19. Fiancee
Napatayo ako ng bigla ng marinig kong may kumakatok sa pintuan. Nagmamadali akong lumakad para buksan 'to dahil sunod sunod ang pagkalabog ng pintuan.
"Sino yan?" Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng black suit. Tumaas ang isang kilay ko, MIB ang peg ng lalaking ito. Napabuntong hinga ako, akala ko ay sya na. Hindi pa pala.
Tatlong araw na ang nakakalipas simula nung huli kong nakita si Sir Apol. Hindi na ako magdedeny pa pero hinahanap hanap sya ng sistema ko. I just want to see him.
"Ano po iyon?" Tanong ko sa kanya at pilit na tinago ang pagiging dismayado ko.
"Ipinapasabi ho ni Sir Apol na hindi po nya kayo mapupuntahan dahil may kailangan syang asikasuhin." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Simula nung nakaraang call incident ay halos tatlong araw na kaming hindi nagkikita. Nagtetext lang sya at hindi na tumatawag. Oo, nakaramdam ako ng panghihinayang at hindi ko alam kung bakit.
"Sino ho kayo?" Muling tanong ko dito. Ngumiti naman sakin ang middle aged na lalaki.
"Ako ang driver ni Sir Apol, ipinapasabi nya ho yon." Paliwanag nito sa akin. Tinanaw ko ang likuran nito at napansin kong may sasakyan nga itong dala.
Napaisip ako. Anong meron? May inaasikaso sya? Bakit hindi nya sinabi? Hindi naman ako pwedeng magdemand kaya hindi dapat ako magtampo diba?
"Pwede ko ho bang malaman kung anong inaasikaso nya?" Nakita kong parang ayaw pang magsalita ng driver ni Apol pero nginitian ako nito.
"May sakit ho kasi sya, magtatatlong araw na."
Nanlaki ang mata ko at nagmamadali akong bumalik sa sala para kunin ang cellphone ko. Kaya ba hindi nya ako napupuntahan? Kaya ba nagtetext lang sya kasi may sakit sya?
Agad kong binalikan si Manong Driver, hindi na din ako nag abalang magpalit ng damit. Kakauwi ko lang galing trabaho at nakapambahay lang ako, isang puting t-shirt at shorts, nagtsinelas na lang din ako dahil nagmamadali ako.
"Manong! Dalhin nyo ho ako kay Apol." Sabi ko habang nilalock ang pinto. Kinakabahan ako, bakit sya nagkasakit? Sumasakit ang ulo ko dahil nagtatampo ako yun naman pala ay may sakit sya.
"Nako, Ma'am. Bilin ho nyo ay 'wag nyo syang pupuntahan kaya ayaw nyang ipasabi ang dahilan."
"Manong! Tara na po!" Walang nagawa si Manong kaya sumunod din sya sakin.
Nagmaneho na si Manong Driver at napatingin ako sa labas. May sakit sya pero hindi man lang sya nagsabi. Sino kayang nag aalaga sa kanya? Nilalagnat kaya sya? Napuno ng kaba ang dibdib ko.
"Kelan pa po sya may sakit?" Tanong ko kay Manong. Nakatingin pa din sya sa dinadaanan nya ng sumagot sya.
"Noong nakaraang tatlong araw pa, hija. Nilalagnat si Sir pero ang tigas ng ulo. Ayaw pang uminom ng gamot, nagagalit na nga din ang Mommy nya eh."
Ibinaba ako ni Manong sa tapat ng isang malaking condominium building. Paglabas ko ay sinabi lang sa akin ni Manong na sa penthouse ang tinitirhan ni Sir Apol.
Sumakay ako ng elevator at sa penthouse ito huminto. Mukhang dito nakatira si Sir Apol. Pag bukas ng elevator ay may malaking pinto. Kinakabahan akong kumatok dito. Nakayuko pa ako ng bigla itong bumukas at sinalubong ako ng isang babae.
Nakasuot ito ng isang kulay puting dress at nakalugay ang buhok nito. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Bakit hindi ko naisip magbihis? Sumulpot sa likod nito ang isa pang babae na nakasuot naman ng blue na dress at nakabraid ang buhok.
"Who's that?" Tanong ng isang boses sa loob ng penthouse. Kilala ko ang boses na yon kahit hindi ko nakikita ang mukha nya ay kilala ko sya. Biglang ngumiti ang babae sa harap ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/46104224-288-k965822.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Affliction
General FictionLahat ng tao natuto kapag nasasaktan. Pero patuloy pa din ang buhay. Hindi nadadala sa mga pinagdaanan. Kahit paulit ulit na nasaktan. Patuloy pa din sa pagmamahal. Si Hestia ay isang babae na naghahangad na maging masaya, tanggap ng pamilyang...