2. Kakayanin

30 0 0
                                    

2. Kakayanin

Paguwing pag uwi ko ng bahay noon ay nagempake ako ng iilang damit. Sabado kasi bukas, tutal Linggo naman sa susunod na araw, Linggo na lang ako uuwi. Napahinga ako ng malalim dahil sa naging desisyon ko. Minsan ko lang din naman makasama ang Nanay. Apat na taon.

Lahat halos ng palusot ay nagawa ko na, minsan ay ginamit ko pa si Ayce na naospital. Wala na kasi akong maisip noon, nauubusan na din ako ng pangdahilan kaya ko nagamit si Ayce. Sinalansan ko ang gamit ko sa isang duffel bag.

Walong oras ang byahe pauwi sa amin kaya ngayon gabi na din ako babyahe. Nagpaalam na ako kila Jean, sabi ko ay sa susunod na lang ako manlilibre. Tumawag na din ako sa opisina para magpaalam na hindi ako papasok kinabukasan. Sumakay ako ng tricycle papuntang bus termimal habang kipkip ang gamit ko.

Umupo ako sa dulong bahagi at tumanaw sa labas, gabi na. Madilim na ang paligid, malamig ang simoy ng hangin sa labas na bahagyang pumapasok sa bintana, napabuntong hininga ako. Naalala ko ang Tatay, namimiss ko na sya. Sana ay nasa tabi ko pa din sya, sana buhay pa ang Tatay.

Muli akong napatitig sa langit, gabi din ng mawala sa amin si Tatay.

Si Tatay ang masasabi kong kakampi ko noon. Sya ang laging nasa tabi ko kapag kailangan ko ng kakampi. Ampon man ako pero mahal ako ni Tatay kahit naman ni Nanay.

Siguro totoo talaga na ang mababait na tao ang agad kinukuha ni Lord. Napakabait ni Tatay sa amin pero maaga syang nawala. Naiiyak ako ngunit pinigil ko, ayaw kong maging mahina. Sinabi ni Tatay na 'wag akong iiyak, kayanin ko ang lahat ng bagay kasi anak nya ko. Anak daw ako ng isang mangingisdang gaya nya na walang kinatatakutan.

Napangiti ako ng mapait mag-isa. Namimiss ko na ang mga ngiti ni Tatay at ang mga biro nya. Yung uuwian nya kami ni Ate Lyn ng mga seashells dahil alam nyang nangongolekta ako ng ganoon.

Pinunasan ko ang luha ko at sinubukang tumingin ng maayos sa labas. Dapat akong maging matatag. Natatandaan ko pa ang sinabi nya sa akin bago sya mawala.

"Hestiana, wag mong hayaang mahina ka. Dapat matatag ka. Kakayanin mo ang lahat ng bagay dahil alam kong malakas ka. Huwag mong hayaang mabago ka nila, ikaw ang bumago ng buhay nila, anak. Hindi kita hahayaang masira anak. Kakayanin mo lahat! Mahal na mahal kita."

Yaan ang huling sinabi ng tatay bago sya pumalaot noon. May dumaang malakas na bagyo kaya't lumubog daw ang bangka ng tatay, hindi ako makapaniwala ng ibinalita sa amin yon. Natatandaan ko pa na ayaw syang payagan ni Nanay noon dahil nga may paparating na bagyo ngunit mapilit si Tatay, sasaglit lang daw sya ng palaot para kahit papano ay magkapera kami.

Gusto kong tumalon sa dagat noon at hanapin ang tatay pero pinigilan nila ako noon. Wala na sya. Halos mamatay ako kakaiyak noon ni hindi man lang namin nakita ang katawan ni Tatay. Ang sakit sakit, parang gusto ko na lang din mawala sa dagat noon. Halos pinipilit na lang akong buhayin ng puso ko noon, pero may isang tumulong sa akin - si Jiad.

***

"Miss! Andito na tayo."

Nararamdaman ko ang pagdampi ng sikat ng araw sa pisngi ko. Ayoko pang tumayo, sumasakit ang sentido ko dahil sa pwesto ng pagkakasandal ko. Hindi ko pinansin ang nanggising sa akin.

"Pakipatay naman yung araw." Bulong ko. May kumalabit naman sa akin ng marahas. Napadilat ako, wala pala ko sa bahay, nasa bus ako at mukang tulo laway pa!

"Aba, Miss hindi hotel 'to! Tumayo ka na dyan, ikaw na lang ang nandito!" Sermon ng konduktor. Sumimangot naman ako. Tumingin ako sa relo ko ala sais na ng umaga. Kakarating lang siguro nitong bus.

"Hello kuya! Wala naman akong sinabing hotel to. Nakatulog lang yung tao, sungit mo!" Sabi ko sabay tapik sa braso nya. Ang aga aga eh nakasigaw ang kunduktor, mainis na pa ako eh baka i-lock ko sya sa loob ng bus na 'to. Nakakahiya man eh kasalanan ko din naman, ngalang inaway ako eh.

Her AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon