29. Enchanted
Nakangiti ako habang nagkekwentuhan kami nila Ayce at Jean sa canteen ng opisina. Kahit gusto kong pigilan ang pagngiti ko ay hindi ko magawa.
Good morning, hon. I'm on my way to office. I like you.
Lalo namang lumawak ang ngiti ko dahil naalala ko na naman ang text nya sa akin. Gusto kong manapak dahil sa nararamdaman ko, twenty three years of my existence daig ko pa yata ang teenager kiligin.
"Sige, Hestia. Ngumiti ka pa dyan na parang tanga." Napatingin naman ako kay Ayce na umiinom ng Coke. Nakatanghod pala sakin ang dalawa, agad ko namang itinikom ang bibig ko. Nakita kong ngumisi si Jean kaya napairap ako sa kanya.
"Nagjerjer-an kayo ni Sir Apol nung gabi nung kasal ni Mac ano?"
"H-hindi ah! Ano ka ba naman mag isip!" Depensa ko sa tanong ni Jean. Hindi naman kami nag ganon, nagusap lang naman kami saka kiss lang. Hanggang ganoon lang naman kami.
"Pwede ba, pa-virgin!" Natatawang sabi ni Ayce at nakipag cheers pa sya kay Jean ng coke in can. Muli akong napairap, wala talagang mahihitang maganda sa dalawang ito.
"Bakit ka ba nawala non? Nagmamadali kayong umalis." Sabi ni Jean at muling sumubo ng kinakain nyang kanin. "Akala nga namin mag kaaway kayo kasi ang passive mo noon."
Umiling naman ako. Dapat lang na hindi na nila malaman ang nangyari kagabi at nitong mga nakakaraan dahil panigurado, magagalit si Nanay kay Apol. Ayokong mangyari yon, kasalanan ko din naman 'to. I decided to give him another chance. Matalo na kung matatalo, ganito yata kapag mahal mo, magpapakatanga ka hangga't kaya mo.
"Well, atleast luma-love life ka talaga, friend. Isa pa, hindi ka na din distracted sa ate mo which is a good thing."
"Wala naman na talaga yon, tagal na noon." Sagot ko sa kanilang dalawa. Tumango naman si Ayce at nagpatuloy kumain.
Wala naman na sa akin ang nangyari noon, bigla na lang ako nawalan ng pakielam. Siguro dahil kay Apol, siya naman ang dahilan ng lahat. Sana lang talaga ay 'wag nyang sayangin ang chance na binigay ko. Pag dating kasi sa pangako, tagilid si Apol sa ganoon. Ayon ang napansin ko sa kanya. Para bang madistract lang sya ng konti ay makakalimutan nya na, pero I still believe na he will keep his promise. Ganon ako katiwala sa kanya.
Nagvibrate ang cellphone ko kaya agad ko yung kinuha sa mesa.
From: Apol Alvarez
Can you please go outside your building?
Tumaas ang kilay ko. Ano na namang gusto ng lalaking ito? Kung makautos akala mo ay okay na okay kami. Well, okay naman kami pero syempre nagtatampo pa din ako. Hindi pa din ako panatag ng maayos. Nagtipa ako ng irereply sa kanya.
Bakit?
Wala pang ilang segundo ay nagreply sya ulit.
Just go outside. Stop questioning me.
Lalong kumunot ang noo ko. Ano kayang meron sa labas? Nagpaalam naman ako saglit kila Ayce, meron pa naman kaming fifteen minutes para sa lunch break. Nagmamadali akong lumabas ng canteen, nasa ground floor lang naman ako kaya mabilis din akong nakalabas ng building.
Halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Apol na nakasandal sa pintuan ng lamborghini nya. He was wearing his casual clothes. Naka kulay white henley sya na itiniklop hanggang siko, naka khaki shorts. Magulo ang buhok nya pero nakadagdag lang sa kagwapuhan nya.
Nasa bulsa ang isa nyang kamay at sa kabila naman ay may hawak syang bouquet ng bulaklak. Kumabog ang dibdib ko. Nakagitna sya harap ng building!
Marami rami ding empleyado ang nakatanaw sa kanya. Napa-face palm ako, hindi ko alam kung lalapit ba ako o kung papasok na lang ulit ako sa loob dahil kumakabog ang dibdib ko. Kailan pa sya lalong gumwapo?

BINABASA MO ANG
Her Affliction
Ficção GeralLahat ng tao natuto kapag nasasaktan. Pero patuloy pa din ang buhay. Hindi nadadala sa mga pinagdaanan. Kahit paulit ulit na nasaktan. Patuloy pa din sa pagmamahal. Si Hestia ay isang babae na naghahangad na maging masaya, tanggap ng pamilyang...