15. Stay

18 1 0
                                    

15. Stay

Nakapangalumbaba ako ngayon sa canteen ng office. Patuloy lang sa pakikipagkwentuhan si Ayce at Jean habang ako ay nakatunganga sa binili kong kanin at sisig na may mayonnaise. Lunch break namin ngayon kaya nandito kami.

Iniisip ko pa din yung mga nangyari nung nakaraan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, hinayaan kong mangyari ang mga bagay na yon. Kilala ko ang sarili ko alam ko yon pero bakit ngayon ay hindi na. Gumagawa ako ng mga bagay bagay na hindi ko maimagine na hahayaan ko.

Iniiwasan ko si Sir Apol. Oo, hindi ko alam kung bakit. Kung ano ano nang sinasabi kong dahilan kila Ayce pag nagtatanong sila. Pero may iniiwasan bang hindi ka naman hinahanap? Hindi naman nya ako hinahanap pero umiiwas ako, ayoko syang makita. Nung umuwi kami pagkatapos ng picnic ay tinext nya pa ako pero hindi ko sya nireplyan. Number lang yon pero alam kong sya yon. Ibinlock ko pa sya para hindi nya ako matext or matawagan. As if naman tinatawagan nya ako tsaka tinetext diba?

Sleep well, hon.

Kahit walang pangalan yon, alam kong sya yon. That was four days ago. Hindi ko kasi alam ang naramdaman ko noon sa batis, ni hindi ko nga masyadong napagtuunan ng pansin na nandoon si ate at Jiad. Dati kapag makasama ko lang sila pakiramdam ko ay babagsak ang sistema ko pero noon hindi ko man lang naalala na nasasaktan ako pag nakikita ko sila. My thoughts are so busy that time at hindi na ako magdedeny dahil si Sir Apol ang iniisip ko noon.

"Friend, tignan mo yon." Tawag sa akin ni Ayce at tumuro sa ceiling ng canteen. Sumunod naman ako ng tingin doon.

"Alin?"

"Utak mo friend, ayun oh lumilipad. Earth to Hestia! Daldal kami ng daldal tapos flying pegasus ang utak mo. Anong problema mo?" Sabi ni Jean atsaka uminom ng coke zero nyang nasa can. Sumimangot naman ako.

"Wala! May naisip lang ako," Nakita kong nagtinginan silang dalawa kaya umirap ako. "Wala nga, 'wag malisyosa."

Tumango naman silang dalawa at pinagusapan yung lalaking crush nila na nasa legal department ng kompanya. Napangisi ako sa kanilang dalawa. Parehang abnormal ang dalawang ito. Napabaling naman ako sa bandang glass door ng canteen. Pumasok mula doon ang babaeng yon -- si Amity.

She was wearing a royal blue maxi dress, her hair is falling freely and her signature red lipstick. Para syang goddess mula sa Olympus at ibinaba dito sa canteen. Kasunod nya ang asawa nyang si Tristan at si Sir Christian. Nag iwas ako ng tingin at muling nakinig sa dalawa. Bakit sila nasa canteen? Hindi sila bagay dito.

Napanguso ako. She's really pretty. What a pretty little liar, parang tv series lang sa US. Looks can be deceiving talaga, she looks very pretty pero may ginagawa silang katangahan ni Sir Apol. Napabuntong hininga ako, alam ko naman na hindi itatry ni Sir na layuan yung babaeng yon. Empty words. Empty promises, sino ba sya para magpromise sa akin diba? Or sino ba ako?

Napatingin ako sa glass door ulit dahil may pumasok na naman, lumakas ang tibok ng puso ko. Magkasalubong ang makakapal nyang kilay.

Bahagya kong niyuko ang ulo ko. Hindi ako mapakali, gusto kong tumakbo palabas ng canteen na hindi napapansin ng kahit sino. Sumasakit na ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Bulong ko sa dalawa. Akmang lilingon sila pero agad ko silang sinaway. "'Wag kayong lilingon, mababaog ka Jean at ikaw naman Ayce hindi ka makakahanap ng boylet forever!" Mahinang bulong ko. Hindi naman sila lumingon dalawa. Mukha kaming tangang tatlo dahil pare pareho kaming nakayuko ng bahagya.

"Bakit ba? Para kang timang, Hestia! Nahawa ka na kay Mutya." Bulong din ni Ayce at halatang naiinis na. Inirapan ko sya.

"Mukha tayong tangang tatlo, pakshet! Baka pumasok yung crush ko sa legal department hindi nya ako makita!" Akmang babatukan ko sya ng may nagsalitang nasa harapan namin.

Her AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon