27. Another chance
Lalong nanikip ang dibdib ko sa ginawa nya. How dare he touch me? Matapos nyang magpakasasa sa ibang babae. Hahawak hawakan nya ako?
"Bitaw.." Bulong ko. Mas lalo lang humigpit ang hawak ko buti na lang ay hinigit ako ng Tita Flor. Napabitaw sya at laking pasasalamat ko dahil baka naihampas ko sa makapal nyang muka ang flower arrangement na sa table.
"Hestia, sumali ka doon! Ibabato na yung flower ni Jane, dapat ikaw ang makasalo!" Nanlaki ang mata ko dahil doon, napatayo din si Ayce at Jean.
"O my god, taralets!" Sigaw ni Ayce. Hinatak naman sya ni Mutya.
"Teh, babae lang don. Maupo ka kami ang sasali!" Hinatak nila ako papunta malapit sa stage. Laking pasasalamat ko ng makalayo ako kay Apol. My head is hurting and my heart. Lalong sumasakit dahil sa inaarte nya.
Nandoon din ang iilang babaeng bisita nila Jane at Mac. Hawak ni Jane ang mic at nagsalita sya.
"Ang makakasalo ang susunod na ikakasal!" Tawa syang tawa atsaka tumalikod. Lumayo ako ng bahagya dahil wala naman akong balak makipag agawan sa bulaklak. Baka nga hindi na ako ikasal. Nanlaki ang mata ko ng may mapansin akong bagay na papalipad sa akin, sinalo ko ito. Pumalakpak naman sila.
"Ay Mac! Kay Kuya Apol ang garter!" Napansin kong yung bulaklak pala ang nasalo ko at agad kong iniabot yon sa katabi kong babae. Ayaw nya itong tanggapin.
Naupo si Jane sa upuan at inalis na ni Mac ang garter. Mukha akong tangang nakatayo doon. Hinatid pa ni Jiad at Chris si Apol papalapit sa amin. Gusto kong tumakbo palabas.
"Upo!" Sabi sa akin ni Jane. Umiling naman ako pero kinaladkad nila ako at pinaupo. Napatingin ako kay Apol. Ngayon ko lang napansin na navy ang kulay ng suit nya. Wala syang suot na tie, lumuhod sya sa harap ko. Medyo mahaba pa rin ang buhok nya katulad nong pumunta sya sa bahay. Our eyes met at gusto kong umiyak.
He held my feet, ipinasok nya ang garter sa paa ko and he's looking straight into my eyes. His brown eyes piercing my soul. There's something in his eyes na hindi ko maintindihan. Darating kaya ang panahon na ikakasal kami? Darating kaya ang panahon na mamahalin nya ako? Hindi. Mahal na mahal nya si Amity and that hurts. It hurts.
Napatayo ako ng nailagay nya ang garter. Hanggang tuhod ang dress ko kaya kahit hindi pa tapos ay tumayo na agad ako. Nagpalakpakan naman ang mga tao at nagsimula na ang sayawan.
Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Lumabas agad ako ng venue, huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay nawawalan ako ng hangin sa katawan.
Ang sakit. Ang sakit sakit, he's acting like there's nothing wrong and that hurts me. Iniwan nya ako, iniwan nya ako dahil kahit kailan hindi nya ako mamahalin. Tumakbo ako sa garden ng venue.
Maling mali eh, dapat hindi sya nandito. Dapat wala na sya sa buhay ko. I pushed him away, yet he's here. Hindi ko kaya, hindi ko kaya na baka kausapin nya ako at manlambot ako dahil alam kong sa oras na hawakan nya ako ay tatanggapin ko sya ulit pabalik.
Natatakot ako na baka tanggapin ko syang muli dahil mahal na mahal ko sya. Alam ko, hindi ko na idedeny. Mahal ko na sya at ang sakit sakit. Nasasaktan ako, dahil hindi nya kahit kailan masusuklian ang pagmamahal na yon.Sa dami ng pwedeng mahalin sa mundo, bakit sya pa? Bakit sya pa na napakakomplikado?
Tuloy tuloy ang pagbuhos ng luha ko. Nakaupo ako sa isang bench na malapit sa fountain ng garden.
"Hestia, stop crying." Agad kong pinahid ang luha ko sa mga mata ko kahit na patuloy ito sa pag agos. Huminga ako ng malalim at sinalubong ang mga mata nyang nakatuon sakin. Humakbang sya papalapit sa akin.

BINABASA MO ANG
Her Affliction
Ficción GeneralLahat ng tao natuto kapag nasasaktan. Pero patuloy pa din ang buhay. Hindi nadadala sa mga pinagdaanan. Kahit paulit ulit na nasaktan. Patuloy pa din sa pagmamahal. Si Hestia ay isang babae na naghahangad na maging masaya, tanggap ng pamilyang...