6. Illicit lover

25 0 0
                                    

Nakatitig lang ako sa mga mata nyang almond ang shape, he has that almond dark brown eyes. Gusto kong magsalita pero nanuyo yata ang dila ko sa sitwasyon na kinahaharap ko ngayon. Tama naman ang sinabi ko, kabit sya. Isa syang tao na naninira ng dalawang nagsasama. Huli na ba ako sa balita na hindi na kabit ang tawag don? Ano 'to? Gusto nyang tawagin ko syang Legal husband? Nakita kong ang pagguhit ng ngisi sa pagmumukha nya at para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa ginawa nya sa akin.

"Get inside." Simple nyang sabi at binuksan ang passenger seat ng sasakyan.

"Baliw ka ba? Ba't ako sasakay sa kotse m-mo?!" Nanginig ang boses ko sa pagsigaw sa kanya. Ramdam na ramdam ko pa din sa labi ko ang labi nya, gusto kong humawak sa tuhod ko at maghabol ng hininga! Gusto ko syang sakalin at imgudngod sa buong parking pero hindi ko magawa dahil nga sa kabang umaakyat sa buong sistema ko.

"Just get inside." Sagot nya na parang naiinip pa. Tiningala ko sya at nakita ko na parang naiinis na sya. Umatras ako at akmang tatalikuran sya pero hinatak nya akong muli at pilit na ipinasok sa sasakyan nya.

"Hoy! G-gago ka ba?! Aray!" Naumpog pa ako sa bubong ng kotse nya dahil sa sapilitang pagpasok nya sa akin sa sasakyan nya. Mabilis syang umikot sa driver's seat at inistart ang sasakyan.

"Bababa ako! Kidnapping 'tong ginagawa mo!" Sigaw ko sa kanya sa loob ng sasakyan. Tumaas ang kilay nya kahit na sa kalsada sya nakatingin. Lalo akong kinabahan. "Pwede ba bababa ako kung hindi ipapa-blotter kita at hindi 'yon joke!"

"Can you please stop shouting and just fucking stay still. Gusto mo bang dagdagan ko pa ang kaso sayo?" Nakangisi nyang sagot sa akin. Grabe, abnormal yata ang lalaking ito! Kanina lang ay halos lamukusin nya ang bibig ko sa galit pero ngayon naman ay nginingisian nya ako? What the hell is wrong with the world!

"Ano ba? Seryoso ka ba? May trabaho ako! Bababa ako! Itabi mo!"

"If you wan't to go out and then jump." Simple nyang sabi at iniliko ang sasakyan nya. Nanlalaki ang mata ko syang tinignan. Saan nya ako dadalhin? 'Wag nyang sabihing kukunin nya ang puri ko? Putangina! Kailangan kong makatakas dito! Lalo akong kinabahan. Hindi bale nang masugatan ako 'wag lang ako manakawan ng dignidad, inabot ko kaagad ang bukasan ng pinto pero hindi yon mabukas. Nagulat ako ng tumawa sya ng malakas.

"You amaze me, woman! Tatalon ka talaga? Oh fucking jeez!" Halakhak nya at tinignan ko lang ulit sya. Huminto ang sasakyan at agad syang bumaba habang umiiling iling. Agad din naman nyang binuksan ang pinto na katabi ko at hinatak ako palabas.

"Teka, 'wag po! Sige ipakulong nyo na lang ako 'wag nyo lang po ako ng hahawakan!" Sabi ko habang hinahatak ang kamay ko, huminto naman sya sa harap ko. Naglalaro ang ngisi sa bibig nya.

"Don't overthink, woman. We'll just eat. You think too much, I'm not that kind of guy." Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Masyado ba akong oa? Malamang hindi ko naman 'to kakilala kaya ganito ang utak ko!

"Bitawan mo nga ako! Leche ka, hindi naman kita kilala!" Binaltak nya lang ulit ako papasok ng isang coffee shop at nakita kong sinundan kami ng tingin ng mga nasa loob nito.

"Sit down, what do you want to eat?" Tanong nya at itinulak ako paupo sa isang upuang malapit sa glass wall ng coffee shop. Tinaasan ko sya ng kilay, ano bang kailangan nang isang kabit na gaya nya sa akin?

"Akala ko ba sa policestation tayo? Ano bang problema mo ha? You just pulled me out of my work! Hindi ako super free na tao para sabayan ang kagaguhan mo sa buhay, so if you'll excuse me. Aalis na ako." Buong loob kong sabi sa kanya. Ayoko sa presensya ng lalaking 'to. Gusto ko syang hambalusin ng upuan!

"No, you will eat with me, so now order. Miss!" Tawag nya sa waitress na nagdaan. Agad naman nya kaming dinaluhan at binigyan ng menu. Baliw ba ang lalaking 'to? Ni hindi kami magkakilala pero anong ginagawa ko sa harap nya ngayon? Something is wrong with this man!

Her AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon