng limang ulit at hindi na kaya ng buong katawan ko. Gusto ko na lang mag shutdown.
Tinignan ko ang orasan ng bedside table ko, 10:30 na ng gabi. Napabuntong hininga ako. Kailan pa ako naging impulsive? Narinig ko lang na may sakit sya, nagmamadali na agad akong puntahan sya.
Mali eh, hindi ko maintindihan. He acted like he owns me, yun pala ay pag aari sya ng iba. Naging impulsive na naman ako parang hindi nangyari sakin 'to dati. Very very Jiad ang dating. Ang kaibahan lang eh kung halikan at i-cuddle at ihatid, itext at landiin nya ako ay parang may namamagitan samin.
Nakakainis, hinayaan kong mapasok nya ang buhay ko. In the first place, alam ko namang pretend lang ang lahat ng ito. Nadapa ako dahil pinatid ko ang sarili ko. Hindi na ako natuto.
Fiancee... Affair.... Ako...
Ano bang meron sya, bakit ang gulo ng buhay nya? Umasa ako sa promise nya na magmomove on sya eh. Subconciously, naniwala ako na nagmomove on sya. I won't deny it. Inisip ko yon, hindi ko lang ininda.
Napabuntong hininga ako.
Hindi ko naman kasi kayang baguhin ang buhay nya, hindi naman kasi sya sakin.
***
"Did you hear me, Hestia?" Nakatingin ako sa glass window ni Sir Christian. Tinatanaw ko yung ulap, ang kapal ng ulap ngayong araw at puting puti ito.
"Hestia? Hey, are you listening?" Napalingon ako kay Sir Christian na nagsasalita. Napatingin din ako sa organizer dahil wala akong naisulat miski isa sa sinabi nya.
"Sorry po Sir, paulit na lang po. Pasensya na." Mahinang sabi ko. Tinignan nya naman ako mula ulo hanggang paa.
"You look sick, may mali ba? Namumutla ka ah, kumain ka ba?" Tanong nya sa akin. Ngumiti ako ng alangan.
BINABASA MO ANG
Her Affliction
General FictionLahat ng tao natuto kapag nasasaktan. Pero patuloy pa din ang buhay. Hindi nadadala sa mga pinagdaanan. Kahit paulit ulit na nasaktan. Patuloy pa din sa pagmamahal. Si Hestia ay isang babae na naghahangad na maging masaya, tanggap ng pamilyang...