4. Changes

16 0 0
                                    

4. Changes

Yung first kiss ko.

Yung first kiss ko.

Yung first kiss ko.

Nanakaw na ng isang mayabang, talipandas at sige aaminin ko na gwapong nilalang. Hindi ko alam pero para akong tangang lumalakad takbo pauwi sa bahay, nawalan ako ng first kiss! Naguusap kami ng matino tas manghahalik sya? Bagay lang sa kanya na masikmuraan! Hindi nya ba alam na pwede ko syang kasuhan ng harassment?

He's having an affair with someone and he has the guts to smirk at me? How dare he! Makapal ang mukha nya. Aba sino ba sya? Padala ba sya ng langit sa mga kababaihan? Hindi ko naman sinasadyang hampasin sya kanina, I was shocked for crying out loud. Kung sabihin nya na kumakabit sya ay parang pinakanormal na bagay yon.

Akala ko matino syang kausap pero hindi. Hindi ba naisip ng lalaking iyon na kabit sya?

Nagmamahal sya ng may sabit. Napailing ako. Pero hinalikan nya ako, hindi ko alam pero parang nag somesault ang puso ko, I've felt a shiver down to my spine, parang may pinasang kuryente ang labi nya patungo sa labi ko. Napahawak ako bigla sa labi ko.

"Hoy Hestiana!"

"Ay kiss!" Nagulat ako dahil biglang may bumaltak sa akin ng malakas. Nasa harap na pala ako ng bahay namin hindi ko napansin dahil iniisip ko pa din ang lalaking yon.

"Anong kiss ka dyan?! Nahalikan ka? Oh my gulay. Wag mong sabihing nahalikan ka ng mga tambay dyan? Jusko lang ha!" Binatukan ko nga si Mutya. Ang lakas lakas ng boses nya, kung microphone ako sa lakas ng boses ko, sound system naman sya.

"O sige lakasan mo pa ha? Hindi pa naririnig sa bayan eh!" Inirapan ko naman sya. Nginusuan nya lang ako, pumasok ako ng gate at nagulat ako ng biglang lumabas ang Tita Flor ko sa pinto. Napailing ako, nangumbita pa si Nanay kaya ayaw nya palang lumabas. Niyakap ako ni Tita.

"Sinong nahalikan? Ikaw?!" Umiling agad ako. Ano to? Ipagkakalat ko pa na nahalay ako sa dalampasigan kanina? Kapag nakita ko ulit ang lalaking yon ingungudngod ko sya sa mga sea urchins.

Napakaingay kasi ni Mutya, balak nya pa atang ipaalam sa mga bisita na nanakawan ako ng halik.

"Hindi po Tita." Sabi ko at pumasok kami sa loob. Actually kapit bahay namin halos lahat ng kamag anak namin, magkakasunod lang ang mga bahay namin dito kaya mga nandito din ito ngayon. Napangiti ako, I'm really happy dahil tanggap ako ng pamilya nila Nanay.

Marami raming tao sa loob ng bahay puro kamag anak namin, hindi ako magkamayaw sa pagngiti.

"Happy Birthday Hestiana!!" Sigaw nila ng mapansin nila akong pumasok ng bahay. Pinipigil kong umiyak sa sobrang tuwa, sa tagal din naman na hindi ako nagpakita dito ganon pa rin sila.

Mas maganda ng ganito, mawawala panandali sa isip ko si Ate. Inakbayan ako ng pinsan kong si Mac, umakbay din ako sa kanya.

"Apat na taon kang hindi nagcelebrate ng birthday dito kaya halos imbitahan ni Tita ang buong barangay!" Sabi nito habang ginugulo ang buhok ko para kaming tangang nagguguluhan ng buhok. Tawa ako ng tawa sa kanya. Halos kaedad ko lang ang pinsan kong ito at mula bata kami ay loko-loko sya.

"Dapat nga hindi na lang din yan umuwi ngayon." Nakaupo si Ate sa sofa atsaka umirap. Sinaway naman sya ng isa kong Tita pero kunyari ay hindi ko na lang napansin yon, alam kong alam nila na ayaw sa akin ni Ate.

"Nako, nanakawan ng kiss sa labas yang birthday girl!" Tinapunan ko ng masamang tingin si Mutya. She made a face. Hindi ko na nga ipapaalam pero pakielamerang babae talaga to. Napatingin at napahinto naman sa akin ang mga kamag anak ko.

Her AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon